YG 1 - Last Six Days [ o n e ]

6.6K 81 2
                                    


Y N A

Last Six Days..

HETO pa rin nakatunganga, ginagawa ang mga requirements. Pang-limang araw, bago lumisan ng eskwelahan, pero parang ayokong umalis. Ayokong umalis dahil hindi 'ko siya makikita ng ilang buwan, tatlong buwan to be exact.

"Yna, tara na" Nabalik ako sa reyalidad, na ginagalawan 'ko ilang taon na.

"Saan tayo? New canteen o Old canteen?" Napangiti ako. Dahil makikita 'ko siyang muli, yung mga ngiti niya. Pero hindi pala, lumalayo nga pala ako..

"New" Tipid 'kong sagot, habang bumababa sa hagdan. Naguusap sila-Lyka at Rina-habang ako nakatulala sa kawalan, iniisip kung kailan aamin. Kahit alam 'kong masasaktan din ako balang araw.

Huminto kami sa CR.

Nag-ayos sila, nagpulbos, naglip tint, habang ako heto patuloy pa rin sa pagtitig sa kawalan. Iniisip 'ko pa lang nasasaktan na ako, iiwan 'ko siya, iiwan 'ko sila. Dahil kailangan, mahirap sabihin pero pipilitn 'kong tatagan ang sarili 'ko, kahit umiwas siya.

Kahit alam 'kong mali.. Para sa iba.

Tama, para sa akin. Wala namang mali kung nagkagusto ka ng matagal sa isang taong walang kaalam-alam, wala rin namang mali kung mahal mo na siya. Hindi naman kasalanan ang magmahal sa isang tao.

Kahit alam mong bawal, kahit alam mong madaming hindi sang-ayon sa nararamdaman mo. Ipagpapatuloy mo pa rin, dahil mahal mo.

Pero paano kung siya na mismo ang hindi sumang-ayon at pinakiusapan pang lumayo ka?

"Guys, sa special canteen tayo sabi ni Mrs. Alejandro, tayo raw ang last section na makakagamit nu'n."

Narinig 'kong sinabi ni Shia. President ng Section namin, pati ng SC.

Ang kaninang panatag na puso 'ko'y napalitan ng kaba, alam 'ko ring nakatingin na sa akin si Lyka, Rina at pati si Rhose. Isa sa mga kaibigan namin, sila lang ang nakakaalam sa lahat. Simula umpisa hanggang ngayon. Mga hinanakit na naramdaman 'ko..

F L A S H B A C K

"RINA!" Sigaw 'ko, aayain 'ko sana siyang pumuntang clinic. Magd-duty kami.

"Bakit?" Tanong niya, habang hawak-hawak ang Bench Bath niya, at umiinom ng tubig.

"Duty tayo." Pag-aya 'ko dito na mabilis namang sumang-ayon, lumabas na kami para pumuntang clinic at magduty ng ilang araw pa. Bago maglast-day.

Pumunta kami ng tahimik.

"Good Morning, Tita." Sabay naming bati ni Rina.

"Tita, pwedeng magduty?" Agad 'kong sinabi, at umupo du'n sa may swivel chair sa may table.

"Oo naman, pwedeng-pwede" tumango-tango ako.

*CROOOOOOO*

Years GapOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz