Chapter 24

11.5K 212 49
                                    


"Don't stress yourself too much by overthinking. You can't control the outcome of everything. All you have to do is put your best foot forward and see what happens."

I took a deep breathe. I need to tell Jeff that I'm 3 months pregnant. If he's going to accept me, Okay. But if not, hindi ko siya pipilitin. I need to take risk. It's better that I try than never. I have a glimpse of hope within me.

Nanginginig ang tuhod ko ngayon. Feeling ko nanlalambot ito. Halo halong emosyon ang nararamdaman ko ngayon. Andito ako sa tapat ng condo ni Jeff. Kumukuha ng sapat na lakas para kausapin siya at isiwalat ang mga dapat niyang malaman. Ano kaya ang magiging reaksyon niya kapag nalaman niyang dinadala ko ang anak namin? Magiging masaya kaya siya? O magagalit? Aish....


Parang hindi ko kaya. Napayuko ako.What am I going to do?? Napahilamos ko ang aking palad sa aking mukha. Kung may nakakakita lang sa akin ngayon dito siguro mapagkakamalan akong baliw. Medyo matagal na akong nakatayo at paulit ulit na bumubuntong hininga dito.


"What are you doing here?"

Napaangat ako ng tingin at nagulat sa aking nakita.

"K.Kate?" Naguguluhan kong tanong.

Why is she here? Bumalik si Jeff sa ex niyang si Ivy. Dapat si Ivy ang nandito. Bakit si Kate? Pinasadahan niya lang ako ng tingin at nagtaas ng kilay na tila may nagawa akong hindi maganda.

"I want to talk to Jeff" kinakabahan kong sabi.

Mas lalong kumunot ang noo niya.
Shems! Wag kang magpahalata Mia! Get a hold of yourself!

"Wala siya rito. Sumama siya kay Ivy sa Europe. Maybe they'll start over again. So i think klaro naman yun sayo." walang kagana gana niyang sagot sabay sara ng pintuan


Nawindang ako sa sinabi niya. Napatulala ako ng wala sa oras. Jeff is in Europe? Talagang mahal na mahal niya si Ivy. Parang pinagsasaksak ang puso ko ngayon. Di ko na napigilan ang pagtulo ng luha ko. Napahawak ako sa aking tyan at dahan dahan itong hinimas.


Baby, sorry kung lalaki ka nang walang ama sa iyong tabi. Gagawin ko ang lahat para sayo. Ipaparamdam ko na buo ka kahit wala yong daddy mo. Kakayanin kong maging ina/ama sayo. Ikaw na lang ang naiwang ala ala ni Jeff sa akin. Mahal na mahal kita. Nagpunas ako ng luha at bumuntong hininga .


So this is it. Eto na talaga ang nakatadhana sa akin. Yong katiting na pag.asa kanina ay biglang naglaho ng parang bula. Napangiti ako ng pilit. Ganito talaga ang buhay. Hindi puro kaligayahan lang. Dapat maging handa ako sa mga posibleng mangyari kapag malaman  ito ng mga magulang ko .


-

Nakaupo ako ngayon sa dining table namin. Pilit na kumakain kahit wala akong gana. Kabadong kabado ako at hindi mapakali. Ramdam na ramdam ko ang mga titig ni mommy sa akin. I know ramdam niya na may dapat akong sabihin sa kanila. Ang ina ay Ina, alam na nila bago mo pa sabihin sa kanila. Kaya dumoble ang kaba na nararamdaman ko ngayon.


"Are you okay honey?" Biglang tanong ni daddy

Naramdaman niya ata na hindi ako mapakali. Tapos na sa pagkain si mommy at daddy. Pareho na silang nakatingin sa akin. Maingat kong inilapag ang kubyertos sa mesa at uminom ng tubig. I took a deep breathe bago tumingin ng diretso sa kanila.


I can do this! I know magagalit sila, pero alam kong mas mahal nila ako at hindi nila ako itatakwil. Nanginginig ang kamay at buong sistema ko dulot ng kaba. But I need to do it.

"Mom, dad..... I'm pregnant" gasgas ang boses ko nang sinabi ko iyon.

Agad akong napayuko. Hindi ko kayang tingnan ang reaksyon nila. Napapikit ako ng mariin. Nagready na ako sa matinding sermon at sigaw na pupuno sa lugar na ito.


"Sino ang ama?" Mahinahong tanong ni Daddy kaya napaangat ako ng ulo. Kita ko sa mukha niya ang pagkadisappoint sa nalaman niya.


"Iniwan niya po ako" nahihiya kong sabi.

Sorry mom, dad. I'm such a disgrace to this family. Sinira ko yong tiwala niyo .


"Eh gag* naman pala! Matapos kang buntisin iiwan ka ng ganun ganun lang?!! Sigaw ni daddy. Namumula na siya sa galit.


Tinapik tapik lang ni mommy ang balikat niya at pilit na pinapahinahon.


"No dad,. Iniwan niya ako bago ko pa nalaman na buntis ako. At hindi niya ito alam" mahina kong sabi.


Napayuko ako at kasabay ng pagyuko ko ay ang pagbuhos ng luha ko. Wala akong kwentang anak. Sorry



"Asan siya? Puntahan natin ang ihudiputang lalaking yon. Kailangan niyang panagutan yan" matigas na sabi ni dad.


"Nasa europe na siya dad. Gagawin ko ang lahat para sa anak ko. Papalakihin ko siya kahit ako lang mag.isa" sabi ko at patuloy na umiyak.



Naramdaman kong lumapit si mommy sa akin at niyakap ako.


"No honey, hindi ka nag.iisa. Nandito kami ng daddy mo. Everything has purpose. May dahilan ang Diyis kong bakit ito nangyayari" mahinang sabi ni mommy at hinahaplos ang likod ko at pinapatahan ako.




Alam kong galit na galit si daddy pero niyakap niya rin ako. Napahagulgol ako.
Kahit nadisappoint ko sila, kahit nasira yong mga pangarap nila para sa akin, at kahit nakagawa ako ng pagkakamali. Hindi nila ako tinakwil at iniwan. Hindi sila nagpadaig sa galit at pagkamuhi. Mas nangingibabaw sa kanila ang pagiging mapagmahal na magulang.


Tinanggap parin nila ako ng bukal sa loob.
Kahit iwan man ako ng lahat, I know hinding hindi ako iiwan at susukuan ng aking mga magulang. I'm very thankful at sila ang naging mga magulang ko.

-

"Yey! Magiging ninang na ako! Yohoo!" Masayang sigaw ni Alexa at patuloy sa paglundag habang hawak hawak ang kamay ko.


"Tulungan mo ako sa pag.iisip ng magiging name ni baby" maligaya kong sabi


Napaupo kami at naglista ng mga pwedeng ipangalan kay baby. Since hindi pa namin alam ang gender ni baby, pangalan ng pambabae at panglalaki ang ginagawa namin.


"What if combination ng name niyo ni Jeff?" Biglang sabi niya


Inirapan ko lang siya at ngumuso ako na para bang pinakapangit na ideya ang binigay niya. Napangisi siya sa naging reaksyon ko.



"Jeffran + Mia = Miran? O di kaya'y Jia?" Bulalas niya sabay lagay ng ballpen sa kanyang sintido.


Luh? Ang pangit! Di naman sa bitter ako kay Jeff. I don't like the idea na may kontribusyon siya kahit sa pangalan ng baby ko. Oo na! Bitter na ako. Inaamin ko na!


"Ayoko na may kinalaman parin kay Jeff ang pangalan ni baby. Baby ko to. Iniwan niya ako kaya wala na siyang karapatan sa anak ko" mariin kong sabi



"Hep hep! Wala siyang kaalam alam naa buntis ka" mataray na sabi niya



"Kahit na! Ganun parin yun" inirapan ko siya



"Hayy,, ewan ko sayo Mia." Frustrate na sabi ni Alexa.


Napangisi ako at binelatan siya.
Napaisip ako . Ano nga ba talaga ang magandang ipangalan sa baby?


-
A/N: Hi guys! Pwede ba kayong magsuggest ng magandang name para sa baby girl at boy? Since hindi pa alam ang gender kaya pwede dalawa ang gawin niyo?


Hihihi. Pipili ako ng bet ko. Kaya don't hesistate to comment ^^

Votes and comments are highly appreciated :*

HIS STRIPPER (COMPLETED)Where stories live. Discover now