#18 The Chut Thai

1.5K 140 168
                                    

Ig: kimbas_ph

Bas' POV

Ang bilis ng panahon. 2 weeks na yung mabilis na lumipas nang 'di ko namamalayan dahil busy ako.

Umaattend ako ng acting workshop dahil nakakuha ako ng supporting role sa series na pinag-auditionan ko.

Kailangan ko daw magseryoso sabi ni P'Oh dahil ito yung first project ko na lalabas ako sa national TV. Baka daw dito na ko ma-discover ng mga producer.

Sobrang proud din sakin ni Ma at Pa kahit supporting role lang 'tong project na nakuha ko. Ito na daw yung start. Excited na daw silang mapanood ako sa TV.

Everything is perfect para sa simula ng career ko. Pero bakit malungkot ako?

Despite sa mga blessings na dumadating sakin, feeling ko may kulang.

Hindi ako masaya.

Oo na.

Tama kayo.

Namimiss ko yung tuktuk driver na may northern thai accent na marunong naman pala mag central thai accent.

Sising sisi na ko sa ginawa kong katangahan.

Akala ko kasi hindi nya ko matitiis. Akala ko susuyuin nya ko. Akala ko lang pala talaga lahat.

Ako yung nagsabi na wag na sya magpapakita sakin pero bakit ako din yung umaasa na magpakita sya?

2 weeks ko na syang inaabangan. Palagi akong tumitingin sa bintana ng kwarto ko at ng agency, umaasa na baka sakaling naka-park yung tuktuk nya sa ibaba.

Kaso wala talaga.

Sinubukan ko na din syang kontakin kaso laging out of coverage yung phone nya.

Sigh.

Nasaan na ba si P'Kim?

I said leave but all I really want is you.

_________

*buzz buzz

Napangiti ako sa pag-alert ng phone ko.

Syempre asado ako na si P'Kim 'tong nag text.

Siguro miss na miss na nya ko kaya hindi na sya nakatiis.

Sobrang excited ko tinignan yun message.

Agad nawala yung ngiti ko nun nakita ko na hindi sya yung nagtext.

Si P'Pond.

"Labas tayo? Wala akong magawa."

Pumayag na kaya ako? Kesa naman magmukmok ako dito sa kwarto maghapon kakaisip kay P'Kim. Weekend naman at wala akong work.

Wala naman sigurong mawawala kung maglilibang ako kasama sya.

Besides sobrang bait sakin ni P'Pond lately. Palagi syang may binibigay na pagkain sakin everytime na nagkikita kami sa agency.

Ang sarap nya maging kaibigan.

"Hindi ako pwede P'." Reply ko sa kanya.

Kahit gusto ko sumama sa kanya dahil alam ko na ililibre nya ko, I choose not to.

Ayoko gumamit ng ibang tao para mawala yung lungkot ko.

Mas mabuti pang harapin ko yung totoong dahilan ng pagkalumbay ko kesa subukang tumakas sa reality.

Tama!

Fuck pride.

Hahanapin ko si P'Kim today at magsosorry.

We Belong TogetherWhere stories live. Discover now