TC 36

729 25 13
                                    

Hi guys! ready for the new chapter? Well hope you'll love it.

Sa mga loyal readers ko! Alam niyo na kung sino kayo; @aiegnshar, @JericaJhoyInfante, @_itsmepatch_, @mimimimish_owtoo, @thekingsthrone, @daniellevcal, @jailenash28, @celquestin, @lady_joy86, @Jailene_FG, @Mariekay12, @preciousnic, @Priness_Frozen24, @_IHeartJailene, @sellinem, @MyTwizzle01, @AndreaKylePeras, @lymuelreynoso, @dothenathaliealbania, @feaclaire, @AngelikaLPineda, @ alwaysshar, and @SungitGirlSmiles. Thanks sa lahat and sa mga bagong dagdag na readers sila po sina @heylyn at si @MyTwizzle01. Sana po suportahan niyo ang story kong Taking Chances of JaiLene.

Naka-uwi kami ni Drake ng wala akong narinig na salita mula sa bibig niya. Hindi ko alam kung ano ba ang nasa isipan ng asawa ko. Gusto kong mag-salita pero natatakot din akong baka masaktan lang ako sa maririnig ko.

Nagulat na lang ako ng iliko ni Drake ang kotse sa isang park.

Bhe? tawag ko kay Drake.

Bhe, sandali lang may kailangan lang tayo pag-usapan. Sabi nito.

Sa hitsura ng asawa alam kong seryoso ito. Kinakabahan ako. Hindi ko alam kung paano ico-compose ang sarili ko. Huminga ako ng malalim at napansin agad pala nito.

Bhe, pasensiya ka na. Kailangan nating pag-uspan ang isang bagay. Panimula nito.

Sige makikinig ako. Seryosong sagot ko.

Noong,,, alam mo naman diba noon. Hindi malaman ng asawa ang sasabhin o paano sisimulan ang usapan.

Drake, noong hindi pa tayo okay dahil sa ksainungalingan ni Francis. Panimula ko.

Oo Bhe, noong mga panahong iyon, tapos buntis ka. Hindi ko alam kung paano mag-rereact. Pero ang alam ko lang hindi kailanman kita pinalitan sa puso ko. Wika nito.

Drake, are you saying that you have an affair with that lady? Lakas loob kong tanong.

Hindi kumibo si Drake at yumuko. Tanda ng isang pagamin ng oo. Hindi ako nakapag-salita. Napa-upo ako sa isang bench na bato malapit sa pwesto namin. Bigla kasi akong nawalan ng lakas. Kanina lang kasi ang ganda ng lakad naming mag-asawa. Pero ngayon dahil lang sa isang babaeng nag-ngangalang Mariko Dela Cruz ay nasira na ang buong gabi namin.

Siya ba ang babaeng nakita ni Benj na pinagtalunan niyo? Tanong kong muli.

Tumango lang siya, at sinabing,

Isa siyang client. And she wanted me to handle the construction of her building. Hindi ko alam, pero bulgar ang pagkaka-gusto ng babaeng yun sa akin. Noong una pa lang. Paliwanag nito.

Nagpatuloy ito sa pagku-kwento.

Nabuntis ka noon. Masamang - masama ang loob ko. And hindi ko alam pero sa sakit na naramdaman ko dahil sa galit sa lalaking gumawa sa iyo ng kahalayan, hindi ko na naisip ang pwede mong maramdaman. Alam ko maaaring makagawa ako ng isang malaking pagkakamali noon. Pero nagpapasalamat pa rin ako at hindi nabuo ang namagitan sa amin. At Shirley, maniwala ka isang beses lang nangyari 'yon. At sinumpa ko sa sarili kong hindi na ito muli pang mangyayari. Kahit hindi ko pa alam na ako ang ama ng ipingbubuntis mo. Mahabang paliwanag nito.

Taking Chances    ( JaiLene Fan Fiction )Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu