2

17.6K 337 5
                                    

Are you ready to get a glimpse of Yasmin Avianna Brooklyn's life? Are you ready to join a 17 year old girl with her life? Masisikmura mo ba kung paano tratuhin ng isang ama ang ampon na anak niya?

Yasmin's POV

When Mom died, everything about Dad changed because he started treating me in a very different way. Kung dati ay masaya kami palagi, ngayon ay hindi na. Palagi na akong pinagbubuhatan ng kamay ni Dad dahil sa hindi ko malamang dahilan. Sipa, suntok, sampal, at sabunot. Hindi ako makapaniwalang magagawa niya ang mga bagay na iyon sa akin. Ibang iba na siya sa mapagmahal na taong nakilala ko. Pakiramdam ko ay ako ang sinisisi niya kung bakit namatay si Mom. Hindi ko naman siya masisisi dahil pakiramdam ko ay kasalanan ko rin iyon.

Kasalukuyan akong nasa kwsrto ko ngayon. Nagkapasa at sugat na naman ako dahil sinaktan niya na naman kasi ako kanina nang makauwi ako galing sa University. Gusto akong tukungan ng mga totoong anak niya pero kapag tumulong sila ay masasaktan din sila. Kaya palagi kong sinasabi sa sarili ko na mas mabuting ako nalang ang masaktan kaysa sa mga kapatid ko. Mababait kasi ang mga kapatid ko. Palagi silang nasa tabi ko sa tueing kailangan ko sila, pwera nalang kapag pinagbubuhatan ako ng kamay ni Dad. 

Kahit na ganito ang mga nangyayari ay hindi ko magawang magalit kay Dad dahil pakiramdam ko ay may mali.

"Yasmin. Here. Ice, idampi mo riyan sa may labi mo." Sabi ni Kuya Paul. Si Kuya Paul ang tumutulong sa akin ngayon para gamutin ang mga sugat ko. Kinuha ko ang ice bag at idinampi ito sa gilid ng labi ko. Mabuti nalang at sabado ngayon, may oras pa para maghilom ang mga sugat na ito.

Bakit hindi ako maglayas? Sinubukan ko nang maglayas pero nahahanap pa rin ako ni Dad. Kung maglalayas naman ako, saan ako pupunta? Wala naman akong mga kaibigan, kasi hindi ko sila kina-kaibigan. Ayaw ko lang talaga. Mas lalo na sa mga lalake. Kapag nakakakita ako ng mga lalake, naaalala ko ang mga ginagawa ni Dad sa akin. Puwera nalang kay Kuya Paul at ang iba niyang kapatid dahil close na kami ng mga ito.

Sabi ni Mom, may nang-iwan daw sa akin sa may labas ng bahay na may kasamang papel. Nakasulat dito ang kapanganakan, taon at kung nasaan na ang mga tunay na magulang ko.

Patay na ang totoong mga magulang ko, base ito sa papel na kasama ko nung iniwan ako. Avianna ang totoong pangalan ko. Nakakapagtakang ang pangalan ko ay nagawa nilang dagdagan samantalang ang apelido ko ay hindi nila nagawang palitan.

Sino kaya ang mga totoong magulang ko? Kung patay na sila, gusto kong malaman kung saan sila nakalibing. Sino kaya ang taong nag-iwan sa akin?

"Kuya Paul. Mag-gro-grocery lang ako saglit." Sabi ko at tumayo na. Agad namang rumehistro sa mukha niya ang pag-aalala.

"Huh? Ako nalang." Sabi niya pero pinigilan ko siya.

"Ako nalang po. Sige po." At lumabas na ako sa kwarto ko.

Nang makalabas ako ng bahay ay sumakay ako sa kotse ko. Matagal ko itong pinag-ipunan at tinulungan din ako ni Kuya Paul para rito.

Yves' POV

I'm walking towards the grocery because I received a tip that the Heiress will be there but till now, I still can't see her. Kung bakit ba naman kasi walang binigay na litrato sa akin. Mas mapapadali sana ang paghahanap ko kung may litrato ako ng Heiress.

Naglakad ako sa pedestrian lane pero hindi agad ako nakagalaw nang makitang may mabilis na sasakyan na papunta sa direksyon ko. Tatakbo sana ako patungo sa ibang direksyon pero may isa pang sasakyan na papunta sa direksyon ko. Mas lalo pa akong nagulat nang may dalawa pang papalapit sa akin. Pinapalibutan ba nila ako? Fvck! Natunugan ata nila ang pagpunta ko rito.

Searching For The Mafia HeiressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon