Chapter 18: My Hailey

Depuis le début
                                    

“Pangalan ng kapatid mo?” Hindi ako nagpasindak sa boses ng guard. Pero sa totoo lang, nakakatakot. Parang matatakot ka talagang gumawa ng krimen kapag siya ang kaharap mo.

“Harley. Harley Baustista.”

Hinanap niya sandali ang pangalan ni Harley sa log book. “Nandito nga siya. Ma’am, pangalan mo?”

“Hailey Baustista.”

“Wala ka sa guest list. Hindi po kami pwede magpapasok ng wala sa guest list ang pangalan niyo.”

“U-uhh… sige po, pakibigay nalang po ito sa kapatid ko—”

“Boy!” Narinig kong sabi pa ng isang guard habang lumalapit sa’min ng tinawag niyang ‘Boy’. “Gusto mo bang mawalan ng trabaho?”

Mabilis siyang nakalapit sa’min. Tumingin siya sa’kin at medyo ngumiti. Mukhang kinakabahan sa ginawa ng kasamahan niya.

“Ma’am, pasok po kayo. Wag nalang po sanang makarating ito kay Sir Royce. Bago palang po itong kasamahan namin kaya hindi pa kayo kilala.”

“Ho?”

“Pasok na kayo, Ma’am. San po ba ang punta niyo? Ihahatid ko na po kayo.”

“S-sa court lang po… w-wag na po. Alam ko na po kung saan. S-salamat po.”

Maging ako ay nagitla sa sinabi ng guard na ‘to. Takang taka ako habang pumapasok sa Leaf Grand. Ano namang kinalaman ni Royce dito? Kung hindi naman ako pwede dito, ipapaabot ko nalang sa kanila ‘tong gamit ni Harley. Tss.

Pumunta agad ako sa court. Nakita kong naglalaro ang kapatid ko ng basketball. Ngayon ko lang na-realize na gwapo pala ang kapatid ko kapag malayo. Dito nalang ako sa malayo forever. Sumandal ako ng kaunti sa railings sa may entrance. Pinapanood ko ang bawat galaw ng kapatid ko. Nagugulat ako kapag nakikita kong napupuruhan si Harley pero ang magaling kong kapatid, tumatawa lang. Pero kapag ako ang nananakit sa kanya, makakapatay ng tao makaganti lang!

Dahan-dahan akong naupo sa bleachers habang pinapanood pa rin ang kapatid ko. Inaamin ko na. Magaling maglaro ang kapatid ko. Kahit na hindi ako mahilig sa sports, alam ko naman ang magaling sa hindi.

Napatingin ako sa paligid. Nagulat ako nang makitang hindi lang pala ako ang audience nila. May iilang babaeng nanonood sa kabilang side na siyang mas malapit sa pwesto ng kapatid ko. Pero imbes na yung laro ang pagtuunan nila ng pansin ay yung lalaking nakaupo pa sa opposite side nila ang pinagkakaguluhan.

Tinitigan kong maigi yung lalaki. Hindi ko maaninag ang mukha nito dahil busy ito sa pagte-text kaya medyo nakatungo habang ang siko ay nakapatong sa hita. Simpleng short at white t-shirt lang ang suot nito.

Bigla akong napatayo ng makilala ko kung sino yon. Mabilis akong naglakad palabas na sana pero natulig ako ng marinig ko ang malakas na boses ni Harley.

“Ate!” Dahan dahan akong lumingon sa kanya. Pero imbes na lumapit siya sa’kin, nakita kong umupo pa ito sa tabi ni Royce. Si Royce naman, diretsong nakatingin na rin sa’kin. Nakalimutan na yatang may hawak ‘tong cellphone. “Dala mo ba towel ko?! Pahiram!”

Nilagay ko ang kamay ko sa bewang ko. Pinakita ko sa kanya hindi ako utusan. Pero hindi pa rin lumapit sa’kin ang mokong. Gusto ko siyang sigawan pero pinigilan ko ang sarili ko. Mas naaasar kasi ako sa puso kong ayaw tumigil sa mabilis na pagtibok. Damn.

I sighed. Mabilis akong lumapit sa kanya. Hindi ko man lang tinapunan ng tingin ang katabi niya. Nilagay ko ang paper bag sa tabi niya. Ni hindi man lang nagpasalamat. Tinignan niya agad yung laman ng paper bag.

Just Like BeforeOù les histoires vivent. Découvrez maintenant