I'm Going To Be Very Selfish This Time

8.3K 343 60
                                    

Pyre XIII
I'm Going to be Very Selfish This Time
-----------------------------------------------------------

Margaery
I found myself denying the situation.

Katulad nang hindi paggalaw ni Barbie mula sa pagkakaupo niya sa sahig ng kwarto ko, ayaw ring umusad ang isipan ko. I found myself unable to believe. I found myself unable to choose what to believe. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko o kung ano ang iisipin ko. Nagkajumble jumble lahat ang mga ideas sa utak ko and they're starting to conflict with each other.

Simula nang pumasok siya sa kwarto ko, hindi ko na inalis yung mga mata ko sa kanya pero hanggang ngayon wala pa rin siyang ibang ginagawa kundi umupo sa sahig. She looks so calm. Almost nonchalant. Ano ba ang gusto niyang palabasin sa pagpunta niya sa kwarto ko ng ganitong oras?

At bakit ba parang ang kalmado talaga niya? Bakit parang normal lang sa kanya yung ginagawa niya ngayon? Parang normal lang sa kanya yung sitwasyon namin ngayon? Ni tensiyon wala akong makita sa mukha niya. I can't even sense any malice from her.

Kung siya nga talaga ang killer, kung talaga ngang may balak siya sa aking masama, bakit hindi pa siya gumagawa ng aksiyon? Bakit hindi niya pa ako inaatake? Ano ang gusto niyang mangyari? Ano ang gusto niyang palabasin?

Tinitigan ko siya ng mata sa mata pero wala akong nakitang kahit isang dapat ikabahala o ikapangamba. They say that the eyes are the windows to the soul. Kung umaakting man siya ngayon, she's doing one hell of a job dahil wala akong makitang kahit na anong malisya sa mga mata niya. No. Instead of malice, there's a slight sparkle of amusement in her eyes. Naaamuse ba siya sa akin?

"Marge, don't just stand there. Sit in front of me," sabi niya habang tinatapik yung spot sa harapan niya. Her voice didn't sound strained. Instead, it sounded normal. Almost peaceful. "We need to talk."

Even though I tried so hard to hide it, I'm sure she noticed my uncertainty. Napapabuntunghininga na lang siyang nahiga sa sahig bago tumawa ng mahina. "Wala akong gagawin sayo baliw. I didn't come here to harm you. Kung natakot ka nung nakita mo ako sa bintana, sorry. I honestly thought you knew that I'm coming."

"I knew that you're coming?", paguulit ko sa sinabi niya. How? How could I possible know that she's coming?

Nagpakawala uli siya ng isang maiksing tawa bago niya sinagot yung unvoiced question ko. "Check your phone dummy." Nung tinignan ko yung cellphone ko, nakita ko na nagtext pala siya na pupunta raw siya dito. She even told me na buksan ko na lang daw ang bintana ko at dun nalang siya papasok. If she really wanted to attack me, why inform me?

As I switched my phone off, narinig kong tumawa uli siya. "See? I didn't come here to attack you. I would never hurt you Marge, magkaibigan tayo diba? Ang paranoid mo masyado." Nang nakita niyang wala parin akong ginagawa, napatitig na siya sa kisame. "Ano ba Marge, uupo ka ba dito at makikipagusap sakin o tatayo ka lang diyan? Nangangawit na ang leeg ko sa katitingala sayo."

Napailing na lang ako nang naisip ko yung reaksiyon ko kaninang nakita ko siya. Tama si Barbie, ang paranoid ko nga. Kung ano ano agad yung pumasok sa isipan ko. I started doubting her as soon as she walked, or climbed, into my room. Siguro ito yung stress at strain na dulot nang pagkamatay ni Ashura. Pati narin yung desisyon namin na itago lahat. Na sarilinin namin yung mga pangyayari.

Ewan ko kung narealize na nila ito pero simula nang ginawa namin yung desisyon na ilibing ang bangkay ni Ash, simula nung nareceive namin yung letter, nagumpisa na rin naming pagdududahan ang mga kaibigan namin. Unti unti nang nabubura ang tiwala namin sa isa't isa. It's like there's an acid that is slowly dissolving our friendship.

#PyreSB : Why Sleeping Beauty Decided To Burn The WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon