#37 The Other Side of the Story

1.7K 138 106
                                    

Instagram: kimbas_ph

Kim's POV

*Flashback

Andito kami ngayon sa GMMTV building para sa last round ng audition for a new series.

"Nong Kim congrats! Siguradong sayo na ang lead role. Ikaw daw ang top choice ng production team sabi ng connection natin."

Gustong sumigaw ni P'Oh sa tuwa pero hindi pwede dahil baka marinig kami sa kabilang table kaya mahina lang yung boses nya.

Sobrang ecstatic ni P'Oh ngayon dahil bukod sakin, marami pang actors na galing sa agency namin ang napipisil na makuha para sa mga supporting roles.

Maganda ang pasok ng new year para samin.

Lahat sila masaya sa news ni P'Oh bukod sakin at sa bestfriend ko.

Dapat masaya ako dahil ito yung unang lead role ko pero hindi ko maintindihan yung feelings ko ngayon.

Hindi kasi ito yung gusto kong gawin sa ngayon.

Gusto ko sana munang mag hiatus sa showbiz. Balak kong tapusin muna yung thesis ko para sa masteral. Immersion yun for 6months so kailangan ko talagang i-devote yung time and schedule ko para dun.

Pero 'di bale na nga! Mukhang magiging masaya rin naman 'tong series eh. I-popostpone ko nalang ulit yung thesis ko.

Ang gulo ko no?

Sorry naman! Typical na rich kid eh. Paiba-iba yung gusto ko. Pero as long as malilibang ako at hindi mabobored, pwede na.

____________________

As expected, ako nga yung nakakuha ng lead role.

Andito na kami ngayon sa isang bar para mag celebrate at 2nd New Year's Party na rin. Libre ng mga managers dahil madaming actors ang nakuha sa agency namin.

Lahat kami nag-eenjoy bukod sa bestfriend ko.

Ano nanaman bang problema nito? Kanina pa sya mukhang wala sa mood. Simula pa noong nasa audition kami.

Napapa-iling nalang ako habang tinitignan yung nakasimangot nyang mukha.

Nung lumabas sya para manigarilyo sumunod ako sa kanya.

Gusto ko rin syang makausap dahil hindi na kami masyadong nakapag-usap mula noong New Year's Party last last day.

Nakaupo sya sa plant box nun inabutan ko sya sa labas.

Umupo ako sa tabi nya.

"Best may problema ka nanaman ba?"

Tanong ko kay Ai'Pond na kasalukuyang bumubuga ng usok.

"Wala." Sobrang cold ng boses nya.

"Come on. Hindi tayo mag bestfriend mula pagkabata para sa wala. Kilalang kilala na kita. Nag-away nanaman ba kayo ni Tito?"

"Hindi si Daddy ang problema ko. Ikaw." Seryoso at straight to the point yung pagkakasabi nya.

Nagulat ako sa sinabi nya pero alam kong nakainom na sya so hindi ko dapat patulan.

We Belong TogetherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon