ii. the school for enchanters

Start from the beginning
                                    

That's the first and the last time na nakahawak ako ng isang living thing. Simula noon, ay nakaugalian ko nang mag gloves kapag lumalabas ako para hindi na ako makasakit ng iba. I bought these gloves in a quiet store sa isang makitid na eskinita kung saan hindi ko alam ay napadpad ako roon.

Kaya wala akong naging kaibigan dahil sa ayos ko noon. Balot na balot ang katawan ko ng damit at napakahaba ng bangs ko sa itsura na natatakpan ang mga mata ko. I prefer it that way, para hindi sila magtaka na kulay berde ang mga mata ko. Lately kasi ay hindi na gumagana ang mga contact lenses na nilalagay ko.

I don't like people. They're noisy and karamihan sa kanila ay selfish at mga chismosa na walang magawa sa mga buhay nila. Mabuti na lamang at hindi ako pinapakealaman ng mga estudyante sa school at parang natatakot sila saakin. I heard rumors about me being a 'aswang' or a 'witch' but I just shrugged it off.

If I have known earlier that people like me were called enchanters, I would have told them that.

One way to avoid stress is don't mind it at all. Just ignore it and you'll feel at ease. Dahil kapag nagpakain ka dito ay mas lalo mo lamang pinapalala ang lahat.

Ano kaya ang pakiramdam na makakilala ako ng mga taong parehos sa akin? Na may mga kakayahan?

Ano kaya ang pakiramdam na tanggap ka?

Ano kaya ang pakiramdam ng may mga kaibigang nagmamahal sayo?

Siguro, napakaganda iyon na pakiramdam. Maybe, I'll feel that I belong in there.

Napatingin muli ako sa orasan ng mag ring iyon. Hinawakan ko iyon at parang natusta ang itsura nito maya-maya at tumigil rin. Nakakaawa ang itsura dahil punong-puno ito ng mga cracks. I didn't mind it at all dahil ito na rin naman ang last na makakasira ako ng bagay dahil I'm dead serious to learn how to control my enchantment.

Sa totoo lang, hindi ko talaga alam at pati mga non-living things ay napapatay ko o nasisira ko. Mabuti nalang at medyo nakokontrol ko na ngayon ang enchantment ko kaya yung gusto ko nalang masira yun lang ang masisira.

Bigla na lamang lumiwanag ang paligid at tumingin ako sa labas ng bintana. May nakaparadang sasakyan doon na hindi mo makikita sa mortal world.

Kakaiba kasi ang disenyo ng sasakyan at parang kumikinang ito kahit kulay itim pa ito at gabi pa.

I breathed hard. It's confirmed. The letter is legit. Totoo nga ang sinasabi ng Professor Liam na iyon at mukhang aalis na talaga ako.

Tumingin ako sa kwarto ko na naging kwarto ko simula noong sampung gulang palang ako. Nasa gitna ito ng forest at napadpad lang ako dito. Mukhang wala namang may-ari kaya dito nalang ako tumira.

Actually, para itong tree house kasi sa itaas ito ng puno na napakalaki namamalagi. Hindi ko nga alam at parang matagal na akong nakapunta rito noong una ko itong nakita.

Walang nakakaalam na dito ako tumitira, kahit ang mga guro sa paaralan ko noon ay hindi alam kung ano at kung saan ang address ko. Wala rin naman akong kaibigan, kaya walang magdadalamhati sa pag-alis ko. Besides, I already filed my official leave or transfer sa paaralang iyon.

Kinuha ko na ang back pack ko at binuksan na ang pintuan. Bumaba na ako sa puno gamit ang ladder at dahan-dahang pumunta sa kinaroroonan nito. Nang nasa tapat na ako noon, ay unti-unti namang bumukas ang pintuan ng sasakyan kaya pumasok na lamang ako. Pagkaupo ko ay bigla na lamang ito umandar at nagsimula ng umalis.

I kept my face emotionless kahit sa loob ko ay sumasakit na ang dibdib ko sa pagkasabik na makita ang paaralan kung saan ako nabibilang.

Wala naman akon planong makihalubilo doon sa mga tao dahil gusto ko lamang makaramdam na parang nabibilang ako at hindi ako parang weirdo.

Wala rin akong balak makipag-kaibigan dahil baka masaktan lang sila kapag napalapit sila saakin.

Odyssey High

Ano kaya ang itsura ng paaralang iyon? Enchanting rin ba?

Napagdesisyonan ko ring ayusin na ang bangs ko na napakahaba sa itsura dahil nakakasawa na. Ngayon ay malaya mong makikita ang aking mga mata. Ginupitan ko rin ang napakahaba kong buhok kaya it's just below my shoulder at kulot pa nang kaunti. My hair's wavy and natural.

Maya-maya pa ay nakaramdam ako na parang nag iba na ang paligid at ang aura ng paligid. Yung tipong parang nasa ibang dimensiyon ka at naninindig ang balahibo mo dahil sa vibes ng lugar. Hindi naman ganito kanina ah?

Unti-unti ring tumitigil ang sasakyan na hanggang ngayon ay hindi ko alam kung sino ang nagmamaneho. Hindi kasi kita eh dahil may nakaharang na kulay itim.

Ilang minuto ang lumipas at unti-unting nagbukas ang pintuan ng sasakyan at lumabas ako. Nasa harap ako ng napakataas na gate na kulay ginto at kumikinang. Sa ibabaw ay may nakasulat na 'Odyssey High'.

"Ahem."

Tumingin ako sa tumikhim at isa itong lalaki na hindi nalalayo ang edad saakin ngunit mas matanda sa akin. Parang nasa late 20's palang ito.

Ngumiti ito at inilahad ang kamay, "I'm Liam Kennedy. Ako ang nagpadala ng liham sa iyong tahanan."

Tinitigan ko lang ang kamay niya at binalik rin ang tingin sa kanya,"Aeresthelle Zira." Pagpapakilala ko ng hindi nagbabago ang ekspresyon sa mukha ko. Call me rude or whatever pero ayaw kong hawakan pabalik ang kamay niya kahit gusto ko dahil natatakot akong may kung anong mangyayari sa kanya. It's been so many years since I touched a living human being.

Mukhang hindi siya napahiya bagkus ay tumawa pa ito at binawi ang kamay niya. Maya-maya ay tumigil na ito sa pagtawa at nginitian na lamang ako. "Not the friendly type huh? Very well, Welcome to Odyssey High, Aeresthelle Zira. Where you must Enchant the Enchanter and you will be Enchanted."

Nagtaka ako sa sinabi niya. Nginitian niya lamang ako at unti-unting humakbang sa gate. Sinundan ko lamang siya at mukhang may ibinigkas siya at unti-unti nang bumukas ang napakataas na gate.

---

BlackenedLight


Odyssey High: School For EnchantersWhere stories live. Discover now