Hindi narin ako kinulit ng lalaki kanina. Ganoon parin naman ang titig ng mga tao o kung ano man talaga sila sa amin ni Christy, hindi parin naaalis ang bulong-bulungan sa tuwing naglalakad kami sa hallway o kaya kapag nasa classroom na kami. Sanay naman na ako kaya wala na akong pakealam sa kanila pero ang ikipinagtataka ko ay si Christy, tahimik at seryoso lang siya tuwing magkasama kami. Hindi niya na rin pinapatulan ang mga nagbubulungan tungkol sa akin. Ano ba talaga ang nangyari?

Reccess namin ngayon at narito nanaman kami sa canteen. Tahimik lang si Christy habang kumakain , nakakapanibago ng sobra ang ganitong Christy. Hindi siya ganito katahamik at hindi niya matatagalan ang ganitong katahimikan pero... bakit ngayon ganito ang mga ikinikilos niya? Hindi ko tuloy magawang kumain. Ang daming misteryo dito na gusto kong masagot.

Nakita ko namang papalit sa kinauupuan namin ang lalaking timang na nakausap ko kanina. Hinayaan ko nalang din siya lumapit sa amin, marami akong gustong itanong sakanya at gusto kong malaman lahat lahat. Kung dati, wala akong pakealam sa mga nangyayari. Ngayon, sobra akong nacucurious at gustong alamin kung anong nangyayari at anong nangyari. Gusto kong malaman para hindi na ako maparanoid.

"Ms. Kingsley..." bati sa akin ng lalaki na may nakakalokong ngiti. Ang pangit niya nakakainis! Susungitan ko sana siya kaso naisip ko na kailangan ko siya.

"I need to talk to you." saka tumayo ako at hinila siya papalabas pero sadyang napakalakas niya kaya't napunit ang damit niya. At... biglang nagdarkyellow ang mata niya, pero nawala rin 'yon agad. A-ano ba siya? A-ano ba talaga ang napasukan ko?

"Yun lang ba? Hindi mo na kailangan manghigit.." papalapit siya ng papalapit sa akin na nagpakaba sa akin. Dapat ngayon ay sinuntok ko na siya sa mukha pero bakit... bakit parang nawala lahat ng lakas ko ng titigan niya ako? Habang papalapit siya, paatras lang ako ng paatras. Lahat na nga ng atensyon ng lahat ay nasa amin na. "Pwede mo naman akong pakiusapan eh?" napalunok nalang ako nang maramdaman kong nasa dulo na kami ng canteen at corner na corner niya na ako. At ano!? Pakiusapan!? Hibang na ba siya! -__-

"Hahahaha! Rooftop 12 am." sabi niya saka umalis. Sht! Damn that guy! -___- Urgh! He gave me a heart attack! Ugh! Bakit ba ako nagiging ganito?

"Anong tinitingin-tingin niyo dyan?" Nakakairita! Nag-oon na ng kusa ang pagiging btchy ko dahil sa kanila! -__- Inalis naman nila ang tingin sa akin pero nandoon parin ang mga bulong-bulungan nila tungkol sa akin.

"Ella... huminahon ka lang." seryoso paring sabi sa akin ni Christy. Ibang iba siya ngayon. Ano bang nangyari kahapon?




Natapos na ang lahat ng klase at lahat ng teacher ay iniiwasan ako. Ang weird nilang lahat. Okay lang kung hindi nila ako pansinin, ano ba pake ko? Mas okay nga yun eh! Pero bakit kasi ang weird! Ano bang nangyari kahapon? 

11:45 pm

Naghahanda na ako para sa pagkikita namin ng lalaking nakausap ko kanina sa canteen. Hanggang ngayon naiinis parin ako sa sarili ko! Aish, Bakit ba ako nagkakaganito?

Curfew na namin kaninang 10 pm kaya sobra ang pag-iingat ko sa paglabas palang ng kwarto namin ni Christy. Wala namang magawa si Christy sa pakikipagkita ko sa lalaki kanina at hinding hindi niya ako mapipigilan.

Dahan-dahan akong naglakad sa hallway at nagmasid. Sabi ni Christy, tuwing malapit na mag hatinggabi, may umiikot sa buong dormitory para masiguradong wala ng mga estudyante sa labas. Tapos narin ang nakatakdang curfew kaya kailangan ko talagang mag-ingat, kundi pag nahuli ako mapapatawag nanaman yung Laviniang yun. Oo! Si Lavinia ang pumupunta tuwing pinapatawag sina papa, kaimbyerna nga eh? -___-

Dahan-dahan lang ang paglalakad ko papuntang hagdan sa rooftop. Medyo madilim ang daan kaya kailangan kong magdahan-dahan sa paggawa ng foot steps.

Nang malapit na ako sa may pinto, may nakita akong flashlight na paikot-ikot sa buong hallway. Sht! Kailangan ko magmadali kundi mahuhuli ako! Sa pagmamadali ko bigla nalang akong natalisod. Aww sht! Ugh bat ngayon pa?

"Sino yang nandyan?" ugh! Sht. Umikot ang flashlight sa may hagdan kung nasaan ako. URGH I'm in deep danger.

Papaakyat na ang may hawak ng flashlight nang may narinig akong footsteps na papalapit sakanya. Hindi ko gaanong maaninag ang taong lumapit sakanya dahil madilim sa may baba at nagtatago ako sa may hagdan.

"P-prince..." rinig kong sabi ng lalaking nag-iikot sa buong dorm.

"Mamaya na ako matutulog... may kakainin pa ako" kinilabutan naman ako sa huling sinabi ng lalaki. Teka! Siya nga! Siya yung lalaki sa canteen kanina... at ano raw!? may kakainin pa siya!? Ano bang klaseng nilalang siya! Napaatras naman ako at mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko.

"P-pero..."

"Don't you dare isumbong ako sa hari, kundi... malalagot ka sa akin." pagbabanta ng lalaki sa canteen sa nag-iikot. Sino ba siya rito ha!?

"O-opo." tumakbo naman agad ang lalaking nag-iikot at parang takot na takot sa lalaking nakausap ko sa canteen. Paano niya napasunod ang nag-iikot!? Ano ba siya rito?

Unti unti namang papalapit sa akin ang lalaki sa canteen. Sht! Bumibilis lalo ang pagtibok ng puso ko. URGH! Bawat footstep na naririnig ko, mas lalong lumalakas at bumibilis ang tibok ng puso ko. He's really something.

"Hahahaha." tawa niya pa. Hindi ko man siya maaninag dahil sa kakapusan ng ilaw sa kinaroroonan ko ngayon, alam kong nakangisi siya na para bang may balak na masama. Urgh! That guy!

"Bilisan mo na dyan." sabi ko sakanya kahit di ko siya gaanong maaninag. Nang tumayo ako, naramdaman kong may malapit sa akin... sobrang lapit! URGHH! He's really close.

"Ano bang gusto mong pag-usapan natin?" seryoso niyang sabi sakin habang magkalapit na magkalapit ang mga mukha namin. Ang tangos ng ilong niya at ang gwapo niya. Wait... WHAT DID I JUST SAID!?

"Y-yung kahapon..." Urgh! Bakit ba ako nauutal!? -___-

"Hahahahaha!" tawa parin siya ng tawa. Baliw na ba 'tong lalaking 'to?

"Anong nakakatawa?" taas-kilay kong tanong sakanya. He's so gorgeous! UGH!? What's happening to me. -____-

"Akala ko iba ka sakanila... Apektado karin pala sa charms ko." sabi niya na may nakakalokong ngiti! Urgh. Namumuro na siya ha!

*boogsh*

"Aww!" napahawak ako sa kamao ko. Sht! Ang sakit. Paano niya nagawa 'yon? Ang bilis ng kamay nya!

"Not so fast, babe." sabi niya pa ng may nakakalokong ngiti.

"ANONG KLASENG NILALANG KABA!? ANO KABA? AT SINO KA BA?!" nakasigaw kong sabi habang hawak hawak parin ang kamao kong sobrang sakit. Feeling ko lahat ng lakas ko ay nawala nang hawakan niya ang kamao ko.

"I'm the one and only... Prince Kris of Wolf Academy."

"You're a Pr-- WHAT!?"

--

Prince Kris (multimedia) 乂◕‿◕乂

[Edited 15.07.28]

-Sea

Wolf AcademyWhere stories live. Discover now