095

164 4 0
                                    

Mingyu's

Nandito kami ngayon ni Jewel sa leisure park. Gusto nya dito kami tumambay, syempre prinsesa ko sya kaya lahat ng gusto nya gagawin ko.

"Gyumin tama ba yung ginawa ko? Tama bang itakwil ko na sya? Diba tama naman yun? Pero bakit ang sakit parin." Nagulat ako sa bigla nyang sinabi. As usual, expect the unexpected.

Huminga ako ng malalim bago ko sya sagutin. "Hindi ko alam Jewel pero ano bang sinasabi ng puso mo?" Alam kong in any moment makakarinig ako ng mga salita na makakasakit sakin pero ginusto ko naman to diba. Bakit hindi ko pa panindigan?

"Galit lang siguro ako sa kanya dahil sa sinabi nya nun pero sya parin Gyu eh." Aray. Sabi ko nga. Hindi ko yata talaga kayang agawin sya kay Hoshi hyung.

"Bakit ang swerte swerte ni Hoshi hyung? Paano ba maging sya?" Napatawa nalang ako sa tanong ko sa kanya.

Bakit nga ba ang swerte nya? Since then, ganun nalang palagi. Nung nagustuhan ko si Pinky at nalaman kong gusto rin pala sya ni Hoshi hyung, nag-give way ako. Hindi rin ako yung gusto ni Pinky nun, sad to say..

"Hindi ko alam Gyu...sorry. Sorry kung hindi ko masuklian yung pagmamahal na binibigay mo sakin." Masakit marinig sa kanya mismo yung mga sinasabi nya.

"Shhh. Wala kang kasalanan. Wag mo sisihin sarili mo, ako naman yung nag-offer sayo ng ganitong set up." Its not really her fault. I insisted na tulungan sya kahit papaano. Alam ko kung paano nya pilit na humihingi ng atensyon kay Hoshi hyung pero hindi nya magawa. At hindi ko malaman kay Hoshi hyung kung bakit hindi nya magawang magustuhan si Jewel.

She's very likable. No, she's loveable.

"Pero sorry parin.. Ikaw yung laging nandyan para sakin pero di ko man lang maibigay yung deserve mong pagmamahal." Humiwalay ako sa yakap then I cupped her cheeks para punasan yung luha nya.

"Okay lang ako Jewel. Wag ka na kasi umiyak. Wag na umiyak prinsesa ko." Its funny to think na pinapatahan ko na sya pero ako unti-unti nang gusto umiyak sa harapan nya. "Tara na nga iuuwi na kita. Magpahinga ka. Kumain ng madami. Get away yourself from the sadness, stress and all. You need it."

"Thank you Gyu. You're the best, ever. Ang swerte ng magiging girlfriend mo." I smiled at her. Sya sana yung girlfriend ko kaso hindi ako yung gusto nya maging boyfriend.

"Tara na nga, inuuto mo lang ako para ibili na naman kita ng ice cream."

Naglakad kami palabas ng leisure park, pabalik sa university. She let me hold her hand. Maybe because this might be the last time na abot kamay ko pa sya.

I need to give her back, to Hoshi hyung. Sya naman talaga ang nagmmay-ari kay Jewel simula palang ng storya na to.

into soon 【epistolary #5】Where stories live. Discover now