iii. the enchanted flower

Start from the beginning
                                    

"Can I ask you something? What branch is your enchantment?"

Ngumisi siya, "Secret." I just looked at him with no emotion while he laughed. Napapansin kong para itong happy-go-lucky type of professor.

"Ngunit babala, binibini. Hinding-hindi mo dapat hahawakan ang tubig na umaagos sa fountain na ito."

"Bakit?" I asked, confused.

"Kasi baka makulong ka nito habang buhay." So basically it's a prison. I wonder kung may nakulong na ba dito noon.

"Ako ba ang pipili kung saan ako mapapabilang na branch?" Iniba ko nalang ang usapan dahil parang naiilang na ako sa misteryo ng mahiwagang fountain na ito. Nakita kong napatingin siya sa daan at diretso ang tingin niya.

"No Ms. Aeresthelle, you cannot choose on your own because your enchantment will choose which branch you will be on."

"And this is the library, where everything is quiet and there's always a boring librarian."

Kanina pa kaming naglalakad sa buong Odyssey High at kasalukuyan akong itinu-tour ni Professor Liam para daw hindi na ako maligaw kapag nag-umpisa na ang klase.

"The last one will be our last stop."

"Okay."

Pumunta kami sa isang hallway na walang katao-tao at bigla na lamang lumakad papunta sa dulo nito at bigla na lamang pumasok sa wall. Siya lang pala ang pumasok dahil nabigla ako nang tumagos siya sa pader. Maya-maya ay bumalik rin siya, "What are you waiting for?"

Na-gets ko naman yung sinabi niya kaya sumunod nalang ako. It felt weird to pass through a thick wall.

"No one could pass that wall Miss. Aeresthelle-"

"Aeresthelle, just Aeresthelle." Mukhang natigilan siya sa sinabi ko at maya-maya ay ngumiti rin naman.

"So as I was saying Aeresthelle. Hindi ka na muling makakadaan sa wall of brillux na dinaanan natin kanina kapag nalaman natin kung saang branch ka napapabilang."

"Why?"

"Dahil mayroong hiwaga na mahihirapan kang buksan sa mga sulok ng wall of brillux. Only high enchanters like me knows how to open its mysteries."

Napatango nalang ako at hindi na sumagot pa. Marami pa siyang sinasabi na kung ano-ano bago kami makarating sa punto ng mahabang hallway. Mostly ay tungkol sa limang kaharian na nandito sa enchant world.

"Hanggang dito na lamang ako, binibini. Sa loob ng silid na iyan ay malalaman mo kung saan ka dapat nabibilang. Ilagay mo lamang ang iyong puso't isipan at malaya mong ilahad sa mahiwagang nilalang ng kahariang Mauritius." Hindi ko naintindihan ang kanyang mga sinasabi ngunit pinihit ko na lamang ang pintuan at tuluyan ng pumasok.

Madilim. Napakadilim.

I looked around once my eyesight adjusted to the darkness. Mayroong mga cobwebs na nakakalat sa paligid. Mga librong naka stock sa isang sulok at mayroong isang klase ng bulaklak sa sentro ng silid na ito. Nakataob sa bulaklak ang isang glass case na parang sa disney movie na beauty and the beast. Ang kaibahan lamang ay hindi ito nalalagas o nababawasan ang mga petals at nahuhulog. Nakalutang ito at kulay asul na may halong pink na parang nagliliwanag sa iyong mga mata.

Tumingin ako sa paligid ngunit wala naman akong nakikitang kakaiba sa lugar na ito o kung nasaan man ang sinasabi ni Professor na mahiwagang nilalang ng kahariang Mauritius.

Maliban na lamang sa bulaklak  na nasa sentro ng madilim na silid na kinaroroonan ko ngayon.

Maya-maya ay napag-desisyonan kong lumapit dito at unti-unting binuksan ang glass case. Tumambad saakin ang kakaibang bulaklak. Unang tingin mo rito ay mararamdaman mo talaga na hindi ito pangkaraniwang bulaklak at isa na ring dahilan ko ay hindi ko talaga alam ang pangalan nito. Ngayon lamang ako nakakita ng klase ng bulaklak na ito.

Ano kaya ang ibig sabihin ni Sir Liam?

As if on act, I was mesmerized by its beauty and I touched it. Nariyan na sa mga kamay ko ang bulaklak ng bigla itong umitim at parang nawalan ng buhay. Nabigla ako at ibabalik ko na sana ang bulaklak ng bigla itong mabuhay muli sa mga kamay ko. Nagtaka ako at parang natakot kaya ibinalik ko na ito sa pwesto at unti-unti ng humakbang papalapit sa pintuang pinagmulan ko.

Kumakabog ng malakas ang aking puso sa aking dibdib at napahawak ako dito.

Bubuksan ko na sana ang pinto ng makarinig ako ng parang spark ng kuryente. Lumingon ako sa bulaklak at nagulat ako ng nasa ere na ito at nakalutang. Nawala na lamang bigla ang glass na takip dito at napapalibutan ito ng kulay puti na liwanag na nakakasilaw sa mata.

Tinakpan ko ng bahagya ang aking mata sa nakakasilaw na liwanag pero nakikita ko pa rin ang bulaklak na nagliliwanag sa ere.

What's the meaning of this?

---

BlackenedLight

Odyssey High: School For EnchantersWhere stories live. Discover now