6

8.4K 182 1
                                    

Yasmin's POV

Nang dahil sa malakas na tunog ng cellphone ko ay nagising ako. Bumagsak ang tingin ko sa kanan. Nagulat ako nang makita sina Blake at Yves na magkatabing nakaupo.  Kanina pa ba sila rito?

"Anong ginagawa niyo rito?" Nahihiyang tanong ko at saka umupo sa kama.

"Binabantayan ka." Simpleng sagot ni Blake kaya napangiwi ako. At bumagsak ang tingin ko sa kamay ni Yves na may cast.

"Papaano mong nagawa iyon, Yasmin?" Tanong ni Yves. Kaya pumikit ako ng mariin para alalahanin ang nangyari. Hindi ako mahilig mapamura pero sa sitwasyon ko ngayon ay napamura ako. Hindi ko inaasahang ganoon kalala ang ginawa ko kanina.

"Sorry sa inasal ko kanina! I didn't know what happened to me! Believe me, I'm really sorry about what happened to you, Devon." Natatakot na sabi ko. Paulit ulit pa akong humingi ng tawad. Hindi ako makapaniwalang magagawa kong baliin ang kamay ni Yves. Nakita ko ang gulat na rumehistro sa mukha nito at seryosong tumingin sa akin.

"Don't call me Devon." But that's what he said when he first met.

"Sure. Patawarin mo na ako." Hindi ko na pinalaki pa ang issue tungkol sa pangalan niya, kung ayaw niya sa Devon ay Yves nalang ang itatawag ko sa kanya.

"Ayos lang. Hindi naman masyadong masakit." May mapait siyang ngiti sa labi at saka nag-iwas ng tingin sa akin.

"Because it's too painful! Damn. How the hell did you do that?" Napasimangot ako dahil ang akala ko ay hindi talaga masyadong masakit. Sino bang hindi masasaktan kapag nabalian ka ng buto?

"I'm really sorry." Nakayukong sabi ko. Muli akong humiga at saka nagtalukbong ng kumot. Nahihiya ako sa kanya. Nabalian pa siya ng dahil sa akin. Papaano ko ba kasing nagawa iyon? Bakit ko ginawa iyon? Pakiramdam ko tuloy ay nagiging bayolente na ako tulad ni Dad.

Yves' POV

Malakas akong siniko ni Blake sa bewang kaya mahina akong napadaing. Binigyan ko siya ng nagtatanong na tingin. Sinenyasan niya akong kausapin si Yasmin kaya napapabuntong hininga akong sinenyasan siyang lumabas ng kwarto. Mabuti nalang at nagkaintindihan kami kahit na pagsenyas lang ang ginamit namin para mag-usap. Nagpapasalamat naman ako dahil lumabas siya kaagad.

Nang maisarado niya ang pinto ay tumayo ako at saka lumapit kay Yasmin.

"Yasmin." Pagtatawag ko sa kanya pero hindi siya nagsalita pabalik.

"Yasmin. Hey, I'm sorry. Yeah, it hurts but I can manage. Nasabi ko lang iyon dahil nasasaktan talaga ako. Pasensya na. Hey, talk to me. Or do you want me to leave so you can be alone?" Sa sinabi kong iyon ay hindi pa rin siya sumagot.

"Fine. I'll go out." Napabuntong hininga ako at saka tumalikod. Nagsimula na akong maglakad pabas pero natigilan ako nang magsalita siya.

"Ako nga dapat ang mag-sorry sa iyo. Nabali ko ang kamay mo. Pasensya. Hindi ko lang talaga alam kung ano ang nangyari sa akin kanina. Pakiramdam ko ay hindi ako iyon." Humarap ako sa kanya para sumagot pero napailing ako nang nanatili pala siyang nakatalukbong.

"That's fine. It's okay. It's been done." Pangungumbinsi ko sa kanya at nagpapasalamat akong tinanggal na niya ang pagkakatalubong ng kumot sa buong katawan niya.

"Sigurado ka bang ayos lang?" Sinubukan niyang bumangon kaso pinigilan ko siya kaagad.

"'Wag ka nang bumangon. Baka mabinat ka pa." Sabi ko at saka siya tinulungang mahiga ng maayos. Pero bigla nalang siyang napabalikwas ulit kaya napabuntong hininga ako. Bakit ba ang kulit niya?

Searching For The Mafia HeiressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon