BURN!

3.7K 246 77
                                    

An hour later...

"Beta Ridge? Ow come on Luna! 'Wag mo nga kaming linlangin," wika ni Neil habang nakatuon ang may pagdududang mga mata sa mahimbing na natutulog na bisita sa couch ng sala ng Main Packhouse.

It was River Summer who passed out in shock after Raffa shifted into his wolf earlier. Dahil sa hindi inaasahang paglalantad ng Alpha ng BlueMoon sa katauhan nito ay napagpasyahan muna silang dalhin ang CEO sa kanilang teritoryo.

Napailing si Gabs sabay bulong kay Lexar. "Itong si Luna Shin, dapat na talagang ipatokhang bro," palatak nito. "Beta Ridge? Eh 'di ba matagal ng patay ang dati nating Beta?"

"Nag-hahallucinate na s'ya dude. Tsk, kawawang Alpha Raffa. Mukhang nabaliw na nang tuluyan ang mate n'ya," tugon naman ng kausap nito.

"Mga ungas!" agad na sikmat ng Inang Lobo ng BlueMoon sa dalawa. "Sigurado bang nagbubulungan lang kayo ha? Hellor, I can hear the two of you duh! Sinong nababaliw ang tinutukoy n'yo? At anong ipato-tokhang! Mukha ba akong adik!"

Tumayo si Shin mula sa kinauupuang single sofa at binigyan ng tig-iisang sapak ang dalawang packwarriors na ikinangiwi ng mga ito.

"Geez, Luna. Totoo naman kasi na imposible ang sinasabi n'yo. Tatlong taon lang nang masawi sa aksidente si Beta Ridge at hindi sampu o dalawampung taon kaya natatandaan pa namin ang hitsura n'ya. Obvious naman na hindi s'ya 'yan!" paliwanag ni Lexar sabay himas sa nasaktang bumbunan.

"That's right!" Sabay na tumango sina Neil at Gabs bilang pagsegunda sa pinahayag nito.

Ella who's calmly seating beside the unconscious River Summer on the couch sighed. "Believe it or not, totoo ang sinasabi ni Ate Shin, mga kuya. Can't you feel the bond? His scent, isn't it very familiar?"

"Use your senses, dumb mutts," biglang pumasok sa sala si Harvey na hawak ang kamay ng mate nitong Callia. "Luna Shin and Ella are right. Nasa nilalang na iyan ang scent ng dati nating Beta."

The three warriors growled and gave their current second in command hard glares.

"Who are you referring into dumb mutts, you ass!" angil dito ni Gabs.

Harvey smirked. "Obviously kayo iyon. Biruin n'yong bumalik na ang isa sa mga kapatid nating asong lobo, hindi n'yo pa naramdaman."

Neil shook his head. "Hindi ka pa sure d'yan, Harvey dude. We need more proofs to believe that nonsense. Pero hanggat hindi pa napatutunayan na ang mortal na iyan si Beta Ridge, magiging isang malaking banta s'ya sa kaligtasan natin."

Ella shook his head. "Sinisigurado ko sa inyo na hindi magiging banta sa lahi natin si Mr.Summer. Ang totoo ay mas mabuti na rin ang nangyari. Na dinala namin s'ya rito dahil ang totoo, nag-aalala ako sa kaligtasan s'ya dahil mukhang balak s'yang tangayin ng mga rouges."

Napabaling ang Luna sa dalaga. "Rouges? Teka nga iha. Mukhang wala ka yatang nabanggit sa amin ng tinamaan ng magaling mong kapatid tungkol sa mga rebeldeng asong lobo."

Ella winced and gave her an apologetic look. "Sorry ate Shin. Ayoko lang na mag-alala kayo sa akin. But yes, I think a group of rouges is after Mr.Summer at ang ilan sa mga myembro nito ay naka-engkuwentro ko kagabi lang."

"WHAT!!!!" Shin growled loudly that almost shook the whole house. "Oh my God! Oh my... my poor rabbit girl! Sino ang mga anak ng kamoteng nakalaban mo kagabi ha? Sabihin mo at tutustahin ko nang buhay!"

Neil, Gabs and Lexar even Harvey and Callia turned serious and waited for Ella's response.

The so-called rabbit girl took another deep breath and replied.
"Actually, they just look an ordinary rebel wolves. I even managed to beat them. But their identity still remained mysterious, maging ang dahilan ng muntik na nilang pagkidnap kay River." She paused for a second and brushed the CEO's black locks with her fingers before she continued. "Masama ang pakiramdam ko sa kanila, Ate Shin, mga Kuya. Kaya kung maaari, hayaan na lang muna natin na manatili dito si Mr. Summer."

Shin huffed. "Look baby girl. Hindi naman sa nagiging insensitive ako ano. Pero neng, hindi ko pa nalilimutan na pinaiyak ka ng lalakeng 'yan! Hayaan mo na lang s'yang tangayin ng mga rebelde. Tiyak naman na ransom lang ang habol ng mga iyon. Mayaman naman ang mga Summers hindi ba? Eh 'di tubusin na lang nila ang kumag na 'yan."

"Ate Shin, please." Ella gave her a pleading look that no one can ever resist. "KuyaNeil, Kuya Gabs and Kuya Lexar? Beta Harvey, please?"

"And what about me? Hindi mo ba hihingin ang permiso ko?" untag ni Raffa sa hamba ng pinto.

Shin automatically frowned and barked at his husband. "Raffaelo Greyson, you're not allowed to go in! Out, you uncontrollable chinky wolf!"

The Alpha whined and barked back. "But babe, I didn't mean it! Sorry na!"

"Aba't sinisigawan mo ba ako, singkit ka?" namewang na sita ng Luna dito.

"Hindi ah. Bakit ko naman sisigawan ang maganda at ubod sexy kong babe?" tugon ni Raffa na agad pinababa ang boses sabay kindat sa asawa.

Neil snickered. "Liar goes to hell, Alpha. 'Wag kang magsinungaling, masama 'yun!"

"Maganda at ubod sexy? Naks! Baka naman nagbibiro lang si Alpha Raf," wika naman ni Lexar at sabay na humagalpak ng tawa ito at si Gabs.

Shin's whole face turned red. Unti-unti ring umusok ang kanyang katawan sa pagka-imbyerna sa harapang pagtirada sa kan'ya ng tatlong unggoy na wala nang ginawa sa araw araw kundi ang paakyatin sa kan'yang ulo ang lahat ng dugong dumadaloy sa kan'yang ugat.

Ella winced as she knew what's going to happen next. Samantala, pasimpleng umeskapo na ang magjowa na sin Harvey at Callia sa takot na madamay sa susunod na eksena.

"YOU FOUR STUPID WOLVES! OUT!!!" Shin finally exploded. Balls of fires appeared in her hands.

Napaungol si Raffa. "Fuck! It's all your faults stupid mutts!" ngunit hindi na nag-aksaya pa ng panahon at mabilis pa sa kidlat na tumakbo palabas ng packhouse.

Naiwan naman ang tatlong packwarriors na sabay-sabay napalunok nang iangat ni Shin ang kamay na may bolang apoy.

"Mimi, minie, mini moe. Sino ang gustong mauna sa inyo, mga gunggong!"

"Oh-oh!" Neil, Gabs and Lexar groaned.

Ilang sandali pa ay napuno na nang makapal na usok at sigawan ang buong packhouse.

"Luna Shin, maghunos dili k- OUCH!!!"

MEMORIES OF THE BETATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon