69

3.9K 66 1
                                    

AUTHOR's POV

"Yes. Yves and I are officially together."  Lahat ay nagulat sa anunsiyo ni Yasmin. Maging si Yves ay gulat din. 

'Shit. I didn't expect this.' -Yves

"Yieee! I'm happy for you, anak!" Masayang sabi ni Yvonette na halatang kinikilig pa. 

"Nice! Good job Dre!" Masayang sabi ni Ajax na nakipag-kamay pa kay Yves.

"Just take care of our daughter, Yves." Seryosong sabi ni Zachary.

"Yes Tito." 

"Sana wag mong hayaang masaktan ulit ang anak ko tulad ng kung paano siya masaktan nung mga panahong ikaw rin ang kasama niya." Lahat ay natahimik sa sinabi ni Rex. 

"Dad. Ano ba!" Suway ni Yasmin sakanya. 

"Makakaasa po kayo." Sagot ni Yves at sinuklian siya ni Rex ng matamis na ngiti.

"I'm happy. Masaya ako para sainyong dalawa. Sana wag kayong magsawang mahalin ang isat isa." 

"Of course Dad!" Masayang sabi ni Yasmin na tumingin pa kay Yves. 

Nilamon ng katahimikan ang paligid.

"Bakit nga po pala kayo nandito?" Pambabasag ni Yasmin sa katahimikan.

"We talked about you, Yasmin." Sabi ni Zachary at kumunot ang noo ni Yasmin. 

"Po?" 

"Yes. Alam na nilang kami ang mga magulang mo." 

"You talked to them?!" Gulat na tanong ni Yasmin. Tumango ang lahat. 

"It's okay with us. But please, take care of yourself lalo na at mga Mafia kayo. Understand? Let's have a date next week ends." Napatingin ang lahat kay Rex. 

"Date?" Wala sa sariling tanong ni Ajax. 

"Yes, date. Family date. You can go with us too, Ajax." Tumango ang lahat at tumingin si Rex kay Yves. 

"Call your parents as well and your friends." Nanlaki ang mata ni Yves pero bakas ang saya sa mukha.

"Sure po?!" Masayang tanong ni Yves. 

"Yes, of course." Nakangiting sagot ni Rex. 

"Saan naman tayo pupunta?" Paul asked. 

"Yes, where are we going?" -Sean

"Kung saan pwede, common sense mga Dre!" -Johnrey

"I suggest Tagaytay." Nawala ang ngiti sa labi ni Yasmin at biglang napalunok. 

"Oo nga. Maganda rin doon!" Nakangiting sabi ni Johnrey. 

"Friday ng hapon tayo pupunta doon sa Tagaytay. Para naman mas ma-enjoy natin kasi kailangang nakauwi na tayo sa Sunday. Don't worry dahil after class naman tayo pupunta." Sumang-ayon ang lahat sa sinabi ni Yvonette. Napatingin si Yves kay Yasmin. 

"Uhm. Ano po kasi, hanggang four thirty ang class ni Yasmin, samantalang kami ay hanggang three lang."

"Ahh ganon ba? Edi hintayin mo nalang siya tapos sumunod nalang kayo." Rex said and nagliwanag ang mukha ni Yves.

---

"Tara. Ihahatid na kita sa labas." Sabi ni Yasmin at hinila palabas ng bahay si Yves. 

Nakauwi na kanina pa ang mga magulang at kapatid ni Yasmin. Si Yves nalang ang natitira. 

"Nakakatakot!" Natatawang sabi ni Yves. 

"Ang alin naman?!" Tanong pabalik ni Yasmin. 

"Dalawa ang Daddy mo. Idagdag mo na si Ajax. Tatlo ang kapatid mo."

Searching For The Mafia HeiressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon