V. Welcome Back Maymay

922 50 8
                                    

Ready na ang lahat para sa surprise nila kay Maymay. Si Elisse, Mccoy, Vivoree at Kristine ay kasalukuyang naghahanda na sa bahay nila Elisse para sa surprise nila kay Maymay.

"O Kristine dumating na ba 'yung chairs and tables na ni-rent mo?"si Elisse

"Nag-aayos na sila sa labas ate Elisse, na-late daw sila kasi nagkandaligaw-ligaw sila sa pagpunta dito."si Kristine

"Nako kayo kamo ah, mala-late pa kayo! Buti na lang delayed 'yung flight ni Maymay."si Elisse

"Ate Elisse relax ka lang, halatang halatang nag-aalala ka e. Everything's gonna be alright for ate Maymay's surprise!"si Vivoree

"Oo nga ate Elisse, basta magrelax lang tayo, tsaka patapos na rin naman sila mag-set up. After nila, pagkain na lang ang kulang and then all set na tayo."si Kristine

"Ano'ng all set? Guys kailangan maging perfect ang lahat para sa pag-uwi ni Maymay."si Elisse

"It will be perfect ate Elisse, lahat gagawin natin para maging perfect ang lahat sa welcome home surprise na 'to."si Vivoree

"E sandali? Si Nikka ba hindi tutulong?"si Kristine

"Asa ka pa Kristine, baka nga hindi 'yun makisali sa surprise na 'to o di kaya kahit sa pagkain e hindi siya sumalo."si Vivoree

"Don't worry pupuntahan ko si Nikka mayamaya, I'll try to talk to her about this. Kaso tuwing nag-uusap kami o di kaya sa tuwing kinakausap ko siya lagi kaming nauuwi sa awayan."si Elisse

"Ate Elisse may tanong ako, kung okay lang."si Vivoree

"Oo naman. Go."si Elisse

"Bakit parang mas close ka kay ate Maymay? Bakit parang hindi ka close kay Nikka? I mean alam natin na hindi niyo naman totoong kapatid si ate Maymay, pero bakit parang siya pa 'yung mas ka-close mo?"si Vivoree

"Sa totoo lang Vivoree hindi ko rin alam e, may something sa personality ni Nikka na hindi ko nagugustuhan kaya hindi kami nagkakasundo. Although mahal ko naman si Nikka syempre, pero iba 'yung bond na meron kami ni Maymay dahil lumaki siyang malapit sa'kin tsaka makwento. Si Nikka kasi very reserve na tao at may pagka-secretive."si Elisse

"Buti hindi nagseselos si Nikka kay ate Maymay noon?"si Kristine

"Oo nga."si Vivoree

"Well hindi naman siya family-oriented e, mas naging close kasi ni Nikka 'yung mga kaibigan niya sa school kesa sa'min na pamilya niya."si Elisse

"So 'yan ba ang masarap pagkwentuhan habang nagluluto? Ang pagiging masama kong anak at kapatid?"si Nikka

Napalingon naman sila Kristine at Vivoree sa nagsalitang si Nikka

"O bakit kayo tumigil? Go on! Gusto ko'ng marinig ang mga sasabihin niyo pa. Ano? Masama akong anak? Wala akong kwentang kapatid? Wala kayo'ng pinagkaiba sa kaibigan niyong si Maymay, she's hypocrite! Wala kayong pakialam sa buhay ko, dahil buhay ko 'to! Kung masama man akong anak at kapatid, problema ko na 'yun, kung wala akong kwenta, wala na kayong pakialam dun dahil ako 'yun e, hindi naman kayo!"si Nikka

Si Elisse na kanina pa nagpipigil ay huminto sa pagluluto at hinarap si Nikka, pinapwesto niya sa likuran niya si Vivoree at Kristine na kaninang nasa harapan niya.

"Kung galit ka, ako ang harapin mo! Matagal nang nagpapanting 'yung tenga ko sa mga walang tigil mong rants at mga patutsada, napupuno na ako Nikka! Gusto mo'ng ituring kita bilang kapatid ko pero ikaw mismo ang naglalayo ng sarili mo sa'min, because you're too busy thinking about the past! Pa'no ka makaka-move on kung hanggang ngayon 'yung nakaraan pa rin ang nandiyan sa utak mo?"si Elisse

If We Fall in Love Where stories live. Discover now