49

3.8K 68 0
                                    

AUTHOR's POV

Lahat ay naghahanda dahil sa kaganapang mangyayari mamayang Gabi.

'ACQUAINTANCE PARTY'

Kasalukuyang ikinakabit ng mga SSG ang malaking black na tarpaulin na naglalaman ng kasulatang 'WELCOME TO EMMANUELLE UNIVERSITY! PLEASE ENJOY THE ACQUAINTANCE and SPECIAL PARTY!'

Maagang inayos ng mga SSG ang lahat ng kakailanganin sa Party para may time silang mag-ayos ng sarili nila later.

May mga nag-aayos sa mga upuan at tables. May mga nag-aayos naman sa stage. Ang iba ay sine-set-up na ang sound systems.

Sa gymnasium naman ay naka-set-up na ang lahat. Hindi na sila nahirapan dahil konting ayos lang ang kailangan dito. Hindi kagaya sa field na kailangan pang gumawa ng stage.

---

Lahat ay naka-set-up na. Magmula sa black carpet hanggang sa mga disenyo.

Ang kulay ng mga disenyo, upuan, mesa, at iba pa ay itim. Itim na Parang may namatay dahil dito.

YASMIN's POV

Gumising na ako dahil nagring na ang alarm clock ko. Two o'clock na. Natulog ulit ako kaninang pagkagising ko para gising na gising ako sa party mamaya.

Nagstretching ako at kinuha ang towel bago dumeretso sa banyo ko.

---

Matapos maligo ay nagbath robe muna ako.

Umupo ako sa couch at hinintay ang mga mag-aayos sa akin.

Kinuha ko muna ang phone ko at nagscroll sa Instagram.

I sighed and bumukas ang pinto ng kwarto ko.

"Oh! Let's start na!" Sabi nung babae at lumapit sa akin.

Tinuyo nila ag buhok ko gamit ang blower.

---

Tiningnan ko ang mukha ko. Simple lang ang make up ko. Nakacurl ang buhok ko. Pero wavey lang.

AUTHOR's POV

Six o'clock na ng Gabi. Six pm ang simula ng Blessing of the University. Bandang seven naman matatapos. At magsisimula na ang Party pagkatapos ng Blessing.

Itinigil ni Yves ang Lamborghini niya sa harap ng bahay nina Yasmin.

Natext na ito ni Yasmin kahapon.

'Hindi ito kasinlaki ng Mansion namin. Normal lang pero malaki rin siya.' -Yves

Lumabas siya sa sasakyan niya at inayos ang tuxedo niya.

Naglakad siya papasok ng gate.

'Inhale, Exhale.' -Yves

Pinindot niya ng isang beses ang doorbell.

Nagulat siya nang makitang si Ajax ang nagbukas ng pinto.

"Oh! Yves! Pasok ka muna. Kinukuha lang ni Yasmin yung purse niya." Sabi ni Ajax at kunot ang noong sumunod Kay Ajax.

'What the heck?! Don't tell me live in sila?!' -Yves

"Bantayan mo si Yasmin ha?" Malumanay pero bakas ang awtoridad sa boses ni Ajax.

Tumango nalang si Yves.

"Ajax! Is he there?!" Sigaw ni Yasmin mula sa kwarto niya.

"Yes! Bumaba ka na!" Sigaw rin pabalik ni Ajax.

Binuksan ni Yasmin ang pinto ng kwarto niya at bumaba sa hagdan.

Rinig na rinig ni Yves ang takong ng heels ni Yasmin na dahilan para kabahan siya.

Searching For The Mafia HeiressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon