III

4.8K 233 35
                                    


CHAPTER THREE:

THE SONG

***

YO'S
POINT OF VIEW

KUNG sana kaya kong tumitig kay Pha ng matagal, mas okay sana. Magkaharap kaming kumakain sa loob ng isang fine-dining restaurant. Alam mo 'yong feeling na solong-solo mo ang crush mo pero hindi mo ma-enjoy ang moment kasi naku-conscious ka?

   "So, here's my plan," he started while we were eating dinner. Pinunasan niya ng table napkin ang dumi sa bibig niya. I bit my lip unconsciously because I found it sexy. "After her birthday party, dadalhin ko si Pring sa isang special place para doon ako mag-propose sa kanya. I talked to her parents already and they agreed to my plan. I rented a yacht, may live band tsaka fireworks display the moment na mag-yes siya sa'kin."

   I nodded and pretended that I'm interested kahit sa totoo lang, ang sakit-sakit na. Bakit ba kasi sa dami ng hihingan niya ng tulong, ako pa? Kung alam n'ya lang!

   "That's a nice idea, Pha. Forsure magugustuhan ni Pring 'yan."

   "I hope so." He continued eating.

   "It seems like everything's planned out already. So, ano'ng maitutulong ko?"

   "Well, wala pa akong nahahanap na banda na kukunin ko. Baka may pwede kang i-suggest."

   "Yeah. Parang may alam ako."

   "Talaga? Great!"

   "Actually, within the area lang ang bar kung s'n sila tumutugtog."

   "Really? Can we check them out later after nating mag-dinner?"

   "Yeah, I guess okay lang."

   He looked so happy. Ang laki ng ngiti ni Pha. Obvious na obvious kung gaano siya ka-excited na mag-propose kay Pring. Talagang pinaghahandaan niya ang bawat detalye ng marriage proposal niya. At  ayu'n na naman ang parang higanteng kamay na kumukurot sa puso ko. Umaatake na naman ang evil green monster called jealousy. Hindi ko na lang in-entertain 'yon.

   Tahimik lang ako habang kumakain. Masyado akong naging busy makipag-away sa green monster. Aya'n na naman tayo sa selos-selos na 'yan kahit wala naman tayong karapatan. Sabi nila, 'pag hidi naman daw kayo, wala kang karapatang magselos. That's bullshit. The moment na nagkagusto ka sa isang tao, entitled kang makaramdam ng kilig, sakit at selos dahil na rin sa mismong tao na gusto mo. You don't have to stop yourself from feeling those kinds of emotions. Nagmamahal ka, eh. Libreng magmahal, libreng kiligin at libreng masaktan. Higit sa lahat, libreng magselos. No one can stop you from being jealous. You just have to know your limitations and never allow that putanginang jealousy to eat you up. Ikaw rin ang madedehado sa huli.

   "Pha, CR lang ako sandali, ha."

   "Sure, go ahead."

   Tumayo ako at pumunta sa banyo nila. Ako lang mag-isa sa loob. Hindi naman talaga ako naiihi or something. Gusto ko lang mag-break sandali sa sakit. Ang sakit kayang makinig sa mga plano nya. Humarap ako sa salamin at huminga ng malalim. Inaayos ko ang buhok ko nang biglang may lumabas na lalaki mula sa isang cubicle. Okay, hindi pala ako mag-isa dito sa loob. Nag-assume lang pala ako. D'yan naman tayo magaling, eh, sa pag-a-assume. Oops, napahugot ako. Sorry.

Maybe LoveWhere stories live. Discover now