Mga bagong release na sasakyan.... o babae.

"Iniiwasan niya ako." mahina niyang sabi.

"Napansin ko nga 'tol." napailing ako. Itong mga babae talaga. Ang hirap intindihin.

"I'm confused bro... kung may nagawa ba ako na ikinasama ng loob niya o-"

"Bro." pinigilan ko siya. "Babae 'yan. Idagdag mo pa, anak ni Athena. Alam niya ang ginagawa niya. Baka pareho kayo ng sitwasyon ngayon..."

Ang galing kong mag advice putcha pero wala nga akong alam kung anong sitwasyon ang pinagdadaanan nila.

Kung anu-ano lang lumalabas sa bibig ko. Heh. Ang importante eh may masabi ako. Di naman ako gago para di maawa sa bro ko.

"Maybe... maybe she's also.. confused. Tshh." ginulo niya ang buhok niya.

Parang sinasapian 'to ah. Ganito ba ang ginagawa ni Kara sa kanya? Kung sabihin ko kaya kay Kara para naman di na tuluyang mabaliw 'to.

Tinapik ko ang balikat niya. "Bro..."

Ano nga bang sasabihin ko.

"Bro..." nagiisip pa rin ako ng pwedeng masabi sa kanya. Letsugas naman oh! Di ako mahilig sa mga advice-advice na yan. Nakakabakla yan.

Mayamaya, "Panahon lang ang nakakaalam sa mangyayari sa inyong dalawa. Kahit... kahit literal na tumigil yung oras ilang buwan na ang nakalipas dahil kay Cronus. Pero lahat ng bagay lumilipas parin... pati yang nararamdaman mo. Nasa'yo na yan kung-"

"If I'll embrace it or let it pass." siya na mismo ang dumugtong sa sinabi ko.

Buti nalang at hindi niya pinahaba yung advice ko. Baka matawa lang ako o di kaya mabulol.

"Yun nga yung punto ko..." tumango ako.

Umayos siya ng tindig at huminga ng malalim. "Pwede bang humingi ng pabor?"

"Sure."

"Pakisabi sa kanya na gusto ko siyang makausap bukas."

Napangiti ako. "Walang problema 'yan bro."

•••

Nakayuko lahat ng Beta habang nakikinig kay Principal. Isang oras na ang dumaan at hindi pa siya tapos.

Napalunok ako nang kusang tumigil ang mga mata ko sa mga tombstones na nasa lupa. Nagsimulang bumilis ang tibok ng puso ko.

'Grace... w-who did this to you?!'

Pinikit ko ang mga mata ko habang naaalala ang mga puting bulaklak na nakapaligid sa burol niya.

'Grace Irene Prince have died peacefully and may her soul rest in peace...'

'From your beloved husband, Herme Prince'

Huminga ako ng malalim.

'and your son, Chastille...'

Binuksan ko ang mga mata ko at pinigilan ang sarili ko na magpadala sa nakaraan.

'Anak... tulungan mo si daddy sa malaking business niya okay?'

'Chastille! Alam mo namang hindi ako makakahabol sa'yo..'

'Chastille... alagaan mo yung sarili mo ah? Babalik naman ako. Makakauwi rin ako.'

"pero hindi ka bumalik."

"Chase?"

"O-oh?" nagulat ako kay Ria na nakataas ang isang kilay. Ewan pero nakita ko kung paano naging maamo yung ekspresyon niya saglit na tila ba nag-aalala para sa'kin.

Kumunot ang noo niya. "may sinabi ka ba?"

Nginitian ko siya. "Oh. Sabi ko di ako makakaconcentrate dito dahil sa katabi ko. Tsk." pang-iinis ko.

Nakatanggap ako ng mahinang sapak sa balikat kaya mas lumapad ang ngisi ko.

Napatingin ako sa kanya.

Akala niya siguro hindi ko narinig ang sinabi ni Hermes sa kanya. Noon pa talaga ako interesado sa maaaring sagot niya.

Pero sino nga bang gustong pakasalan ako?

Halos lahat ata kinaiinisan ako. Lalong-lalo na ang babaeng 'to. Ang layo naman siguro ng pagkakataon na magugustuhan niya ako.

Hindi ko alam kung bakit pero gusto ko siyang protektahan. Gusto kong masaktan para sa kanya.

Dahil ba hindi ko nagawang protektahan ang sarili kong ina...

o iba na'tong nararamdaman ko.

Alpha OmegaDove le storie prendono vita. Scoprilo ora