EPILOGUE

291 4 1
                                    

Hoshi's

Pagkatapos na pagkatapos kong makausap si Jewel, nag-isip agad ako ng paraan para makausap sya. Hindi pwedeng magpatumpik-tumpik pa. Boom kara kara na! Ayoko na yung naghahabol sa airport kapag aalis, masyado nang mainstream kaya ngayon pala bago magbukas, pipigilan ko na syang umalis.

Nag-isip ako ng paraan para magconfess sa kanya. May dala akong speaker, idadaan ko nalang sa sayaw kaya sana umepekto. Kinakabahan ako actually. Madami beses na akong sumayaw sa harap ng madaming tao pero kakaiba tong kaba na nararamdaman ko. Wala akong hinanda na dance steps, freestyle dance ang gagawin ko using the confession song na napili ko.

"Malayo pa ba tayo Gyu?" Tanong ko sa kanya. Hindi na ako makapaghintay.

"Oo hyung easyhan lang natin. Makakarating din tayo dun."

After ng ilang minuto nakarating kami sa bahay ni Jewel. Pangalawang beses palang ako nakarating dito actually. Si Mingyu kaya ilang beses na?

"Manong si Mingyu to yung kaibigan ni Jewel." Sabi nya sa parang box sa may gate nila Jewel kung saan pwede magpalitan ng boses.

Bumukas yung pinto pagkasabi nya nun. Mas lalong bumilis yung tibok ng puso ko habang naglalakad kami papasok.

"Hyung, tatawagin ko lang si Jewel sa loob. Ihanda mo na yung speaker pati sarili mo." Naiwan ako dito sa labas. Humugot ako ng malalim na paghinga. Inaalala ko yung mga dance steps na ginawa ko para sa 'All of Me'.

"Ano ba yun Gyu? May surprise ka na naman ba sakin? Ikaw talaga daming mong alam.." Mas lalo akong kinabahan dahil sa narinig ko. Papalapit na sila Jewel dito.

Nakatayo lang ako habang nakatingin sa lapag. Nung naramdaman kong nandyan na sila, unti unti akong tumingin sa kanila..sa kanya. Pansin kong nagulat sya nung nagmeet mga mata namin. I just gave her a smile.

"Hi Princess, this one is for you." Sabi ko bago iplay ni Mingyu yung kanta.

Nagsimula na akong sumayaw. Iniisip ko lahat ng mga memories na meron kami maski yung kung paano ko sya binalewala noon. Unti-unti kong narealize na sana hindi ako nagpadala sa takot noon. Sana nung una palang sinunod ko na kung ano talaga yung totoo kong nararamdaman. Edi sana matagal nang kami. Matagal na kong masaya.

Pagkatapos ng pagsasayaw ko, hinarap ko si Jewel. Wala nang pag-aalinlangan pang nilapitan ko sya.

"Oops, alis na ako hyung ah? Masakit eh."

Paalam ni Mingyu. Nginitian ko sya bago sya tuluyang umalis palayo samin ni Jewel.

"Jewel.. I know this is all of a sudden. Siguro nga, ang tanga tanga ko bago marealize na ikaw naman talaga yung gusto ko. Hindi, pinilit kong paniwalain yung sarili ko na hindi tayo pwede pero alam ko naman sa sarili ko yung totoo."

I held both of her hands and look straightly to her eyes.

"Jewel I love you."

I gasped when I saw droplets of tears coming from her eyes. Bakit sya umiiyak? Hindi na ba talaga kami pwede?

"You dont know how much I waited for this to happen Soonyoung oppa. Akala ko wala ka talagang nararamdaman para sakin, akala ko hindi-"

I stopped her from talking by pressing my lips on hers. Damn those lips. I should've kissed it before. Niyakap ko sya ng mahigpit pagkatapos.

"I love you Nancy Jewel Mcdonie."

"I love you too Soonyoungie."

into soon 【epistolary #5】Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ