Said I Love You, But I Lied - Chapter 32

169 4 0
                                    

CHAPTER 32

“Ate Toni sali ka samen. Dalii na!” Pangungulit ni Angie. Halos masira na rin ang damit ko sa kakahila nya.

“Angie busy ako.”

“Eee! Dali na Ate. Wala ka naman ginagawa eh.”

“May ginagawa ako. Hindi mo ba nakikita?” Pinakita ko sa kanya ang hawak kong walis tingting pero tinaasan nya lang ako ng kilay. Aba! Aba! “Nagwawalis ako. Hindi mo ba nakikita?” Lalo lang nagtaasan ang mga kilay ni Angie dahil sa sinabi ko.

“Wala namang dumi eh. Saka kanina ka pa dyan. Dali na Ate sumali ka na. Kanina pa kami natatalo ni Donald eh. Ang galing-galing ni Kuya Dennis magsoccer.”

Palihim akong sumulyap sa may bukid kung saan sila naglalaro ng soccer. Kasalukuyan silang nagpapahinga sa lilim ng punong mangga. Nakatalikod ang pwesto nila. Halos mahulog ang puso ko nang bigla na lang humarap si Dennis at kumaway habang todo ngiti.

Kahit sinapak ko na sya sa mukha hindi pa rin sya umaalis sa lugar na ito. Katunayan nga, nakikipaglapit pa sya sa mga bata. Araw-araw na syang kalaro ng mga ito. Hindi ko maintindihan sa kanya kung bakit andito pa rin sya. Parang wala syang negosyong naiwan sa Maynila.

Araw-araw nya rin akong kinukulit. Para pa nga syang nanliligaw dahil lagi syang may dalang bulaklak pero hindi ko pa rin sya kinakausap. Ayoko syang kausapin. Basta, natatakot ako. Natatakot ako para sa sarili ko.

Inaamin ko nabawasan na ang pagkainis ko sa kanya, at nasasanay na rin ang mata ko na lagi ko syang nakikita dito. Pero sa totoo lang, hindi naman talaga ako galit sa kanya, pinapakita ko lang ‘yon para umalis na sya. Pero nagkamali ata ako. Dahil sa halip na umalis na sya dito, mas lalo lang nyang pinagsisiksikan ang kanyang sarili. Na hindi ko maintindihan kung bakit nya ginagawa.

“Ate Toni galit ka ba kay Kuya Dennis?”

Bumalik ang tingin ko kay Angie, pero si Angie nakatingin naman sa pwesto nina Dennis. Kinalabit ko sya kaya nabaling saken ang pansin nya.

“Anong sabi mo?”

“Sabi ko kung galit ka ba kay Kuya Dennis.”

“Yung totoo Angie? Inutusan ka ba ng kumag na yon?”

“Sinong kumag po?”

“Ayun oh!” Nakanguso ako sa deriksyon ni Dennis.

“Ahhh! Hindi po. Tinatanong ko lang po. Kase parang galit po kayo sa kanya. Hindi nyo kase sya pinapansin. Ganon po kase si Nanay kay Tatay kapag nagagalit. Hindi nya pinapansin si Tatay.”

“Angie ilang taon ka na?” Parang naguluhan bigla si Angie sa tanong ko.

“Eleven na po bukas. Bakit po Ate?”

“Sigurado ka bang eleven ka pa lang bukas?”

“Opo.”

“Para kaseng mas matanda ka pa saken eh.”

Iniwan ko si Angie na nakatulala. Iniisip pa rin siguro nya kung ano ang ibig kong sabihin.

Nabigla ako sa tanong nya. Mukha ba akong galit kay Dennis?

Oo, tinatarayan ko sya at laging tinataboy pero hindi ako galit sa kanya.

Gustong-gusto ko ng magalit sa kanya pero ayaw ng puso ko.

Kontrabida ang puso ko eh.

***

Kanina pa ako parang tangang nagtatago sa likuran ng kurtina. Nakakahiya mang aminin pero sinisilip ko kung ano ang ginagawa ni Dennis kasama ang mga bata. Kanina lang andon sila sa tapat ng bahay nina Aling Dita at naglalaro ng tumbang preso bigla na lang silang nawala. Hindi ko na rin marinig ang mga boses nila. Saan na kaya sila nagpunta?

Parang ninja ang galaw ko sa loob ng bahay. Pinakikiramdaman ko ang buong paligid. Wala na akong marinig na ingay ng mga bata. Nasaan na kaya sila? Dahan-dahan akong naglakad hanggang sa may pinto.

Ganon na lang ang gulat ko ng biglang lumitaw si Dennis sa harapan ko na may hawak na isang bungkos ng pulang rosas. Hindi na ito tulad ng mga naunang bulaklak na binibigay nya na pinitas nya lang kung saang bakuran. Elegante ang pagkakaayos ng mga bulaklak at halatang mamahalin.

“Nanggugulat ka ba?” pagtataray ko.

“No! I just want you to have this.” Inabot nya ang mga bulaklak pero tiningnan ko lang kahit gustong-gusto ko na talagang tanggapin. “Anna baka naman pwede na tayong mag-usap.”

“Excuse me nga. Dadaan ako.”

“Saan ka pupunta?”

“Hindi ba obvious? May gagawin ako.”

“Ano?”

Ano nga bang gagawin ko? Ginala ko ang aking tingin sa buong bakuran nina Aling Dita at nakita ko ang isang tambak na kahoy na pinatutuyo ng kanyang asawa. Ginagamit nila ang mga kahoy na panggatong. Nakaisip ako ng palusot.

“Nakikita mo ba ang mga kahoy na yon?” Tinuro ko ang tambak na kahoy sa di kalayuan. Tumango sya. “Magsisibak ako. Kaya pwede ba padaanin mo ako.”

“Are you serious?”

“Hindi! Nagjojoke lang ako. Gets mo na?”

“You’re really something.” Natigilan ako ng ngumiti sya na parang naamazed sa sinabi ko. Lalo tuloy syang gumwapo. Gusto ko na syang yakapin.

Anna Maritoni mag hunos dili ka. Anong yayakapin? Iniiwasan mo nga ang lalaking yan tapos yayakapin mo pa? Okey, Toni kalma lang. Kalma.

“So ano? Pwede na ba akong dumaan?” Nakaharang kase sya sa pinto. Hindi ako makalabas.

“Ako na. But promise me, after this kakausapin mo na ako.”

“Hey! Ano ‘to? Blackmail?”

“No. I just really need to talk to you Anna. I need to tell you something. Promise me after this kakausapin mo na ako?”

Parang may malamig na kamay na humaplos sa puso ko ng makita ko ang seryosong mukha ni Dennis. Ngayon ko lang napansin na parang pagod na pagod ang kanyang hitsura. Parang gusto kong hawakan ang kanyang mukha. Bakit hindi ko napapansin na mukha na syang haggard ngayon. I mean gwapo pa rin naman sya, pero alam mo yon, mukha syang stress.

“Anna?”

“Huh?”

“For you.” Muli nyang inabot saken ang bulaklak. Walang imik ko itong tinanggap.

Talo ko pa ang naengkanto dahil sumunod ako sa kanya ng paupuin nya ako sa bangkong kahoy na nasa malapit.

Nakarinig ako ng mga nagbubulungan. Pagtingin ko sa itaas ng puno, nakita ko ang tatlong bagets sa tree house na kumakain ng ice cream. Kumaway sila sa akin. Ngumiti ako.

Muli akong tumingin kay Dennis. Nasa tapat na sya ng mga kahoy, at tila iniisip pa nya kung anu ang gagawin sa mga ‘yon.

Muntik na akong mapa-’wow’ ng bigla syang maghubad ng t-shirt. Kitang-kita ko ang abs nya. Jusko Lord! Ang macho! Pengeng kanin.

Tumingin ako sa ibang deriksyon.

Naguguluhan na ako sa sarili ko. Bakit binibigyan ko na naman ngayon ng karapatan si Dennis na saktan ako?

Sinubukan kong lumayo upang makalimot, pero nang makita ko sya ang gusto kong gawin ay ang yakapin sya.

Gusto kong malaman kung ano ang sasabihin nya.

Gusto kong malaman kung bakit andito sya sa lugar na ito ngayon.

Gusto kong malaman kung ano ang ibig sabihin ng lahat ng ito.

Gusto kung malaman kung bakit ginagawa nya ang lahat ng ito.

Parang…gusto ko na naman mag-assume.

Napakatyagang manuyo ng boypren mo.” Napatingin ako kay Aling Dita na bigla na lang sumulpot sa tabi ko. “Hanggang ngayon ba hindi pa rin kayo nagkaka-ayos? Nakikita kong mabuting tao iyang si Dennis. Kaya Iha, huwag mo na syang pakakawalan pa. Ikaw din. Baka magsisi ka.”

Dahil sa sinabi ni Aling Dita, unti-unti akong napangiti.

Said I Love You, But I LiedWhere stories live. Discover now