Said I Love You, But I Lied - Chapter 21

225 8 2
                                    

Chapter 21:

THIRD PERSON’s POV

“Boss kilala mo ba iyong lalaking ‘yon? Kanina pa kase tingin ng tingin dito.” Bulong ni Darwin sa katabing si Toni.

Pareho silang nasa bar counter at busy sa pag-estima sa mga customers ng gabing iyon.

“Anong Boss? Gusto mo pulbosin ko ang mukha mo?” Salubong ang kilay na tugon ni Toni. Saka  nya tiningnan ang tinutukoy ni Darwin.

Nakita nya si Dennis. Mataman itong nakatingin sa kanya. Dalawang mesa lamang ang kanilang pagitan. Ngumiti ito ng magtama ang kanilang paningin.

“Shit! Anong ginagawa nya dito?”

“Kilala mo Boss?”

“Tantanan mo nga ako sa kabobos mo dyan. Isa pa, tatamaan ka na sa akin.”

Napakamot na lang si Darwin sa ulo. Sanay na sya sa mood swings ng kaibigan. Minsan mabait, minsan mataray, at minsan suplada. Mas lamang nga lang ang pagiging suplada at masungit. Pero sanay na sya.

Nakita ni Toni na papalapit sa kanila si Dennis kaya bahagya syang natigilan. Inshort natulala.

“Hi!” bati nito.

“Anong ginagawa mo dito?” pabulong ngunit masungit na tanong ni Toni sa lalaki.

“Wala lang. Gusto kitang makita.” Nakangiti ito ng ubod tamis sa kanya. Lalo tuloy itong naging gwapo sa kanyang paningin. Na ikinaiinis lang nya.

Napansin ni Toni ang ibang mga customer na babae na hayagang nagpapacute sa kausap. Kaya hinila nya ito papunta sa isang sulok.

“Sinusundan mo ba ako?”

“May masama ba? Girlfriend kita di ba? Masama bang puntahan ko ang girlfriend ko sa kanyang trabaho?”

“Ako? Girlfriend mo? HAHAHAHA! Nasisiraan ka na ba? Baka nakakalimutan---” Nagulat sya ng bigla syang yakapin ni Dennis. “Te—teka! Ano ba?” Nagtangka syang kumawala sa yakap nito pero mas malakas ito sa kanya.

“Baby sorry na. Huwag ka ng magalit sa akin. Hinding hindi na mauulit. Promise!”

“Teka—Ano bang sinasabi mo?” kinakabang tanong nya. Halos malulon nya ang dariling dila sa sobrang kaba.

Hindi sya makakilos at lalong hindi sya makapag-isip ng matino habang yakap yakap sya ng lalaki. Ang alam lang nya, ang lakas lakas ng kabog ng kanyang dibdib. At sana lang hindi ito naririnig ng kaharap.

Inipon nya ang lakas saka huminga ng malalim para kalmahin ang sarili. Dahan dahan nya ring itulak ang lalaki palayo pero bigo pa rin sya.

“Im sorry Baby. Hindi ko hahayaang magalit ka sa akin ng matagal. Im so sorry. Please forgive me.”

Naiinis na si Toni sa nangyayari. At mas lalo syang naiinis sa kanyang sarili, dahil gustong gusto nya ang yakap ni Dennis sa kanya.

“Pagbilang ko ng tatlo at hindi mo pa ako binitawan sisipain kita.” Nasa boses nya ang pagbabanta.

“ISA--” Lalong hinigpitan ni Dennis ang yakap sa kanya, at halos hindi na sya makahinga.

“Hi—Hindi ako makahinga. Ano ba?”

“Sorry talaga Baby.”

“DALAWA--”

“DENNIS?”

Said I Love You, But I LiedWhere stories live. Discover now