XVII

3.7K 190 5
                                    

CHAPTER SEVENTEEN:

HOSPITAL DRAMA

***

YO'S
POINT OF VIEW

NAKITA ko kung gaano kadesperado si Pha nang makiusap siya sa mga teachers na umalis. He literally begged them to allow him na pumunta sa ospital dahil hindi siya mapapakali hangga't hindi niya nakikita ang kalagayan ng girlfriend niya. He was crying and shaking. He looked so devastated.

   That was when it hit me. He was so in love with my best friend no matter how much she hurt him. Kahit ilang beses pa siyang lokohin at pagmukhaing tanga ni Pring, hindi pa rin magbabago ang nararamdaman niya. Kahit ilang beses ko siyang damayan at i-comfort, he would never love me back... or even like me in a romantic way. Wala talaga akong kapag-a-pag-asa. Alam ko naman, matagal na. Pero this time, reality slapped me harder.

   "Makakaligtas si Pring," marahang sabi ko sa kanya habang nasa loob kami ng van na provided ng resort. Pinayagan si Pha ng mga teachers na pumunta sa ospital. They also allowed me to come with him when I told them na bestfriend ko si Pring. Mas mabuti na rin daw na may kasama si Pha sa pag-alis niya.

   I tried to comfort him pero hindi siya sumasagot. Hindi na siya umiiyak pero balisa pa rin at hindi mapakali. Patingin-tingin siya sa bintana pagkatapos ay sa wristwatch naman niya. I saw how worried he was. Gusto kong magselos pero pinigilan ko ang sarili ko. My bestfriend was in a critical condition. Ang selfish ko naman kung pagseselosan ko pa siya.

   Dahil gabi at walang traffic, nakarating kami sa hospital sa loob lang ng tatlong oras. Hindi pa nga nai-park ng maayos ang kotse ay mabilis ng bumaba si Pha at tumakbo.

   "Kuya, maraming salamat po," mabilis na sabi ko sa driver at tumakbo rin para sundan si Pha. Naabutan ko siya sa information desk. Pero saglit lang ang lumipas ay tumakbo na naman ulit siya. I followed him kahit hinihingal na ako.

   Huminto siya sa emergency room kung saan naabutan namin ang parents ni Pring at ilan sa mga relatives niya. Kaagad akong nakita ng mommy niya and she immediately hugged me.

   "Yo..."

   "Tita." Hindi niya alam na may hindi kami pagkakaunawaan ng anak niya. Ang alam niya, maayos ang lahat sa amin ni Pring kaya heto siya't yumayakap sa'kin.

   "Ang bestfriend mo... si Pring..."

   "Tita, please calm down." Pinaupo ko siya at tinabihan.

   "Hindi ko alam kung ano'ng gagawin ko 'pag nawala siya sa'min. Hindi ko kaya, Yo. Hindi ko kaya."

   Ngayon ko lang nakita ang mommy niya na emotional. She has always been composed and elegant. She was the type of woman who was so obsessed about looking powerful to the point of concealing her weaknesses by acting tough. Pero sa pagkakataong iyon, ibang-iba siya sa nakilala ko. Walang trace ng isang powerful and strict businesswoman sa mukha niya. That night, she was just an ordinary mother who was very worried of her daughter's life. She was so vulnerable and I could feel her pain.

   "Please don't worry too much po, tita. Makaka-survive si Pring. She's a very strong person. Lalaban po ang anak ninyo. Hindi siya mawawala. Hindi niya kayo iiwan."

Maybe LoveWhere stories live. Discover now