Chapter 41 - Minor Inconvenience (September 22, 2018)

Start from the beginning
                                    

"Dahil ikaw 'yung first love. Naniniwala ako na kayo talaga ang nakatadhana. Kaya please Mia. Huwag mong sukuan ang apo ko."

Hinawakan ni Mia ang kamay ng matanda.

"Baka po hindi po ganun lahat."

"Hindi mo na ba talaga siya mahal? Ang apo ko?"

"Ayoko na siyang mahalin."

"But you do?"

Hindi makasagot si Miala.

"Sobrang asshole niya." 'Yun lang ang naisagot niya.

"Alam ko. But despite that, minahal mo pa rin siya."

"Kaya nga. Tanga-tanga po 'di ba?"

"Malay mo, baka hindi niya pa lang masabi kay Graciella ang tungkol sa inyo. Dahil kung tutuusin, ang hirap naman talaga sabihin 'yung ganun. Makipagbreak. Hindi ba?"

"Ah. Kaya pala nahirapan din siyang sabihin sa'kin dati po 'no?"

"Mia. Ang sinasabi ko eh mahirap siyang sabihin. Even you with your mom. How can you guys tell anybody about this? Na magiging kayo ulit."

"Tama ka lola. Mahirap sabihin. Pero parang hindi naman magiging kami ulit. Tama na sa first love lola. Walang ganun.".

"Merong ganun. Dahil si Sonny, hindi 'yan mabubuo at ang mga kapatid niya, kung hindi ko binigyan ng tyansa ang tatay nila. Ang lolo ni Lenard. And I knew hindi ako nagkamali. Because it's worth it."

"Pero lola, iba si lolo niya sa kanya. Hindi lahat ng tao magiging katulad ni lolo.

"Pero apo niya si Lenard. The apple doesn't fall far from the tree." She said with bright eyes. "And Lenard, alam na alam ko, he has been talking about you ever since. Alam mo ba na kilala na kita bago pa kita makita. Dahil 'yun sa mga kwento ni Lenard. Miala this. Miala that. And I know that what you have between you is love. Sweeping love."

"Pero hindi naman ganun ang pinapakita niya."

"Gusto mo bang bigyan kita ng idea pano siya mapapasayo?"

"Ano po? Huwag na po. At saka bakit ako pa? Bakit ako na naman?"

"Mia, try mo lang kasi. You just need to invite that guy from the reception!" Hindi nakikinig si lola sa pagtanggi niya at masigla pa ring nagbigay ng suhestyon. "Yung Andres."

"Lola. You need to stop doing this. Masama po ito."

"No, Mia. Alam ko pinagseselosan ni Lenard si Andres. I have proofs. Marami akong kuha na nakatingin siya sa'yo sa okasyong 'yun. Gusto mo ba kunin ko? Nagseselos siya doon sa makisig na lalaking 'yun!"

"Hindi na po lola! Pinigilan niya ito. Gustong-gusto niyang sabihin na kung mahal talaga siya ni Lenard, hindi niya kailangang pagselosin pa ito.

Napapagod na siya. But before they can both speak, may tumatawag kay Miala

It's Riley.

"Boks?"

("Nandito ako sa labas niyo.")

"Huh?" Hindi alam ni Mia ang sasabihin. Alam naman kasi niyang hindi alam ni Riley ang present address nila. "Baliw ka talaga."

("Nandito nga ako sa labas.") Pag-ulit nito. ("Black and white house?")

Dali-daling bumaba si Miala. Nilampasan ang company ni Lenard at Gracy at tumakbo sa labas.

Nakasunod si lola dito, almost expecting somebody.

"Ay akala ko si Andres." Lola whispers habang sumisilip sa labas.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ni Miala kay Riley na halatang hindi pa umuuwi. "Paano mo nalaman 'tong address namin na 'to?"

I Heart Kuya (Completed, 2019)Where stories live. Discover now