Chapter 1

10 2 0
                                        


.........

Twinkle's POV

Nagising ako nang maalala na ngayon pala ang aking kaarawan. Pinagmasdan ko ang mga dekorasyon at palamuti na nakapaligid sa buong bahay.

Napangiti ako nang mapait. Kailan nga ba ako huling nagbirthday? Hindi ko na maalala.

Napagpasyahan kong bumaba na sa hagdan nang masalubong ko ang mga kasambahay namin na abala sa pag-aayos at paghahanda.

"Goodmorning, Ma'am. Nakahanda na po ang inyong almusal sa dining area- salubong sa akin ng isang katulong

"Sige ho, magpapahangin muna ako sa labas" saad ko. Tumango ito at umalis na

Huminga ako ng malalim at dinama ang magandang simoy ng hangin. 

I've been busy this past few weeks. Ang daming nakatambak na trabaho sa opisina dagdag pa sa sakit ng ulo ko ang sekretarya kong hindi alam ang kung ano ang ginagawa. Kung hindi lang ako pinakausapan ni Carmela na kaibigan ko malamang nasisante ko na 'yon.

Pumasok na ako sa loob at nagtungo sa hapag-kainan. Kailangan kong kumain ng almusal para hindi ako gutumin sa opisina at marami akong matapos na papeles. Binilisan ko ang pag-nguya ng aking pagkain at pumanhik na sa taas  para maghanda  sa kliyente na imimeet ko ngayong araw.

Pinasadahan ko ng tingin ang relo sa aking bisig ng makitang 9:00 na. Nagmamadaling umalis ako ng bahay at sumakay sa aking sasakyan at pinaandar ito. Kaunting oras na lang kasi at malalate na ako.

"Goodmorning, Mr. Flores. I'm sorry I've been---" napatigil ako sa pagsasalita nang makita ko ang mukha na aking kameeting at napasinghap

"Hindi maaari"- sabi ng aking isipan

Ngunit heto ako ngayon at nakatulala. Hindi ako makapaniwala na nasa harapan ko siya ngayon at mukhang ito'y nagulat din. 

"Uhm...- sabay naming sabi

Napatikhim ako at umupo na. Kailangang kong maging kalmado. I'm a business woman right now. 

"It's nice to see you again, Mr. Almanzar."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 13 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

End Up BrokenStories to obsess over. Discover now