YG 9 - Last Two Days

627 15 0
                                    


Y N A

Last Two Days..

Naalimpungatan ako sa sinag ng araw. Umaga na pala, parang kahapon lang magkasama kami ni Haiden, ngayon bagong araw na naman. Bagong chapter ng storya namin.

"Ija? Gising ka na ba?" Narinig 'ko ang boses ni Mama, "opo, ma" sagot 'ko. Hindi 'ko alam kung narinig niya ba.

*TOK* *TOK* *TOK*

Niluwa ng pinto si Mama. May malawak na ngiti sa mukha, kinusot 'ko ang mata 'ko bago umupo sa kama, at ngumiti pabalik sa kanya.

Everything's good right now, how I wish na sana ganito na lang lagi. Gigising sa umaga, ngiti ang unang lalabas sa iyong mukha. Dahil walang dahilan para hindi tayo ngumiti.

"Baba ka na, handa na ang pagkain." Maotoridad na sabi ni Mama, "sunod po ako, Ma. Magaayos lang ho ako."

Tumango si Mama, bago umalis sa kwarto 'ko. Tinignan 'ko ang kama.. Tila hinahatak niya ako pabalik sa kanya.. Inaantok pa 'kooooooo ╥﹏╥

Pinilit 'ko tumayo, at pumunta sa loob ng banyo para magayos at maligo.

Pagkatapos ng ilang minuto ay natapos na rin ako, mabilis lang ako maligo. Siguro mga 20 minutes lang. Nagpunas ako at sinuot ang uniform 'ko. Kinuha 'ko ang bag 'ko at phone tumingin na muna ako kay Bear. Makikita 'ko na naman siya ulit.  Namimiss 'ko na naman siya (∩_∩)

Pababa sa hagdan ay nakita 'ko na agad sina Mama, kumakain. Binati 'ko sila na may malawak na ngiti sa mukha. Umupo ako sa tabi ni Mio, at nagsimulang kumain.

Ano kayang mangyayari mamaya? Minsan gusto 'kong malaman kung ano ang iniisip ng tao. Ang weird pero amazing. Sana sa susunod na buhay 'ko kaya 'kong malaman kung ano ang iniisip ng mga tao sa paligid 'ko.

Nakarating na ako sa school. Dumeretso ako sa Room at nakita 'ko si Lyka, Rina at Rhose. Na nagk-kwentuhan, dumeretso ako sa upuan 'ko para ilapag ang gamit 'ko at pumunta sa kanila.

"Oh, kamusta ang pagc-cutting kahapon?" - Lyka

"Anong cutting? Pinaalam ako ni Haiden kay Tito Martin." Umiling siya habang nakangiti. Wala akong magawa, ano kayang pwedeng gawin?

Bukas na pala ang talagang alis 'ko. Mamimiss 'ko sila Lyka. Pati na rin 'tong school. Sasama si Haiden sa New York, kami ang magkasama habang may pasok si kuya.

Dumating na ang Homeroom teacher namin, pero mukhang wala naman kaming gagawin. Pinayagan niya kaming matulog o hindi kaya tapusin ang kung ano mang requirements ang hindi pa namin tapos dahil ngayon na lang daw ang huling araw para sa pasahan.

Dahil inaantok pa ako ay bumalik ako sa upuan 'ko at doon natulog. Ang iba rin sa amin ay natutulog din. Dahil nga sa walang magawa.

"Yna, gising na hoy." Naramdaman 'ko ang pagyugyog ng kung sino man. Kinusot 'ko ang mata 'ko at inayos ang buhol bago kinuha ang wallet at phone. Tsaka lumabas na kasama sina Lyka.

"Old Canteen?" Hindi ako sumagot bagkus ay sumunod na lang ako sa kanila, inaantok pa rin ako. Natulog ba talaga ako? Hays.

Nakarating kami sa Old Canteen, at nakita 'ko agad sina kuya Simon. Mula sa pinakaloob ng Old Canteen ay nakita 'ko si Haiden lumabas galing doon. Patungo siya sa direksyon namin, nakatingin lang ako sa kanya. Blangko.

Years GapWhere stories live. Discover now