YG - Epilogue

686 16 0
                                    


Y N A


Epilogue..

Naglakad ako patungo sa entrance ng NAIA. Nakapila ako dahil tinitignan pa ng guard ang mga bulsa at shoulder bags, habang nakatayo ay may lumapit ulit sa akin, pero ngayon. Kumanta siya, babae rin.

Binigay niya ang White Rose at sabay, "Minamasdan kita.." Tumigil siya at may narinig akong nagduktong sa likod 'ko kaya napatingin ako.

May nakatayong babae doon, may hawak siyang puting rosas, "ng hindi mo alam.." Binigay niya sa akin ang rosas at ng ako na ang i-ch-check ng mga guards ay lumapit muna ang isang guard at binigay ang puting rosas.

"Pinapangarap 'kong ikaw ay akin.." Dalawa ang guard dito sa entrance sabay nilang kinanta 'yun, habang nakangiti. Ngumiti na lang din ako kahit gulong-gulo na ako, pumasok ako sa loob pinapakiramdaman ang paligid baka sakaling may magbigay ulit.

Pero, ilang minuto ang dumaan ay wala ng nagbigay. Pinagt-tripan lang ata ako ng mga tao dito.

"Love, alam 'kong naguguluhan ka na. But, I want you to know this day, right now. Is so special for me, because this day is the day for the both of us. It's our beginning.. I love you." Nakarinig ako ng pamilyar na boses, sa puntong ito ay napahinto ako. Tumingin ako sa paligid, lahat ay nakangiti ngunit hindi nakatingin sa akin.

Biglang tumugtog ang isang pamilyar na kanta.. At sa hindi 'ko malaman na dahilan ay may lumapit sa aking lalaki, nakapolo ito na puti at inabot sa akin ang rosas. Sumunod ang babae'ng nakapolo rin. Sinundan pa ng dalawang bata, habang ang isa ay may hawak-hawak na Cage? Tinignan 'ko mabuti ang cage at may.. Aso?!

Inabot nila sa akin ang Cage at ang rosas ng sila ay makalapit.

Nagkumpulan ang mga tao, pabilog at nakaharap sa akin. Tumigil ang tugtog unti-unting nahati ang mga tao, at nakita 'ko mula doon ay si Ken? May hawak-hawak na rosas at bakit may Mic?!

"Minamasdan kita nang hindi mo alam.." Habang kumakanta siya ay may sumabay sa kanya na isa pang boses at nakita 'ko sa likod niya ay sumusunod si Ron, "pinapangarap 'kong ikaw ay akin.." parehas silang may hawak na rosas, muli ay may sumingit na isa pang boses ngunit ngayon ay boses naman ng babae, "mapupulang labi, at matinkad mong ngiti.." Napangiti ako ng makita 'ko si Rhose, "Umaabot hanggang sa langit" narinig 'ko ang boses ni Rina, kaya napatawa ako ng mahina, nang makarating sila sa harap 'ko, mula kay Ken ay luminya sila na nakaharap sa akin, nakangiti.

"Huwag ka lang titingin sa akin" at sa wakas ay narinig 'ko ang boses ni Lyka. Hindi 'ko na napigilan tumawa ako nang malakas hindi 'ko alam kung bakit pero natatawa ako kapag silang dalawa ang kumakanta.

Nang makarating si Lyka sa harapan 'ko ay kinanta nilang lahat ang huling linya bago mag chorus.

"At baka matunaw ang puso kong sabik" at matapos iyon ay isa-isa silang lumapit at binigay ang rosas.

Nakangiti lang ako magdamag, hinihintay na baka may muling magsalita at meron nga..

"Nagustuhan mo ba? Ang dami nang bulaklak niyan. Bigay mo na muna kay Lyka, pati si Chewy" muli 'kong narinig ang boses niya, sinunod 'ko ang inutos niya binigay 'ko kay Lyka ang cage na nilalagyan ni Chewy at ang mga rosas.

Years GapWhere stories live. Discover now