“Gusto ko kusa mong mapansin 'yong akin.”

“Ah, sige, sa susunod.”

Nagkasalubong ang kanyang dalawang kilay, tila hindi niya nagustuhan 'yong sinabi ko. Bumukas na ang pinto ng elevator at tumingin ako kay Kuyang Guard,  nagpaalam. Hinawakan ako ni Ken sa'king braso at hinila papasok sa loob ng elevator.

“Aray! Kung makahila ka naman!”

Naiinis na ako sa kanya, ah! Sala siya sa lamig, sala rin sa init!

“Tsk.”

Imbis na mag-sorry eh nag-tsk lang siya, problema talaga nito?

Sumimangot ako't tumingin na lang sa gilid. Walang imikan na naganap nga rito hanggang sa bumukas ang pinto ng elevator sa 18th floor. Umuna siyang lumabas bago ako. Napatingin na lamang ako sa kanyang likod habang sinusundan siyang makarating sa kanyang unit. Huminto siya sa unit 1819, pinanood ko lang siyang buksan ang pinto at nang mabuksan na ay tumingin sa'kin.

“Mauna ka.”

Hindi ako umimik pero sinunod ko ang utos niya. Ako na ang nagbukas ng ilaw pagpasok sa unit, bumulaga sa'kin ang simpleng unit ng lalaking 'to.

The wall is color white, walang kadesign-design. Kakaunti lang din ang gamit. Halatang 'di pinag-aksayahan ng panahon ang pamimili ng gamit. May isang t.v na flatscreen lang na katamtaman ang laki, may dalawang cabinet (isang malaki at maliit), may dalawang single sofa and in between them is a glass table na may mga magazine sa ibabaw. May vacuum cleaner sa tabi at trashcan, may carpet naman akong nakita kahit papano— kulay itim nga lang.

“Ang simple ng unit mo.” pagkomento ko sabay tingin sa kanya. Sinarado niya ang pinto sabay lapag ng mga gamit ko sa tabi, dumiretso siya sa sofa at naupo.

“Ang wall mo, walang painting ni isa na naka-display. 'Di ka mahilig?”

“Hindi.” simple niyang wika.

“Nagmukha tuloy malungkot. Dapat naglagay ka kahit isang painting lang, Ken.”

“Anong painting naman?” tumingin siya sa'kin ng nakataas ang isang kilay.

Napaisip ako. “Kahit ano. Abstract na painting siguro, gano'n.”

“Then I will buy a painting tomorrow.”

“Talaga?”

“Oo.” he simply replied.

“Gawin mo ng dalawa. Ako ang maglalagay niyon sa wall.”

Hindi siya umimik, isinandal niya ang kanyang likod sa sofa at pumikit. Nagpunta naman ako sa kusina. Kakaunti lang din ang gamit pero malinis at maayos naman, mukha ring malungkot ang itsura ng kusina niya.

“'Yong mga pinamili natin? Kailan mo kukunin, Ken?” pagtatanong ko habang nasa kusina ako.

“Later.”

“Di ka pa matutulog? Mukhang antok na antok ka na.”

“Hindi pa. Ipagluluto mo pa ako, remember? Kakain muna tayo bago matulog.”

“Nasa'n ang kwarto ko?” pagtatanong ko pa. Lumabas ako ng kusina at nakitang naghuhubad na siya ng polo niya.

“Wala kang kwarto.”

“Huh?” wala pala akong kwarto? Lakas niyang magsabi na rito ako titira tapos wala akong kwarto? Sa'n ako matutulog? “Saan ako matutulog mamaya?”

“Sa kwarto ko.”

Napanganga ako sa sinabi niya. “Kwarto mo?” is he serious?

“Yeah. I only have one bedroom here. Malaki naman 'yon and the bed are king size naman so you don't have to worry that much. Besides, nagkatabi na tayo sa iisang kama dati, 'di ba? Uulitin lang natin ulit 'yon ngayon at sa susunod na mga araw pa.”

Hindi ako makapaniwala! Hindi porket nakatabi ko siya noon sa iisang kama ay pwede ulit kaming mag-tabi ngayon.

“Hindi ako tatabi sa'yo!”

“At bakit?” at napakunot-noo siya.

“Kasi dalaga pa rin ako!” kahit nabuntis niya ako, dalaga pa rin ako!

“Dalaga? Damn, woman! You're pregnant with my child. 'Di ka na dalaga!”

“Dalaga pa rin ako! 'Di naman tayo kasal kaya ba't ako tatabi sa'yo?”

“Ah, gusto mong idaan muna kita sa kasalan para lang tumabi sa'kin?” may sumilay na mapang-asar na ngiti sa kanyang mukha. “Gusto ko 'yon, ah.”

“Pwes 'di ko 'yon gusto.”

“Anong gusto mo? Honeymoon bago kasal? O kasal bago honeymoon?”

Na cringe ako bigla sa tanong niya. “Wala!”

Napailing na lang siya sagot ko.

“Magbibihis muna ako. You can turn on the t.v if you want.” 'yan ang kanyang sinabi bago pumasok sa loob ng kanyang kwarto.

Napaupo ako sa sofa at napabuntong-hininga, hindi ko talaga mawari ang mood niya. Kanina bad trip na bad trip siya tapos ngayon, good mood naman, inaasar pa ako. Sinandal ko ang aking likod sa sofa at pumikit muna. Mamaya pa ako magluluto so iidlip muna ako.

---

Nagising ako dahil sa amoy ng ulam. Napatingin ako sa paligid, wala si Ken sa sala kaya paniguradong nasa kusina siya. Nagtaka lang ako dahil may kumot na nakabalot sa'kin ngayon, mukhang kinumutan niya ako kanina. Tumayo na ako't nagtungo sa kusina.

Naka-topless na Ken ang aking nakita. Napakagat ako sa ibabang labi nang mapagmasdan ang kanyang likod, he had a back muscle. 'Di ko alam na may gano'n pala siya. He's now wearing a sweat pants, wala siyang apron na suot habang nagluluto.

Nang humarap siya sa'kin ay bigla na akong nabusog. I saw how his abs sparkling because of his sweat, his body is such a wonderland.

“Eyes on my face, woman. Not on my body.” and he smirked.

Namula ako nang tumingin ako sa kanyang mukha.

Nakakahiya!

“Ah, ano...” I gulp. “Ba't ikaw ang nagluto? Bakit 'di mo ako ginising?” pagtatanong ko habang pulang-pula na ang mukha.

“You look tired kaya 'di na kita ginising.”

“Pero kahit na.” napalabi ako. Nakakahiya talaga! Ipagluluto ko pa sana siya kaso siya na ang nagluto.

“Bukas mo na lang ako ipagluto. Ngayon, kumain na tayo.” at naghanda na siya ng mga utensils.

“Ako na dyan.” wala na akong kagawa-gawa, eh.

“Ako na. Umupo ka na lang dyan.”

“Pero—” he cut me off.

“Upo.” he commanded. Napatikom ako ng bibig at umupo na lamang.

Tahimik niya akong binigyan ng utensils. Pinagsandok pa niya ako ng kanin at ulam na siyang 'di ko inaasahan na gagawin niya.

Nakatingin lamang ako ngayon sa kanya. Lagi na lang, lagi na lang ako nakatingin sa kanya at walang ginagawa. Naiinis ako sa sarili ko pero dahil siya may gusto nito, wala na akong palag pa. Babawi na lang ako bukas sa kanya.

Pregnant by my BossWhere stories live. Discover now