IF WE FALL IN LOVE: Stay or Go

878 39 15
                                    

Pagdating nila Maymay sa airport ay agad tinawagan ni Marco si Edward. Patuloy pa rin si Maymay sa pag-iyak, sinusubukan nila Kisses na makapasok pero hindi pwede dahil wala silang dalang passport at ticket. Mabuti na lang at sinagot ni Edward ang tawag ni Marco..

"Marco, I'm already here. Bakit?"si Edward

"Bro, I know that you're already there, and we can see you from outside."si Marco

"What? Where are you?"si Edward

"May, ayun si Edward."si Kisses

"Bro, nandito kami sa labas ng airport, lumingon ka."si Marco

"What?"si Edward

Paglingon ni Edward ay nakita niya si Maymay na nakatayo sa labas ng airport, nakikita niya ito dahil salamin na lamang ang pagitan nilang dalawa. Lumapit siya sa salamin at hinarap sila Maymay.

"Marco, I told you not to tell them right?"si Edward

"Nandiyan ka na sa loob, may magagawa pa ba kami? Tsaka naawa ako kay Maymay, gustong gusto ka niya talagang makita at makausap, that's why we're here. I'm sorry."si Marco

"Give her the phone."si Edward

"May, gusto ka makausap ni Edward."si Marco

"Ganon na lang ba 'yun Edward? Iiwanan mo na ako? Hahayaan mo na lang akong mag-isang umuwi ng Pilipinas?"si Maymay

"May this is not what I want, but destiny leave me no choice. May, ayokong gawin 'to, ayokong iwanan ka pero ito na lang 'yung nakikita kong paraan para maging malaya tayo pareho."si Edward

"Duwag ka."si Maymay

"If you call this coward, then fine, but I'm doing this for you, for the sake of your family."si Edward

"Akala ko ba mahal mo ko? Akala ko ba walang iwanan? Akala ko ba mamahalin na lang natin ang isa't isa nang patago? Ito ba 'yun?"si Maymay

"I love you, you know that. Pero hindi ko kaya na tingnan ka bilang kaibigan lang, hindi ko kaya 'yun Maymay, para akong pinapatay nang paulit-ulit sa tuwing maiisip ko na nakikita nga kita pero hindi naman kita pwedeng angkinin."si Edward

"Bakit hindi mo sinabi sa'kin 'to?"si Maymay

"Dahil alam kong pipigilan mo ko, at kahit ayokong umalis at kahit gusto kong pigilan mo ko hindi pwede. Kahit gustong gusto ko nang basagin 'tong salamin na nasa pagitan natin para mayakap ka at makasama hindi pwede. Kahit gustuhin ko man na lumabas na dito, hindi pwede dahil ito 'yung dapat."si Edward

"Edward mahal na mahal kita, at kahit na maging magkaibigan lang tayo kaya kong tiisin, ang ayoko 'yung magkakahiwalay tayo ng ganito, 'yung mawawala ka talaga sa'kin ng tuluyan."si Maymay

"May hindi ko naman gusto 'to e, pero ito 'yung gagawin ko dahil ito 'yung tama. Nasaktan ko si Nikka at alam kong masasaktan din kita sa gagawin kong 'to kaya patawarin mo ko."si Edward

"'Wag mo naman akong iwanan ng ganito o."si Maymay

"Patawarin mo ko, Maymay. I love you."si Edward

"Edward 'wag kang umalis, 'wag mo kong iwanan. Pa'no na 'yung mga plano natin pag-uwi? Na magiging magkaibigan tayo, pero mananatili pa rin nating mahal ang isa't isa."si Maymay

"Maymay kung kaya mo 'yun, ako hindi. I can't stand being your friend only, I want to be with you forever, pero mukhang malabo na 'yun kaya hangga't maaga pa tapusin na nating dalawa 'yung meron tayo, 'yung ugnayan nating dalawa, kasi masasaktan lang ako at mahihirapan lang tayong umusad. But always remember that I love you, forever and always."si Edward

If We Fall in Love Where stories live. Discover now