086

163 6 0
                                    

Jewel's

Nandito na naman ako sa 10:10 dance studio. As usual, in return of Mingyu accompanying me during my practices sa play that's why I'm here.

"Uy Jewel! Andito ka ulit?"

"Naks bantay sarado na si Gyu."

"Baka daw may lumapit na chics kay Gyu kaya andyan si Jewel hahahahaha."

"Oyst. Kung ano ano sinasabi nyo. Nakakahiya kay Jewel."
Natatawa nalang ako sa sinasabi nila samin. Hindi alam ng tropahan kung ano talagang meron samin dalawa.

"Sige na Jewel, upo ka nalang dyan. Magwawarm up lang kami habang wala pa si Hoshi hyung."

Gaya ng nakagawian, dun ako pumwesto sa couch na palagi kong inuupuan sa tuwing pinapanood ko sila magpractice. Ganito palagi ang set up namin. Kapag natatapos sila magpractice ng isang kanta, lalapit si Mingyu sakin para punasan ko yung pawis nya at painumin ng tubig. Ganun lang palagi. Madalas kaming tuksuhin ng Two Teen dahil dun pero wala lang sakin. Wala naman kasing malisya yung ginagawa namin. Isa pa, its my way of forgetting..

Mingyu was the one who offered himself. I dont know if rebound is what you call it. Ayaw ko talaga ng ganun actually. I dont want to use anyone just to forget my feelings for Hoshi. Ayos nga lang sakin kahit na forever akong broken hearted sa kanya but since Mingyu is there for me, he insisted. Hinayaan ko sya sa gusto nya. Kaya ito kami ngayon. He's actually courting me.. But I just keep on refusing it again and again. Friendship lang ang kaya ko ibigay sa kanya..but maybe in the future? Malay natin if magbago ang feelings ko.

"Kumpleto na ba tayong lahat? Wala nang kulang?" When I heard that voice, biglang bumilis yung heartbeat ko. Napatingin ako sa kanya and that's how our eyes met. Shit. Mas lalo yatang nagwala yung puso ko. "O sige, magsisimula na tayo."

Pinanood ko sila mula dito sa likod. 13 members sila pero isa lang yung nakikita kong nagsstand out sa lahat. Yung lalaking neon pink ang buhok.

Magaling silang lahat sumayaw pero sya lang talaga yung kakaiba. I dont know what's with his dances that I found very unique among all of them. Since day one hinangaan ko na talaga sya, from his dancing skills up to his handsome cute face and personality. He's everything I've been wishing for. Haha, kung makapagsalita ako sa inyo ngayon aakalain nyong hindi ako broken hearted sa kanya. Wala eh, ganito yata kapag sobrang inlove ka sa isang tao.

"Ulit-ulitin nyo lang yung part na yun. Kailangan malinis natin yun dahil main sa lahat yun." Shit. Bigla syang umupo sa tabi ko. Ito lang kasi yung nag-iisang couch dito sa practice room actually.

I can smell his baby like scent. He's a little sweaty pero mas lalo lang yun nakadagdag sa pogi points nya.

"Okay ka lang dyan Cy?"

"H-huh?"

"Ok ka lang?"

"O-oo ayos lang ako."

Parang may kusang nag-utos sakin na ibigay kay Hoshi yung bottled water ko.

"Oh, salamat." Tinanggap nya yun saka uminom dito. That's an indirect kiss.

"Hoy hoy! Ayusin nyo pa, may nakikita akong errors mula dito sa likod." Saway nya.

I can't breathe. I'm like a statue right now. Kitang-kita ko yung perfection ng mukha nya. Hindi ko maiwasan hindi sya titigan. Im taking this advantage right now.

"Buti pa si Mingyu may nagpupunas ng pawis. Diba sakin mo lang dapat ginagawa yun."

"Huh?" Hindi ko kasi masyadong narinig yung iba nyang sinabi dahil sa lakas ng speaker. Pero yung Mingyu lang narinig ko.

"Wala sabi ko ang ganda mo."

Pagtapos nyang sabihin yun nagpunta na sya sa harap ulit. Tell me mali yung narinig ko? Did he just said that I'm beautiful?

Sa kanya ulit napunta paningin ko. Why is he doing that? Anong meron? Dapat ko bang bigyan ng malisya yun.. Baka pinapaasa nya na naman ako.

Baka nga.

into soon 【epistolary #5】Where stories live. Discover now