65

3.8K 74 1
                                    

YVES's POV

Mabilis akong naglakad patungo sa room nila Yasmin. Nakakamiss lang kasi siya! Hehe! Hawak hawak ko ang bouquet ng flowers na napili ko. Walang tulip dito! At nung makarating ako sa tapat ng room nila ay umupo ako sa bench na nasa harap lamang ng room nila. Inilapag ko muna ang bouquet doon sa tabi ko.

Puta! Sinabon ako ni Miss kanina! Lahat ng kaklase ko walang tigil sa panunukso sa akin. Pati sina Ajax, Michael at Michelle. Psh! Nakakainis! Nakakahiya!

Hinanap ko si Yasmin sa loob ng classroom nila at mabilis ko naman siyang nakita.

Ang cute cute niya kahit na bakas parin sa mukha niya ang lungkot. I sighed.

Napansin ko ang isang lalakeng sumadal sa gilid ng pinto ng room nila Yasmin.

Hindi ko nalang siya pinansin pa at naghintay pa. Tiningnan ko ang wrist watch ko at five minutes nalang ay uwian na nila! Bakit ba kasi mas mahigpit yung schedule nila?!

Kumunot ang noo ko nung mapansin kong tingin ng tingin sa akin yung lalakeng nakasandal sa gilid ng pinto. Hindi ko maiwasang hindi mainis dahil bawat tingin niya ay nakangisi pa siya!

"Mukhang may hinihintay ka Dre?" Psh! Hindi ba halata?!

"Ah, Oo."

"Yung nililigawan mo ba?" Tanong niya at umiling ako.

"Liligawan ko palang naman." Sabi ko at ngumiti siya.

"Pag-igihan mo ha?!" Tumango ako.

Gagawin ko talaga iyon kahit hindi mo sabihin!

"New student ka ba?" Tanong ko.

"Oo."

AUTHOR's POV

Tumayo si Yasmin at iniligpit ang mga gamit niya.

"Kyaaaah! May dalawang gwapong naghihintay sa harap ng room natin!"
"Talaga?! Kilala niyo?!"
"Si Yves lang kilala ko eh!"
"Oh talaga?!"
"Oo! Sino kayang hinihintay nila?!"
"May dalang bulaklak si Yves! Mukhang si Yasmin ang hinihintay niya!"
"Eh yung isang gwapo?!"
"Ewan ko! Tignan nalang natin!"

Yasmin cleared her throat at napatingin naman sakanya ang mga babaeng nakaharang sa pinto kakatingin kila Yves.

"Excuse me. You're blocking the way." Nakangiting sabi ni Yasmin kaya naman, agad agad na nagsi-alisan ang mga babae at tinitignan ang bawat galaw niya.

Pagkalabas niya, si Yves agad ang nakita niya. Nginitian niya ito at nginitian din siya ni Yves. Pero, biglang may humawak sa braso ni Yasmin dahilan para matigilan ito.

"May ibabalita lang ako, Boss." Sabi niya. Napatingin pa si Yasmin sa gawi ni Yves pero tumingin din siya agad ay Lux.

"Lux? Hindi ko inaasahan ang pagpunta mo dito."

"Talaga?" Tumango si Yasmin.

'Sino naman ang isang ito?! Bakit kilala niya si Yasmin?! Bakit siya kilala ni Yasmin?! Bakit ba lahat nalang ng transferee na lalake ay kakilala niya?!' -Yves

"Nandito na lahat ng mga tauhan mo."

"Ang bilis naman?!"

"Mmm. Ganun talaga. Maging ako ay hindi ko inaasahan!"

"Psh! Umalis ka na. May naghihintay pa sa akin oh!"

"Ay oo pala. Naka-usap ko siya. Mukhang ikaw ang hinihintay ha?!"

"Hindi ba halata?"

"Halatang halata! Sige na! Alis na ako." Sabi nito at tumalikod.

"See you around, friend!" Sigaw nito at patalikod na kumaway.

Searching For The Mafia HeiressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon