Bonus Chapter

48.2K 1K 79
                                    

Long Chapter,  babala lang.
This scene occurred 2 weeks bago yung last scene sa epilogue, isiningit ko lang.

Raven's POV

"Yo Angie boy ikuha mo nga ng upuan si Miss Haruka ng sagutin ka na diyan." sabi ni Venz kay Angelo nang makitang papalapit na si Haru-chan sa amin. Sinamaan niya naman ng tingin ni Angelo si Venz.

Nandito kami sa cafeteria, ang usual meeting place, nahuli si Haruka dahil may inasikaso pa daw siya. Tsaka limang upuan lang yung table na pinili namin kaya kinulang ng upuan.

"Oh anong tinutunganga mo diyan, dali na,  ikuha mo na ng upuan para makaiscore ka na ng pogi points sa pagkagentleman mo." kulit ni Venz na nakatanggap nanaman ng masamang tingin mula kay Angelo. Hindi ito kumibo sa kinauupuan nito pero kinulit parin siya ni Venz.

"Wag mong sabihing pakakandungin mo siya sayo. Ayos ah! Galawang Angelo, idol! Walang duda mapapasagot mo yan dude,  apir!" sabi nanaman nito sabay taas ng kamay niya para makipag apir pero inisnob nanaman siya ni Angelo. Ang sungit talaga ng taong ito.

"Paanong sasagutin iyan eh hindi naman nanliligaw." singit naman ni Claude habang di inaalis amg tingin sa binabasa niyang libro.

"Totoo? Ahaha torpe boy ka pa pala, nakakaturn off yun dude, di pa nanliligaw basted ka na agad."

"Shut the fuck up." inis na sabi ni Angelo tsaka nagwalk out,  sakto namang dumating si Haru-chan kaya siya ang pumalit sa inuupuan ni Angelo.

"So Haru-chan, anong tingin mo kay Angelo? Gwapo ba? " bigla kong tanong sa kanya sakto  pagkaupo niya.

Kung magkatuluyan man ang dalawang ito ay botong boto ako. Hihi kakakilig, tapos bridesmaid ako sa kasal nila.

"Anong pinagsasabi mo diyan?" kunot-noong sabi ni Haru-chan.

"Eiiih, basta wag ka nang mahiya,  wala naman siya rito. So what do you think about Angelo? Gwapo ba? " tanong ko tsaka lumapit pa sa kanya.

Pansin ko namang nasa kay Haru-chan din ang atensiyon nina Cassiopeia, Venz at pati na rin ni Claude na ibinaba pa ang librong binabasa.

Napangiti naman ako.

Ayos, mukhang hindi lang pala ako ang fan ng Angeruka loveteam.

Lumipas ang ilang segundo ay di parin siya nagsalita. Napapout nalang ako.

"Ay di mo type?" sabi ko na medyo dissapointed. Matigas parin pala ang puso ng babaeng to.

"I didn't say no,  he's...okay." sabi niya habang nakatingin sa ibang direksyon. Naks nahihiya ba to.

"Oh Angie boy,  narinig mo yun,  okay daw! May chance dude!" biglang sigaw ni Venz at doon namin napansin na nasa likod pala namin si Angelo.

Agad namang namula si Haru-chan pati narin si Angelo na pinagtawanan naman ni Venz.

"Uuuuy si Angelo nangangamatis! Tangna dude kinikilig na yan, kailangan mo na bang isugod sa ospital? Haha."

Lalo namang namula si Angelo,  yung tenga niya pulang pula na.  Padabog niyang hinablot yung bag niya sa mesa.  Kaya pala bumalik, naiwan yung bag. Yan kasi pawalk out walk out may nakalimutan pala. Tanga lang.

"Uy Haruka tingnan mo oh!" turo niya kay Angelo. Hindi pa kasi kumikibo si Haru-chan, mas nahihiya dahil sa sinabi niya. Mas pinalala naman ni Venz na kanina pa kantsaw ng kantsaw sa kanila. Kaibigan ba talaga toh? Parang hindi eh,  nanlalaglag.

The Legendary Dark DemonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon