#32 The Blood

1.6K 148 422
                                    

Instagram: kimbas_ph

Bas' POV

Gusto kong magalit ng todo kay P'Kim. Pero hindi ko magawa. Ayokong magpadalos-dalos at magpadala sa emotions ko.

Gusto ko muna syang makausap at malaman yung reason nya kung bakit hindi nya ako sinipot.

No to impulsivity. Kailangan ko mag-act mature kahit ang sakit-sakit na.

Lalo lang ako naiiyak habang pinupulot ko 'tong mga Tupperware ni Ma.

Yung mga pag-kain na pinaghirapan ko lutuin at hiwain, all turned into waste. Yung mga effort ko nasayang.

Hindi ba nya alam yung hirap ko kayurin yung utak ng alimasag sa shell para lang sa tanginang crab fried rice na 'to.

Kung alam ko lang talaga. Sana kinain ko nalang kanina 'tong mga luto ko.

Ehh 'di broken hearted lang sana ako ngayon.

Kaso too late. Broken hearted na nga ako ngayon tapos gutom na gutom pa ako. Dalawang bagay na pinaka-kinakatakutan kong mangyari.

All my Tupperwares are packed, I'm ready to go.

Pinunasan ko muna yung mga luha ko sa mata at pisngi bago ako naglakad papalabas nitong park.

Gusto ko nalang umuwe at magpahinga. Pagod na pagod na yung puso, isip at katawan ko ngayong araw.

Paglabas ko ng park, maghe-hail pa lang sana ako ng taxi pero meron na agad huminto sa harap ko kaya sumakay na ako sa likod.

In fairness hindi defective yung aircon ng taxi ni kuya. Malamig. Nakaramdam ako ng comfort mula sa init ng park kanina.

Sinabi ko nalang yung address ng bahay namin at hindi ko na napigilan maghikab.

Nakatulog na ako.

___________

Madilim na yung paligid nun nagising ako. Nasan na ba ko? Anong oras na?

Nakahinto na 'tong taxi pero sigurado akong hindi sa labas ng bahay namin 'tong lugar. Wala rin yung taxi driver sa harap.

Nagloloading pa yung utak ko dahil nga kakagising ko lang.

"Gising ka na baby?"

Bigla akong bumalik sa wisyo ko dahil sa boses ng nagtanong.

P'Kim!!

Napaayos ako ng upo.

Ngayon ko lang napansin na nakakandong ako sa kanya at nakahiga ako sa katawan nya kanina.

"Anong ginagawa mo rito?" Punong puno ng coldness yung boses ko.

Nag-slide ako patagilid para umalis sa pagkakakandong sa kanya at makaupo sa upuan ng taxi.

Tumingin ako sa kanya ng diretso kahit medyo dim yung ilaw ng taxi.

"Para i-celebrate yung monthsary natin?" Sa tono ng boses nya parang wala lang sa kanya yung nangyari sakin.

Biglang kumulo yung dugo ko sa inis.

"Tangina mo! May gana ka pa mag celebrate! Hindi mo ba alam kung gaano ako katagal............."

Bigla akong natahimik.

He kissed me to shut me up.

Ito nanaman yung mahiwagang halik ni P'Kim na kayang burahin lahat ng emotions ko.

Naiyak nalang ako dahil sa inis sa sarili ko. Bakit isang halik lang nya sakin nawala na yung galit ko.

Napahikbi ako.

We Belong TogetherWhere stories live. Discover now