IF WE FALL IN LOVE: Resolved Issues

1K 50 4
                                    

Katulad nang sinabi ni Maymay nakipagkita siya kay Kisses, Kristine at Marco. Hindi na muna sumama si Edward dahil mas makakabuti kung silang apat na muna ang mag-uusap.

"Hindi ibig sabihin na pumayag akong makipagkita sa inyo e pinapatawad ko na kayo, hindi ko rin sinasbai na tama yung ginawa niyong pagsisinungaling sa'kin."si Maymay

"Ate May."si Kristine

"E kasi."si Marco

"Ganito yan."si Kisses

"Sandali! Hindi tayo magkakaintindihan kung sabay-sabay kayong magsasalita. Ikaw muna Kisses, bakit mo ginawa yun? Bakit mo sinabi kay Marco?"si Maymay

"Alam kong hindi mo magugustuhan yung ginawa kong yun, pero ate May maniwala ka maganda yung intensyon ko."si Kisses

"Ke-maganda o pangit, sagutin mo ko, bakit mo ginawa yun?"si Maymay

"Wala naman talaga akong balak sabihin kay Marco yung totoo, pero nung nalaman ko na kinumbinsi ni Marco si Edward na makipagbalikan kay Nikka wala na akong choice kung hindi sabihin ang totoo. Inisip ko kasi yung mararamdaman mo kapag nalaman mong nagkabalikan na sila. Kahit naman kasi itago mo yun sa'min, makikita at makikita naming masasaktan ka. Sinong tao ang sasaya kapag nakita niya na ang taong mahal niya e masaya sa iba?"si Kisses

"Hindi ko hiningi sa'yo Kisses na gawin mo yun, pero salamat na rin dahil inisip mo yung mararamdaman ko. Kayalang, hindi ko sinasabi na tama yung ginawa mo, pero bilang kaibigan mo naiintindihan kita."si Maymay

"I'm sorry ate May."si Kisses

"Marco, bakit mo sinabi kay Edward na itago muna sa'kin o sa'min na nagkabalikan na sila ni Nikka?"si Maymay

"Same reason with Kisses, nung nalaman ko na may gusto ka kay Edward wala akong ibang inisip kung hindi yung mararamdaman mo oras na magkabalikan na sila. Kaya nung sinabi sa'kin ni Edward na okay na sila, tinanong niya ko kung dapat bang sabihin na niya sa'yo sabi ko 'wag muna dahil alam kong masasaktan ka ate Maymay. And I don't want to see you get hurt, hindi ko naman alam na mas lalo kang masasaktan."si Marco

"Totoo na mas nasaktan ako Marco, pero naiiintindihan ko na kung bakit mo ginawa yun. Salamat kasi inuna niyo ko. Kristine, pa'no mo nalaman?"si Maymay

"Narinig kong nag-usap si Marco at Edward noon sa locker room. Yung kay Kisses naman, nalaman ko yun nung nasa mall tayo, nug tangging tanggi siya na sabihin mo kay Marco yung totoo."si Kristine

"Bakit hindi mo sinabi sa'kin?"si Maymay

"Naisip ko kasi na mas maganda kung sa kanila mismo manggagaling yun e. I'm sorry ate May kung hindi ko nasabi sa'yo."si Kristine

"Kristine, Marco, Kisses, maganda lahat ang intensyon niyo pero kahit na gaano pa kaganda at kalinis yan, kung kasinungalingan ang solusyon, may masasaktan at masasaktan."si Maymay

"Hindi namin sinasadya ate May na masaktan ka ng sobra."si Kisses

"Alam ko Kisses, alam ko. Naiintidihan ko na kung bakit niyo nagawa yun, at nagawa niyo dun dahil sa pagmamahal niyo sa'kin."si Maymay

"Pinapatawad mo na ba kami?"si Kristine

"Nami-miss ka na namin ate May."si Marco

"Pinapatawad ko na kayo Kristine, Kisses at Marco, sana magsilbing aral sa'ting lahat ang mga nangyari. Tandaan niyo na kaya ako nasaktan at nagalit ay dahil mahal ko kayo."si Maymay

"I love you, ate May!"si Kisses

"Mahal na mahal ko kayo. Na-miss ko kayo ah!"si Maymay

At nagyakapan na nga silang apat.

If We Fall in Love Where stories live. Discover now