"Yeah and lumipat na lang rin ako dahil ayokong mapag-isa sa Royal Oaks. Now that I'm here, I'll guard you everytime at hindi ko hahayaang may lumapit sa iyong lalaki" sabat naman ni Ricky

"What the hell?" binaling ko naman ang atensyo ko kay Kyle "I thought you don't like it here? And I thought that kahit anong pilit ang gawin nina Mom and Dad sa iyo hinding hindi ka na babalik dito?"

"Mind your words, Bae. I think that it's time for me to face the truth lalong lalo na at magkaklase pa kami. Great. You don't like me to be your classmate?" at ngumuso pa siya. Pinitik ko naman ang panga niya

"Aw! What was that for?" tanong niya habang hinahawakan ang panga niya

"Stupid" mahinang sabi ko at pumunta na sa upuan ko.

"Aww ang sweet naman nila"

"Yiee bagay kayo"

"Ang cute niyo tingnan hihi"

Mga tanga. Lahat nalang talaga na lalaking kasama ko sinasabihan niyo kaming bagay? Jusko.

Hindi nag tagal ay dumating na rin ang lecturer. Pero bago pa man siya magsimula ay ipinakilala niya muna ang dalawang bagong estudyante sa seksyon na ito.

"Good Morning, Class! I want you to all meet Mister—" tumingin siya kay Kyle at nagsalita naman ito "Mckyle. Mckyle Vinn de Silva" walang gana niyang sagot kay Miss Martin.

"And—" binaling naman niya ang atensyon kay Ricky na ngayon naman ay katabi ko "Jenrick Clarence Stonesmith" pagdagdag naman ni Ricky sa sinabi ni Miss.

"Mister Mckyle Vinn de Silva and Jenrick Clarence Stonesmith, they are both from Royal Oaks University. Do you want to share about yourselves?" tanong naman ni Miss sa dalawa

"It's for them to know, Miss" sagot ni Kyle.

Napatango naman ang ilang kaklase namin pati na rin si Miss "How about you, Mister Stonesmith?"

"Well, I'm handsome and friendly. That's all" pinagmamalaking sagot naman ni Ricky. Napakaconceited talaga ng isang 'to.

Pagkatapos nang pagpapakilala ng dalawa ay nagsimula na siyang magturo.  Kung gaano kadaldal ang katabi ko sa kanan, tahimik naman masyado ang katabi ko sa kaliwa. Habang nagdadaldal sa akin si Ricky ay hindi ko lang iyon pinapansin o kayay tinatanguan ko lang minsan. Si Tyler naman ay seryosong nakikinig sa lecturer.




Tyler's Point of View

Habang nakikinig ako sa lecturer ay hindi ko maiwasang tumingin sa kaklase naming babae na panay ang titig sa akin. Hindi ko alam kung bakit ang sama ng tingin niya sa akin. Siya yung babaeng parating kasama ni Duke, nakalimutan ko ang pangalan niya.

Elena ata yun? Ay basta! Ewan!

Naririnig ko naman ang pagsasalita ng bagong kaklase namin na si Jenrick kay Kayla na wala namang pake sa mga sinasabi niya. Nagtataka ako kung bakit ngayon lang nila napag-isipang lumipat dito sa Briston Laye. Si Kyle naman ang nakaupo sa likuran ni Kayla na seryoso ring nakikinig sa lecturer. Since bago sila ay kailangan talaga nilang maka catch up sa mga lessons.

Lumipas ang ilang oras at lunch break na rin namin. Lumapit si Kayla sa akin na siyang ikinagulat ko dahil ngayon lang niya ginawa ito "Here" abot niya sa akin ng kaniyang laptop

"Ano to?" tanong ko

"Cellphone yan, cellphone" sarkastiko niyang sagot at napakamot nalang ako sa batok ko

The Unexpected Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon