IF WE FALL IN LOVE: Friendship Over

1K 45 3
                                    

Dumeretso si Maymay sa puntod ng magulang niya kahit na malapit na magdilim, agad naman siyang lumuhod sa harap ng puntod ng magulang niya. Patuloy pa rin ang pag-agos ng mga luha sa mga mata niya.

"Ma, Pa, I'm sorry. I'm sorry. Alam ko na malaking kasalanan yung ginawa ko, yung nararamdaman ko para kay Edward. Alam ko rin na hindi kayo proud sa'kin ngayon dahil mali yung ginawa ko, alam kong boyfriend siya ni Nikka pero nagkagusto pa rin ako sa kanya. Pa, bago tayo maaksidente noon lagi niyong bukambibig sa'kin na kapag hindi sa'kin 'wag kong aangkinin, pero nangarap ako na kunin si Edward kahit alam kong mali. Ngayon Ma, Pa, handa na akong harapin yung mga consequences na ihahatol sa'kin. Handa akong ayusin yung mga pagkakamaling nagawa ko. At lahat gagawin ko para lang hindi masira yung buhay ko. I'm sorry Ma, Pa. Sana mapatawad niyo ko, I'm sorry."si Maymay

"May."-boses ng lalaki

Tumayo naman si Maymay at lumingon sa likuran niya. Tumambad sa harapan niya si Edward na halatang hingal na hingal.

"Anong ginagawa mo dito?"si Maymay

"Just because you like me, you will end our friendship? That's unfair, May. Hindi mo man lang ako tinanong kung okay ba sa'kin o kung gusto ko ba na matapos yung pagkakaibigan natin. Dalawa tayo sa friendship na 'to May, dapat dalawa rin tayong magdedesisyon."si Edward

"Hindi mo ba naiintindihan? Gusto kita, gusto kita higit pa sa isang kaibigan. Kapag hindi ko pa tinapos yung pagkakaibigan natin, ako lang yung mahihirapan Edward. Ako yung mahihirapan at masasaktan. Hayaan mo naman ako na ayusin na yung buhay ko, hayaan mo naman ako na isalba yung pagiging magpinsan namin ni Nikka. 'Wag mo naamn hayaan na masira yung buhay ko nandahil lang sa lintik na nararamdaman ko para sa'yo."si Maymay

"Kaya mas pipiliin mong mawala ako, kesa mawala si Nikka?"si Edward

"Oo. Pipiliin kong mawala ka, kesa si Nikka yung mawala kasi kapag ikaw yung pinili ko, ako naman yung mawawala. Tama na Edward, magkanya-kanyang buhay na tayo. Ituloy mo yung buhay mo na wala ako, ituloy mo yung relasyon niyo ni Nikka, at ako, itutuloy ko yung buhay ko na mag-isa. Pero sana 'wag mong isipin na hindi totoo lahat ng pinakita ko sa'yo, dahil lahat yun totoo, at ang pinakatotoo sa lahat ay yung pagmamahal ko para sa'yo. *hinawakan sa pisngi si Edward* Ang swerte ni Nikka sa'yo, 'wag mong sayangin ang meron ka. Alagaan mo si Nikka ha. Kalimutan na natin yung mga nangyari, kalimutan mo na ako, at kakalimutan na rin kita."si Maymay

"Pa'no kung hindi ko kaya? Pa'no kung hindi ko kaya na wala ka?"si Edward

"Kailangan mong kayanin. At least hindi ka mahihirapan dahil kaibigan lang naman ako sa'yo, hindi ka mahihirapan na kalimutan ako."si Maymay

"Who told you that you're only a friend to me?"si Edward

"Ha?"si Maymay

"What if I told you that I feel the same? What if I told you that I also have feelings for you?"si Edward

"*sinampal si Edward* 'Wag mong saktan ang pinsan ko, akong makakalaban mo. Kung ano man yang sinasabi mo tigilan mo na! Kung ano man yang kalokohan na iniisip mo, tantanan mo na! Kung anong kagaguhan man yang nararamdaman mo, tapusin mo na,dahil yun din ang gagawin ko."si Maymay

"Hindi kung ano man, kalokohan at kagaguhan ang sinasabi ko. Mula nung umalis si Nikka, you made all the pain and my sadness disappeared. Ni-hindi ko nararamdaman na may kulang sa'kin, basta alam ko kapag nandiyan ka wala na akong hahanapin pang iba. Sinubukan kong pigilan, sinubukan kong kontrolin, pero hindi ko magawa. Maybe it was meant to happen anyway. Hindi ko lang talaga masabi dahil ayokong saktan si Nikka, pero maniwala ka May, gusto rin kita. I like you."si Edward

"Gusto mo ko? Pero amahl mo si Nikka diba? Alam mo Edward tama na, ibalik mo na lang yung gustong nararamdaman mo para sa'kin kay Nikka. Hangga't maaga pa umiwas na tayo sa isa't isa, baka yun yung makakatulong para magkalimutan tayong dalawa. Salamat Edward sa lahat, hinding hindi ko makakalimutan lahat ng tinuro mo sa'kin, pero ang dapat kong kalimutan ay yung nararamdaman nito *sabay turo sa puso niya* Goodbye Edward. Hanggang sa muli nating pagkikita."si Maymay

If We Fall in Love Where stories live. Discover now