TC 13

1.1K 14 3
                                    

.... hello guys! sorry kinda busy nowadays... nwei back to work. Natuloy yung proposal ni Drake. Pero okay na kaya ang lahat? Sana kasi nga lahat ay masaya sa naganap sa buhay ni Drake at Shirley. May mga taong masasaktan pero ganun talaga ang buhay, in order to be happy minsan kailangang may masaktan tayo. or else kayo o ikaw ang hindi magiging masaya ing the future... tama!?

Maayos na natapos ang proposal ni Drake kay Shirley. Lahat ay masaya at ang lahat ay ang nagbigay ng magandang wish para sa kanila. Maliban sa iilang tao na hindi nila sinasadyang masaktan.

JANE's POV

Lexie, tawag ni Jane isang araw bago ang proposal na iyon ni Drake.

O, Jane. kamusta? bati ni Lexie sa kaibigan. May kailangan ka?

Ahhh, okay lang. Sagot nito. Wala naman,,, kaso totoo bang magpo-prospose na si Drake kay Shirley? Tanong ko.

Nalaman ko kasi sa isang reliable source na mag-po-propose na nga raw ito sa kasintahan. Kaya naalarma ako. Kailangan kong malaman muna na totoo ang sinasabi nung taong iyon. Bago pa ako pumayag sa gusto niyang mangyari.

Ahhh ehhh saan mo naman nalaman yan? kinakabahan si Lexie'ng malaman ng kaibigan at baka masaktan ito.

Hindi na naman siguro importante kung kanino ko nalaman o sino ang nagsabi sa akin, sagot ko. Ang importante ay malaman ko kung nagsasabi ba ito ng totoo.

Jane, hate to tell you this pero,,, totoo. Bukas ang proposal ni Drake and his inviting me... wika pa nito.

Hindi ko alam parang sinuntok ang puso ko na hindi ako makahinga ng maayos. Nasasaktan ako, pero hindi kailangang makita ng kaibgan dahil alam kong mabait ito sa akin, simula pa noon.

Lex, can I ask you a favor? Nahihiyang tanong ko.

Sure! Tell me. Wika ng kaibigan.

Can I go with you tomorrow? Doon sa place na gaganapan ng sinasabi mo. Tanong ko.

At first hesitant si Lexie. Marahil naiisip nito kung magiging okay lang ba siya.Dahil kilala niya itong laging concern sa kanya. Kahit pa noong sumama ako sa grupo nila Kristel at Noemi, ay sinabihan niya ako na baka maging Bad Influence ang mga ito sa akin. Pero nagpatuloy pa rin ako. Kasi sa kanila lang ako nakakuha ng lakas. Ang lahat ng hindi ko masabi ay nasasabi nila. Kaya sa kanila ako sumama.

Joey, are you sure okay lang sa 'yo? Nag-aalangang tanong nito.

Oo, kahit naman mahal ko yung tao, gusto ko rin makita para makapag - move on na ako. Sagot ko na lang sa kaibigan.

Okay, kita na lang tayo sa bahay. Sabi nito. At isasabay na kita sa venue okay.

Sinabi nito ang oras ng event at ang mga bisita. 

Kinabukasan, hindi ko alam kung tutuloy pa ba ako. Kasi halo ang kabang nararamdaman ko  at takot. Kasi hindi ko alam kung paano mag - re - react ang puso ko at ang utak ko sa masasaksihan ko nagyong gabi. Pero kailngan ko. Dahil para sa akin rin ito. 

Dumerecho na ako sa place ni Lexie. After kasi ng duty nito sa office ay nagmadali na itong tumungo sa bahay nila kasi nga dadaan ako sa kanila. At ayaw niya raw akong maghintay. Pinagbuksan ako ng isang kasambahay na nasa middle 40 to 50 years old. Pinatuloy siya nito at pina-upo at bingyan ng maiinom habang nag-aayos ang kaibigan.

Taking Chances    ( JaiLene Fan Fiction )Where stories live. Discover now