TC 33

896 22 15
                                    

Hello friends!! Musta naging busy po ang inyong lingkod kasi nag open na po ang aming store. And it went well naman. Kaya po wala akong UD pang samantala.

Regards nga po pala sa lahat ng mga bumabasa at nagbabasa pa lang ng mga naunang chapters ng Taking Chances story ko. At sila po ay sina; @aiegnshar, @JericaJhoyInfante, @_itsmepatch_, @mimimimish_owtoo, @thekingsthrone, @daniellevcal, @jailenash28, @celquestin, @lady_joy86, @Jailene_FG, @Mariekay12, @preciousnic, @Priness_Frozen24, @_IHeartJailene, @sellinem, @MyTwizzle01, @AndreaKylePeras and @lymuelreynoso.

A/N; Sa nakaraang chapter nalaman natin ang totoong rason kung bakit naging ganoon ang katauhan ni Mariko. And we can say na hindi siya likas na masamang tao.

MAK's POV

Nagulat ako sa Mika na nakadahupang palad ko ng nakaraang gabi. Pero ang masaklap pa don ay ang malaman na hindi niya ako nakilala. Ako, na nag-iisang kaibigan niya. Hindi niya man lang matandaan? Totoo ba iyon? Pero wala na akong magawa. Ganoon na yata talaga eh. Pero yung nangyari kagabi na sa di sinasadyang pagkakataon nasa bar na pinaghirapan ko pa siya napadpad.

Kinabukasan sa bahay

Nakarinig ako ng boses mula sa kwarto ko. Alam ko naman na nroon ito. Kaya alam kong gising na ito.

Hello? tawag nito.

Dala ko ang isang tray na inihanda namin nila Nanay at Tita. Alam nila kung sino ang kasama ko at sinabi ko na ang mga nangyari sa nagdaang gabi. 

Hello! may tao ba diyan? muli nitong tawag.

Nakita ko siyang tatayo at nakatingin ito sa picture frame na nakapatong sa cabinet ko. Picture naming dalawa iyon. Pingakakaingatan ko iyon. Pero since hindi na naman niya ako naalala hindi na ako nag-abala pang magpakilala. Kaya pinigilan ko siyang lumapit doon.

Nang makita niya ako ay,,,

Ikaw na naman? Tanong nito.

At bakit? tanong ko rin.

Bakit ba lagi na lang kitang nakikita ngayon? Muli nito tanong.

Kasi kahapon, naisipan ko lang mag-try ng ibang bar kaya kita nakita doon sa unang lugar. At kagabi, dahil bar ko ang pinuntahan mo. At ngayon kasi malamang nasa room kita. Mahabang paliwanag ko.

Ano? Room mo ito. Nagulat siya.

Kaya napatingin ito sa damit niya, iba na ito. Naka pantulog siya. At wala siyang panloob na suot. Hindi ko po kayang gawin sa babaeng napaka importante ang iniisip niya. Sila Nanay po anng nagasikaso sa kanya.

Teka! anong ibig sabihin ikaw ang nag.... hindi ko pinatapos ang sasabihin niya at nagsalita na ako.

Hindi ako ang nagbihis sa iyo. Ang Nanay ko. Sagot ko.

Ahhhh, tanging naisagot niya.

Taking Chances    ( JaiLene Fan Fiction )Where stories live. Discover now