SHE SAID 'YES'

4K 209 100
                                    


"I remembered that I drove you home last night. Now care to explain how in hell did you end up in that fucking bar, Ella Greyson?" sa malamig na tinig ay bungad na tanong agad ni River Summer pagpasok ko sa malawak na silid nito.

Saglit akong huminto at hinanap ng aking paningin ang kinaroroonan ng binata.

Nakita ko itong naka-upo sa isa sa mga single sofas na nasa isang sulok.

Wearing only his white tee and moss green sweatpants. His nose and his face were still bruised from the fight last night but he still looked gorgeous as ever that made my wolf purr.

But why was he glaring at me?

Ke-aga aga, nasa beast mode na ba agad ito?

I mentally sighed and decided to walk towards him holding a tray with a hot cup of coffee on it.

Umupo ako sa tapat nito at ipinatong ang aking dala sa munting center table.

Blangko ang mukha na sinalubong ko ang nag-aakusang tingin ng CEO bago tumugon. "Uhm, ang totoo kasi n'yan ay sumakay ako ng kotse papunta sa bar. Hindi pa ako sanay dito sa s'yudad kaya naman---"

The man infront of me growled and then suddenly cut my words. "Hindi ko tinatanong kung sa anong paraan ka nakarating doon, Ms.Greyson. Ang itinatanong ko ay kung anong ginagawa mo sa ganoong klaseng lugar sa dis oras ng gabi? Sinundan mo ba ako?"

I immediately shook my head.
"Nope, hindi kita sinundan kasi magkasabay tayong pumunta roon," I answered him in a matter-of-factly voice.

He frowned and gave me a confused look. "Magkasabay? Paano mangyayari na magkasabay tayong pumunta sa---" bigla itong natigilan sabay titig sa akin ng matiim. "You-- you've got to be kidding me. Don't tell me, you're in the car all along?"

Unaware, a small smile appeared on my lips and I nodded. "Yes. Paano mo nalaman?"

River Summer groaned. Napahilamos ito sa mukha at muli akong tiningnan ng may pagka-di paniwala. "Are you fucking real!" bulalas nito. "Why? Why in hell did you--- Why are you stalking me, huh? Ano ba talaga ang kailangan mo sa akin, you creepy woman!" bulyaw sa akin ng aking kaharap.

I blinked.

Creepy woman?

Ako ba ang tinutukoy nitong creepy woman?

And seriously, is he snapping at me!

I mentally pouted then replied. "Kung hindi kita sinundan, baka tinangay ka na nang mga lalakeng iyon. You should thank me instead, right?"

Bakit ba nagagalit ito sa akin ganoong iniligtas ko ito sa kapahamakan kagabi?

Ang labo naman.

Should I just let those rouges take him?

Or should I just let those mutts beat the crap out off him?

Agad akong sinaway ni Bugs dahil sa isiping iyon.

Sabagay.

Paano kung ito nga ang aking mate na si Ridge Roberts?

I promised Rasha and Racus that I will bring him back when I returned to BlueMoon pack. Kaya hindi hindi ko hahayaan na basta na lang tangayin ng mababahong nilalang na iyon ang CEO.

Over my dead hollow body!

I maybe petite but I am an Alpha blood. I won't let those fools harm River Summer.

MEMORIES OF THE BETATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon