TC 15

1K 14 0
                                    

.... i just hope matapos ko ito bago ako umalis. kaso mahina ang internet. nahirapan nga ako mag-upload ng last chapter ko eh. 

A/N;  So ano ba ang naging dahilan at hindi ma-contact ni Paul at Joey si Drake. May kinalaman ba ito kay Francis? Ano kaya ang ginawa ni Francis.

SHIRLEY's POV

Sobrang dami ng mga dumalo. Yung mga friends ko sa college at sa high school pati si Patty at si Lexie. Naroon ito at nasabi ko nga nagkita kami ni Benj.  Natuwa ito pero at the same time nalungkot kasi nasabi ko rin ang plano nitong umalis ng bansa.

Kung ako ang tatanungin, gusto ko si Lexie para kay Benj. Mabait ito at pareho sila. Dati lang ay nagseselos ako kasi si Drake lahat ng attention ay narito. Pero ang nangyari between them na pagbasted nito kay Drake dahil sa akin ay hindi ko sadya.  Sana mabigyan pa sila ng pagkakataon.

Masaya ang lahat, pero ang hindi ko alam ay bakit ako kinakabahan. Napa-usal tuloy ako ng dasal. Marami ang nangyayari bago maikasal ang dalawang tao. Kaya idinasal kong wwag naman sanang may mangyaring masama.

Natapos ang mag pagbibigay ng gifts at ng advance wishes para sa akin, at pinatugtug na nila ang isang song at may lumabas ng lalaki. sinayawan agad ako. Pero napatayo ako. Hindi ko kayang tumingin sa ibabang parte niya. kasi naka briefs lang ito at may bow tie sa leeg. Hiyawan ng hiyawan ang mga kadalagahan, si Patty nilapitan ko at sinabing magpapahangin lang ako sa labas.

Lumabas ako at kinuha ko ang cellphone ko. Tiningnan ko ito kung may message si Drake, kasi late na rin at ang usapan namin ay uuwi kami ng maaga para mag rest para sa big day namin bukas.

Nakita ko ang isang message. 

From: +639+++++++++++

Shirley, friend ako ni Drake please puntahan mo yung condo na inupahan para sa stag party niya, may nangyaring hindi maganda. Dalian mo, eto ang address..........

Pagkabasa ko ng message na iyon ay hindi na ako nag-isip pa. Pinuntahan ko agad ang address. kinakabahan ako. Pinara ko agad ang nakita kong taxi sa ibaba ng buliding na pinaganapan ng shower party ko. Hindi na nagpa-function ang utak ko ng matino.

Drake,,, magkasalo ang dalawang kamay ko sa tapat ng dibdib. Lord please make him safe, usal ko.

Miss may problema ba? tanong ng mamang taxi driver. 

Marahil nakita o naramdaman nito ang tensiyong nararamdaman ko.

Emergency lang po manong. Sagot ko.

Minadali ng driver ang pagmamaneho kaya naman narating ko agad ang lugar.

Inakyat ko ang floor kung saan ibinigay ng nagtext sa akin. Pagpasok ko sa room....wala akong nakitang tao. At may yumakap sa akin mula sa likod. Nanlabo ang tingin ko at wala na.

JOEY's POV

Paul wag mo pa rin kalimutang i-dial ang number ni Drake, baka ma-contact mo. Utos ko kay Paul

Please Lord, wag niyo pong hayaang may mangyari sa dalawang iyon.  Usal ko habang nasa taxi kami ni Paul.

Joey, wala pa rin eh, sabi nito. Ano na kaya ang nangyari sa taong iyon.

Please Paul contact-kin mo na si Kuya DJ at ang mommy at daddy ni Drake. Muli kong utos.

Okay sige. Sagot naman ni Paul.

Taking Chances    ( JaiLene Fan Fiction )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon