YG 10 - Last Day

557 17 0
                                    


Y N A

Last Day..

Nagising ako sa hindi maipaliwanag na pakiramdam, pagmulat 'ko ng aking mga mata.. Wala namang bago, nandito pa rin ako sa Condo Unit ni Ron, ngunit wala na akong katabi..—

Asan si Haiden? Kinusot 'ko ang mata 'ko at tuluyang lumabas ng kwarto, mula sa kusina ay nakita 'ko silang nagkukumpulan at nagtatawanan doon. Unang hinanap ng mata 'ko ay si Haiden, ngunit wala..

"Yna.. Gising ka na pala.." Nagbago bigla ang tono ni Ron, nawala ang mga nasisiglang tawanan.. Nabura ang masayang presensyang bumabalot sa buong unit.

Unti-unting napalitan ng tensyon, kaba, lungkot, takot.. Ngunit tensyon saan? Para saan ang kaba? Ang lungkot? At ang takot?.. Dahil aaminin 'ko ako ang natatakot, ako ang kinakabahan. Hindi 'ko alam kung bakit nagiging ganito na naman..

"Si Haiden?" Malumanay na tanong 'ko, lumunok si Ron bago tumingin kela Lyka, gano'n din sila..

"Ang sabi 'ko asan siya?!" Hindi 'ko na napigilan, sa sobrang kaba 'ko ay napasigaw na ako.. Mukha natakot 'ko sila..

"Ayokong masaktan ka na naman—"

"Bullshit. Ang gusto 'kong malaman nasaan si Haid—!"

"Na kay Alexa." mahinahong bigkas ni Rhose, na ikinahinto 'ko.. "Pumunta siya kay Alexa.. Masaya ka na?"

Wala akong masabi, nakatulala lang ako. Habang tumutulo ang luha.. Na naman.. Akala 'ko okay na, akala 'ko tapos na.. Ngunit akala 'ko lang pala.. B-bakit sobrang sakit? Siya pa rin yung pinili? Akala 'ko ako na ulit.. Pero hindi.. Umasa lang pala ako.

"HOY! YNA! NAK NG TOKWANG PALABOY KANINA KA PA NAMIN GINIGISING!" Minulat 'ko ang nata 'ko at sabay na napaupo habang habol-habol ang paghinga.. Panaginip..

Panaginip lang pala–nasaan si Haiden? Hinanap 'ko si Haiden, at nakita 'ko ito sa may sofa nakatingin sa akin. Dali-dali akong pumunta sa kanya at niyakap siya.

H A I D E N

Bigla niya akong pinuntahan at sinalubong ng yakap, pinatong niya ang baba niya sa balikat 'ko. Nakunot ang noo 'ko, at mas lalo akong nagalala ng makarinig ako ng hikbi. Damn.

Hinagod 'ko ang likod niya at pinatahan siya, wala akong alam kung bakit siya biglang umiyak.

Y N A

"W-wag mo ng u-u-uli-litin 'yun h-ha.." Patuloy ako sa pagiyak, habang dinadama ang mga bisig at palad niyang hinahagod ang likod 'ko. Pinapatahan ako.

"Opo, hindi na po." Narinig 'kong sagot niya, kahit alam 'kong panaginip lang. Inalis 'ko sa pagkakapatong ang baba 'ko sa balikat niya at hinawakan ang magkabila niyang pisngi.

"Don't you dare leave me again... for her. I want you just for me.." hawak-hawak ang magkabila niyang pisngi ay walang alinlangan ay bigla 'ko siyang hinalikan sa labi.

"I love you, love.." Bulong 'ko, muli 'ko siyang hinalikan ngunit ngayon ay sa noo sunod ay sa magkabilang mata at pisngi, sunod ay ang ilong at ang pagitan ng ilong at labi.

Years GapWhere stories live. Discover now