"Kwarto natin? Paanong..." paghyhysterical ko. Walang wala akong maalala sa kahapon, ang naaalala ko lang ay nang magpakilala si Ms. Montgomery sa amin. Paanong nandito na ako sa iisang kwarto kasama si Christy? Mas lalo pang nagiging weird lahat ng pangyayari.

"Wala ka ba talagang maalala?" nagtatakang tanong sa akin ni Christy. DUH!? Obvious ba? Magtatanong ba ako kung alam ko?

"Obvious ba?" inirapan ko siya. Tch!

"Chill lang Ella! Hay, hindi ka parin nagbabago kahit na sa nangyari kaha-"

"Anong nangyari sa akin kahapon?" tanong ko sakanya. Bigla naman siyang natahimik nang itanong ko sakanya 'yon. Ano ba talagang nangyari kahapon?

*RING*

"Ah Ella, mauna na ako sa Canteen. Breakfast Call na, sumunod kanalang. Maghanda kanarin 8:30 ang pasok natin." tuloy tuloy niyang sabi. Hindi siya makatingin sa akin ng diretso. Bakit hindi siya makatingin sa akin ng diretso? Ano ba talaga nangyari sa akin?

Madaming tanong ang gumugulo sa isip ko. Bakit ang weird ng pakiramdam ko sa eskwelahang 'to? Normal paba ang mga tao rito? Anong nangyari sa akin?

7:30 am

Sht! Kailangan ko na magmadali! 8:30 nga pala ang sinabing pasok sa amin. Hayst!

Pagkatapos kong maligo, lumabas narin ako ng dorm at hinanap ang canteen. Bawat taong madaanan ko, ang lagkit ng tingin sa akin at pinagbubulungan ako. Sanay naman na ako sa bulong-bulungan tungkol sa akin pero parang... parang may mali.

"Siya yung babaeng sumira sa statue diba?"

"Ang lakas ng loob kalabanin ang royalties."

"Mukhang hindi siya pangkaraniwang wolf."

"Ang sama niya makatingin."

Ano bang pinag-uusapan nila? Ako ba ang pinag-uusapan nila? Tsaka ano? Sumira sa statue? Kalabanin ang royalties? Hindi pangkaraniwang wolf? Hindi ko naman maalalang sumira ako ng kahit ano rito at wala akong kahit isang clue nangyari kahapon. At wolf? Ang weird ng kinikilos ng mga tao rito.

After 1234567 years, nakarating rin ako sa canteen. Di ko parin maiwasan ang mga malalagkit na titig ng mga tao sa akin. Hindi ko alam, sanay naman na ako sa atensyon at ganito. Dapat nga magsaya na ako ngayon... pero kasi parang may hindi tama at parang may nangyaring kakaiba kahapon na hindi ko naaalala. Ano ba ang hindi ko alam?

Nakita ko naman si Christy na tahimik at seryosong kumakain sa dulo ng canteen. Pinuntahan ko siya roon at umupo sa kaharap niyang upuan.

"Christy, Ano ba talagang nangyari sa akin kahapon?" seryosong seryoso kong tanong sakanya. Gusto ko lang na umamin na siya at hindi na umiwas pa.

"Ah... kumain ka na ba? Kukuhanan kita ng breakfast sa counter." tumayo na siya at sinimulan maglakad papuntang counter nang hilahin ko ang braso niya. Akala niya matatakasan niya ako? Ako parin si Ella Kingsley at walang hindi nagsasabi ng totoo sa akin.

"Christy, sabihin mo ang totoo." puno ng awtoridad kong sabi sakanya. Napapikit naman siya at mukhang nag-iisip ng sasabihin sa akin nang mag ring ang bell. Sht! Di pa ako nakakain ng breakfast.

"Malalaman mo rin mamaya Ella, malalaman mo rin."



Hindi parin maialis sa isipan ko ang sinabi niya sa akin.

"Malalaman mo rin mamaya Ella, malalaman mo rin."

"Malalaman mo rin mamaya Ella, malalaman mo rin."


Nakarating na kami sa silid para sa unang subject namin.


Pagkapasok na pagkapasok namin sa silid, lahat nakatingin sa amin at pinag-uusapan. Alam kong may nangyaring hindi maganda kagahapon pero pinili ko munang tumahimik. Kahit na hindi ako madaling magtiwala, naniniwala ako kay Christy na malalaman at malalaman ko rin.

Naupo ako sa dulong upuan. Isinuot ko nalang ang earplugs ko at hindi na pinakealaman ang mga nagbubulungan tungkol sa akin.

"AWWOOO!" Ugh! Ang sakit sa tenga! Sino bang abno ang magsisigaw ng ganon? Hindi naman sila wolf--


"We meet again, Ms. Kingsley."

-

[Edited 15.07.26]

-Sea

Wolf AcademyWhere stories live. Discover now