Chapter 41 - Minor Inconvenience (September 22, 2018)

Start from the beginning
                                    

"Grabe 'yung tanungan. Hindi naman ako bumbay na naniningil ng utang. Hindi mo man lang ba ako papapasukin?"

Walang nagawa si Miala kundi papasukin ang malapit na kaibigan.

***

Pagpasok pa lang ni Riley, nag-init na ang ulo ni Lenard. He vividly remembers kung paano siya nito sinapak a few days ago.

"Hello po." Bati nito kay lola Roxy. Binigyan niya naman ng tipid na ngiti ang dalawang nakaupo sa sofa. Sila Gracy at Miala. Pinipigilan niya ang sarili niya na huwag pansinin ang magandang idol for Miala's sake.

Later on, Miala invites Riley into her room.

"Bakit ka nandito?"

"Eto oh. Nahulog mo, ballpen." Inabot nito sa kanya ang gel pen na binili kanina.

"Siraulo ka. Dahil sa ballpen pupunta ka pa dito? Pwede naman bukas."

"Siyempre hindi. Pero hindi lang din kasi ako mapakali. Eh ang dali naman pala ipagtanong kung saan nakatira ang mga Nobleza."

"So, ano?" Miala asks about his verdict into their new house.

"Anong ano? Eh 'di hindi pa rin ako okay sa set-up mo ngayon. Ex mo eh. Tapos palagi mo na lang ako binibitin sa kwento. Minsan sumasama ka na lang basta diyan sa ex mo nang hindi pa tayo tapos sa kwentuhan natin. Parang ayaw mo naman mag-share."

"Sige, ingayan mo pa."

"Sorry..." Pinatahimik ni Riley ang sariling bibig. "Totoo naman kasi."

"Sorry na okay. Sa susunod, 1 week kitang kukwentuhan."

Ngumiti lang si Riley.

"Saan naman 'yung Lenard na 'yun nakakuwarto?"

"Sa kabila."

"Sa kabila?!"

"Yeah." Miala said as if yielding.

"So ano naman 'to?" Naglakad si Riley sa veranda niya and realizes the only barrier between their rooms. "Pucha! Eh isang talon lang dito, makakapunta na sa kwarto mo eh. Bakit pumayag nanay mo dito?"

"Because she didn't know we dated. Nakalimutan mo na ba?" Pinaalala ni Miala kay Riley.

"Oo nga. Pero kahit na. Magpalagay ka pa ng mas maayos na harang. Mamaya tumalon nga yan dito."

Napapikit na lang talaga si Miala. Hindi niya masabi na may nangyari na ngang pagtawid sa bakod sa pagitan nilang dalawa. Hindi lang kasi ito ang tumawid sa linyang ito. Pati na rin siya. Halos mahulog pa nga siya, makapunta lang doon.

Unti-unti siyang napapahiya kapag naiisip 'yung mga ginagawa ng pagmamahal niyang 'yun.

"Don't worry. Ila-lock ko." She finally locks her veranda. "Okay na 'yan. Okay ka na?"

Natigilan si Riley.

"Hindi talaga ako okay Mia eh. Hindi ko alam kung bakit hindi ako mapakali sa set-up niyo ni Lenard. Maling-mali. Lalo na at hindi pa alam ni tita Mindy."

"Huwag ka ng mag-alala. At huwag mong planuhing iispluk sa nanay ko dahil sapok ang aabutin mo sa'kin. 'Yun ay kung hindi pa ako tinapon ng nanay ko sa truck ng basura."

Later, niyaya niya itong bumaba sa sala dahil baka mahuli na siya ng nanay niya na sobrang tagal na nilang nagsosolo ni Riley sa kwarto. Napilitan tuloy silang tumabi sa magkasintahan sa baba.

Halos hindi makatingin si Miala kay Lenard. Magkatabi sila ni Riley sa isang sofa, habang magakatabi pa rin si Graciella at Lenard sa isa pang sofa perpendicular theirs.

I Heart Kuya (Completed, 2019)Where stories live. Discover now