IF WE FALL IN LOVE: Sembreak

875 48 6
                                    

Ilang araw na mula nang makauwi galing Hong Kong sila Maymay, nalaman na rin ni Mccoy at Elisse ang nangyari kahit sa umpisa palang ay alam na nila ang lahat. Pangalawang araw na nila sa Cavite para doon mag-undas at para na rin magbakasyon ng isang linggo. Naglalakad si Elisse nang makita niya si Maymay na nakaupo sa lanai at nakatanaw lang sa malayo.

"May, tulala ka na naman."si Elisse

"Ate Elisse ikaw pala, hindi nag-iisip lang ako."si Maymay

"Ano naman iniisip mo? 'Wag mong sabihin sa'kin na iniisip mo na naman 'yung mga nangyari sa Hong Kong."si Elisse

"Hindi ate Elisse, iniisip ko lang kung nandito si mama at papa sigurado ako na mas magiging masaya ako."si Maymay

"Bakit hindi ka ba masaya kasama namin?"si Elisse

"Syempre masaya ate Elisse, kapag kasama ko kayo ni kuya Mccoy pakiramdam ko kompleto na lahat, may ate, kuya, tatay at nanay. Pero syempre mas magiging masaya ako kung kompleto talaga ang lahat."si Maymay

"'Wag ka na malungkot Maymay, lahat naman ginagawa namin para maging okay ka na. Ayaw namin ng kuya Mccoy mo na ganyan ka."si Elisse

"Alam ko naman po 'yun."si Maymay

"May, alam kong mahirap para sa'yo ang kalimutan basta basta si Edward lalo na at siya ang first love mo, pero hindi pwedeng nakakapit ka lagi sa nakaraan, kailangan mo ring umusad sa hinaharap at handa ka naming tulungan ng kuya Mccoy mo."si Elisse

"Alam ko naman 'yun ate Elisse e, pero sa tuwing ipipikit ko 'yung mga mata ko naalala ko siya at 'yung mga pinagsamahan namin. Isinumpa ko na kakalimutan ko na siya pero parang kinakain ko na 'yung mga sinabi ko."si Maymay

"Hindi talaga madali ang makalimot sa nangyari, basta ituloy mo lang ang buhay mo, balang araw mare-realize mo na naka-move on ka na pala at okay ka na."si Elisse

"Sana nga ate Elisse."si Maymay

"Oo nga pala, sigurado ka na ba sa desisyon mong si Mccoy na lang ang gumamit ng sasakyan na binigay sa'yo ni Edward? Na magpapalit na lang kayong dalawa?"si Elisse

"Hindi makakatulong sa'kin 'yung sasakyan na 'yun ate Elisse, mas mabuting si kuya Mccoy na lang ang gumamit 'nun."si Maymay

"Nakausap ko naman ang kuya Mccoy mo, sabi niya 'yung isang sasakyan niya na lang ang ibibigay niya sa'yo at 'yun ang gamitin mo papasok at sa kung saan ka pa pupunta. Oo nga pala nakausap ko si Nikka, mukhang okay naman siya sa America at nagmo-move on na."si Elisse

"Mabuti naman kung ganon, mabuti pa siya may process na 'yung moving on niya, samantalang ako eto kinakarma na."si Maymay

"'Wag mong sabihin 'yan May, hindi ka kinakarma."si Elisse

"Ate Elisse this is my karma for having a relationship with Edward, alam kong mali at alam kong masasaktan si Nikka pero tinuloy ko pa rin."si Maymay

"Enough of that, ang mahalaga nagiging okay na ang lahat. Habang nandito tayo sa Cavite, use that as an advantage para maka-move on."si Elisse

"Ate Elisse kung sasabihin ko bang gusto kong ituloy 'yung balak kong pagpunta sa New York, magagalit ka ba?"si Maymay

"Malulungkot oo, pero hindi ako magagalit. Bakit? Kino-consider mo pa rin ba 'yun as an option?"si Elisse

"*tumango* Para kasing 'yun na lang 'yung nakikita kong paraan para maging okay na ang lahat e, alam kong marami akong maiiwanan dito sa Pilipinas pero gaya nga ng sabi ko 'yun na lang ang nakikita kong paraan."si Maymay

"Kung 'yun ang sa tingin mo ay tama, go. Hindi ka namin pipigilan ng kuya Mccoy mo, maiintindihan ka namin."si Elisse

"Salamat, ate Elisse."si Maymay

If We Fall in Love Where stories live. Discover now