#37 The Other Side of the Story

Start from the beginning
                                    

"Best ano nanaman ba 'to?"

"Nanaman? Bat 'di mo tanungin yang sarili mo? Masyado kang pabida eh."

Kim. Relax. Matalim talaga magsalita yang bestfriend mo pag-lasing.

"Tungkol san ba 'to tol?"

"Hindi mo alam? Patawa ka. Alam mong lead role yung pinag-auditionan ko 'di ba? Tapos lead role din talaga yung pinag-auditionan mo. Eh 'di ikaw na magaling."

Napailing nalang ako. Kelan kaya magmamature 'tong bestfriend ko?

"Teka-teka. Si P'Oh ang namilit sakin na lead role ang i-try ko. Narinig mo pa nga na sinabi kong ayaw ko dahil andun ka na 'di ba?"

"Pero sinubukan mo pa din. Gustong gusto mo talagang pinamumukha na behind lang ako sayo eh."

"Pond! Sumusobra ka na. Hindi na tayo high school para mag-pagalingan pa."

"Sus. Hindi na nga tayo high school pero gusto mo ikaw pa rin ang laging bida."

Napahilamos ako ng mukha gamit yung kamay ko. Nakakafrustrate 'tong isip bata kong bestfriend.

"Pond alam mong hindi totoo yan. Lahat nalang ba pag-aawayan natin? Noong nakaraan si MaryAnn. Sinabi mo na inaagaw ko sya sayo kahit hindi naman. Paulit ulit kong sinasabi na sya yung lumalapit sakin at hindi ko sya type pero ako pa rin yung masama. Pinahiya ko yung babae para tigilan nya ako at para mapatunayan na hindi kita tinatalo pero 'di mo na rin ako kinausap ng maayos pagkatapos nun party na yon."

"Pabida." Yan lang yung sinagot nya sakin.

Tsk. Isip bata talaga eh.

"Wag kang mag-alala. Hindi ko na tatangapin yung lead role kung yan ang magpapasaya sayo. Grow up dude!"

Tumayo na ako at bumalik sa loob ng bar. Napapagod na ko sa isip-bata kong bestfriend.

Ang labo eh. Sya yung namilit na mag-audition kami sa series na yun.

What's more?

Sya rin yung namilit sakin mag artista for fuck's sake!

Pero tignan nyo sya ngayon. Napaka-immature mag-isip!

Sa totoo lang, ayaw ko talagang nasa isang field kami ni Pond dahil alam ko ng mangyayari 'to.

May inferiority complex ang bestfriend ko. Lagi nyang iniisip na behind sya sakin mula pa noong bata kami. Ako yung palagi nag-aadjust kaya siguro tumagal yung pagkakaibigan namin.

Hindi ko rin kasi masisi kung bakit nagkaganun si Pond. Yung daddy kasi nya palagi syang kino-compare sakin mula elementary hanggang mag-college kami. Hindi naman sa pagmamayabang pero genius ang level ng IQ ko samantalang si Pond normal lang. So hindi talaga fair na i-compare sya sakin. Grabe si Tito kay Pond.

*kinabukasan

Nagulat yung buong agency dahil sinabi ko nang hindi ko tatanggapin yung lead role at hindi na rin ako mag-rerenew ng contract.

Para sa bestfriend ko. Ako na ang mag-aadjust for the nth time. Ayaw ko nang may sama sya ng loob sakin.

Atsaka para magawa ko na rin yung thesis ko. Excited na ako sa immersion. I always wanted to live a simple life. For sure sobrang exciting nun!

We Belong TogetherWhere stories live. Discover now