26 [Buhay na manok]

Začít od začátku
                                    

"tsk. Bingi!"

Ayun nagwalk out. Nu kaya yun??

"sabi niya sabay kayo maglunch hahaha..bye Eri!!" Yano.

Tsk. Wirdong lalake!!!! nakakaasar naman eeh.

Dumatiing na yung teacher namin at nagstart na ang klase. Haaayy..

=========================


Si John:

Nagulat ako nang may pinagkakaguluhan yung mga lalake samay room. Tsk. Problema nila. Nilampasan ko na lang.

"John!"

Tsus. Yun pala pinagkakaguluhan nila. Well. Maganda naman kasi si Yumi.

"bakit ba?"

"tsk. Ate mo ko okay! Hmpf..lika muna."

Sinundan ko siya. Tsk. Maalamang tungkol nanaman to sa pinapagawa ng board. Wala naman akong pakialam sa mga kalokohang ginagwa ng pamilya ko. labas ako diyan as much as possible pero minsan kailangan ko talagang sumali.

Pumasok kami sa board room. Nakaconference nanaman. Naka video call nanaman sila. Pero this time kasali si daddy. Teka anong meron?

Aahh..oo pala. shareholders kami sa school na ito pero iba ang board of directors. Mga inassign ng mga shareholders. Ewan basta weird tong school na to. Sila Uno ang majority shareholder pero silent lang sila palagi. Hindi sila nakikialam sa mga kagaguhang ginagawa ng mga ibang members. Tsk.

"John at Yumi ganun ba talaga kahirapp pabagsakin ang mga Venz?"

"Oo dad. Malakas masyado ang kapit nila." Yumi

"kung ganun John tumulong kana."

"ayoko. Wala akong planong sumira ng buhay ng iba."

"babagsak ang eskwelahang ito kapag.."

"parehong malakas ang school natin at school nila. Malabo yan. A little competition wouldn't be harmful."

"John!!!"

"dad. Sorry but now ayokong makialam dyan. I'm tired."

Naglakad na ako palabas ng board room. Alam kong magagalit ng husto si dad pero wala akong pakialam. Wala akong panahon para sa mga bagay na yan. Tsk. Mga kalokohan nila.

Lumabas na ako ng board room. Sinundan pala ako ni Yumi.

"John saglit."

"op bakit"

"I'm sorry dahil ganito ang pamilya natin. Magulo pero John kailangan ko ang tulong mo."

"kung tungkol yan sa pagpapabagsak kay.."

"hindi. John, may nawawalang apo si Mahoma Venz. Isang batang babae ang kinidnap before. Umaasa siyang mahanap ulit siya."

"oh ngayon."

"gusto siyang pabagsakin ng board natin dahil sa pagbili niya ng isang kumpanya. Nalugi yung ilan sa mga board kaya siya pinapabagsak at ginagamit lang nila ang school kaya ang totoo hindi ko ginagawa ang gusto nila. Alam ni daddy yun."

"tsk. Pake ko ba jan.."

"isang lalake ang may matinding galit kay Uno at alam niya kung sino ang apo ni Mahoma. Yun ang gusto niyang gamitin laban kay Uno."

Hindi ko na talaga gets yung sinasabi ni Yumi pero iba ang kutob ko sa mga sinasabi niya.

"dito nag-aaral ang apo niya at nakita kong close ka sa kanya."

"hmm..sino?"

Kinuha niya ang phone niya at pinakita niya ang picture nung babae..

Malaking gulo to tsk..

Mr. Perfect Gangster! (Complete)Kde žijí příběhy. Začni objevovat