TC 30

984 23 8
                                    

Muli po salamat po sa mga taong walang sawang nagbabasa ng UD ko. Well uuliting ko po hindi po ako magsasawang i-mention ang pangalan niyo dahil hindi rin po kayo nagsasawa sa paghihintay ng UD ko. Salamat!!!! ;-D

Kay @_itsmepatch_, @jailenash28, @pisces10, @celqusetin, @aiegnshar, @JericaJhoyInfante, @daniellebellevocal, @mimimimish_owtoo, @thekingsthrone, @lady_joy86, @imaudracaldejon, o @JaiLene_FG, @Mariekay12, isama po natin ang isang bagong name na si @Princess_Frozen24 at @preciousnic na nakikisubaybay na rin po. Salamat po ng marami. Wag po sana kayong magsawa sa pagbabasa ng UD ko. GOD BLESS po sa lahat and stay safe!

A/N; Natapos ang nasabing date ng mag-asawa. Talaga ngang pinaghandaan ni Drake ang gabing iyon. And really it was a nigth Shirley will always remember.

Nabalitaan na ng mga malalapit na kaibigan at kaanak ang tungkol sa muling proposal ni Drake sa asawang si Shirley. Kaya naman ang lahat ay gustong makibalita.

DJ's POV

Shirley, totoo ba? Tanong agad nito sa kapatid.

Tinawagan niya ang nakababatang kapatid para itanong kung totoo ang bagay na iyon.

Oo Kuya, yun ang gusto niya eh. Sagot naman nito.

Ano na namang ka-dramahan ang naisip ng asawa mo? Bakit kailangan niya pang pakasalan ka ulit. Muli kong tanong.

Hindi ko naman kasi malaman sa lalaking iyon bakit hindi na lang tipirin ang perang pwedeng gamitin sa pagpapakasal na muli at ilaan sa anak. Bulong ko sa sarili.

Kuya, pinipilit ni Drake na maayos na ang pamilya namin. At saka hindi ka lang magiging bayaw kundi kumpare pa. Sabi ng kapatid.

Ha? Talaga ninong ako ni Baby Reuel? Masayang tanong ko.

Oo, actually anim lang kayong Ninong at Ninang. Ayaw na namin ng madami. Sagot pa nito.

Kelan ba ang binyag? Muli kong tanong.

Last Sunday of this month. Sagot ni Shirley.

Ahhh okay, kailangan ko na palang mag-isip ng ire-regalo sa pamangkin ko, sagot ko.

Kuya? kamusta naman sina Mama at Papa? Okay na ba sila? Nagka-usap na ba sila? Sunod-sunod na tanong nito.

Okay naman sila. Hindi pa sila nagkakabalikan pero, maganda na ang samahan nila. Pagbabalita ko.

Mula kasi ng dumating sila Shirley sa Pinas hindi pa nito napapasyalan ang bahay. Si Papa, active sa pagdalaw. Alam kong gusto na niyang mabawi ang totoong kanya. At iyon ay ang pamilya namin. Nakita ko kay Papa ang pagiging mabuting ama. Simula pa noon at hanggang ngayon. Hindi lang dahil sa bumabawi siya. Kundi dahil sa iyon ang totoong siya.

Kuya? Hello Kuya! sigaw ni Shirley sa kabilang linya.

Ano ba? sakit naman sa tenga ng sigaw mo! reklamo ko.

Eh paano akala ko kung napano ka na. Hindi ka kasi sumasagot. Paliwanag naman nito.

Narinig kong umiyak na ang pamangkin ko. Kaya nagpaalam na rin ako.

O sige na Shirley, baka gutom na ang pamangkin ko. Patabain mo yan ha. Bilin pa nito.

Ano ka ba Kuya, parang baboy lang yung patatabain ko ah? Biro nito sa kapatid.

Taking Chances    ( JaiLene Fan Fiction )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon