#20 The Damp Cloth

1.6K 169 202
                                    

[QM's Note: #95 on Fanfiction 😉 If hindi naman abala sa inyo comment din kayo and vote. Salamat 😘]

IG: kimbas_ph

Bas' POV

Paglabas ko ng pinto ng apartment ni P'Kim, mas lalo akong naiyak para sa sarili ko.

Para akong malulusaw sa mga scrutinizing looks na binibigay sakin ng mga kapitbahay ni P'Kim.

Awang-awa ako sa sarili ko.

Hindi ko naman sila masisi, ikaw ba naman ang lumabas na naka-boxers at upper arm bracelet lang ang suot habang umiiyak. Idagdag mo pa yung make-up ko na humuhulas na dahil sa pag-iyak at pawis ko.

Mukha akong callboy na kinick-out sa bahay ng costumer ko.

Pero wala na akong pake kung anu mang isipin nila sakin. I didn't even bother na isuot yung kahoy na tsinelas ko, tuloy tuloy lang ako naglakad palabas ng compound na 'to.

Ang gusto ko nalang eh makauwi kasi anytime soon magbre-breakdown na ako sa sakit na nararamdaman ko ngayon.

"Ahhhhhh!!"

Napasigaw ako nun naramdaman ko na hindi na nakatapak yung paa ko sa lupa.

Para akong bata na binuhat ni P'Kim pabalik sa apartment nya.

Gusto kong sabihin na 'ibaba mo ko', gusto kong mag-pumiglas pero hindi ko nagawa.

Ito na ba yung tinatawag nilang "when love and hate collide" ?

I swear, galit na galit ako kay P'Kim right now pero dahil sa ginawa nya.. nakaramdam ako ng solace at nawala lahat ng sakit na nararamdaman ko ngayon.

His scent, the warmth of his skin and everything about P'Kim are the things I yearned for the past 2 weeks.

Hindi ko i-dedeny, gustong gusto ko 'tong ginagawa nya ngayon. Kahit ang weird tignan ng 5'10 na lalaki na binubuhat ng isang 6 footer na lalaki.

Wala na akong pake sa iisipin ng mga kapitbahay nya. Pumikit nalang ako and tried to savor the moment.

Hindi ko na alam kung kailan ulit mauulit 'to. So I'd better enjoy it while it lasts.

Naramdaman ko na ibinababa nya ako sa kama. Yeah, I can say na bed ito without lookin' kasi malambot.

Nakaupo lang ako at hindi gumagalaw or dumilat man lang. I stayed the way kung paano nya ako ibinababa.

Naramdaman ko na lumabas sya ng kwarto, pero bumalik din naman kaagad.

Suddenly, I feel a damp cloth touching my face. He's using it to wipe off my worn out make-up.

"Hindi mo naman kasi kailangan mag-lagay ng kolorete sa mukha."

Napadilat ako dahil sa sinabi nya. Yung mukha nya ang una kong nakita.

Nakangiti sya sakin.

"Hindi mo rin kailangan magsuot ng chut thai at umaktong makaluma. Hindi mo rin kailangan magsalita ng may puntong taga-norte upang ika'y aking magustuhan." Dagdag pa nya.

Anong gusto nya iparating sakin sa mga sinasabi nya ngayon?

Nakatitig lang ako sa kanya pero 'di ko mabasa yung mga gusto nya.

"Gusto kita bilang ikaw nong at wala akong gustong baguhin sa iyo tulad ng pagtanggap mo sa weirdong lalake na gaya ko."

Wait. Anong nangyayari?

Napakabilis ng tibok ng puso ko ngayon at para akong namanhid dahil sa mga sinabi nya.

Gusto kong magsalita at magtanong pero 'di ko nagawa.

We Belong TogetherWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu