Prologue

121 0 0
                                        

Runaway.
Forget everything.
Never look back.

Iyon ang mga bagay na paulit-ulit niyang sinasabi sa sarili sa bawat hakbang na tinatahak paakyat ng bundok. Iginala niya ang paningin sa buong paligid. Kumakapal na ang ulap sa bahaging ito ng kabundukan. Di magtatagal magiging zero visibility na lahat sa paligid. Kakapal ang hamog at kahit ang sarili ay di na niya makikita pa.

May parating na bagyo daw sabi ng mga nakasalubong niya kanina. Kaya naman ang ilan sa mga mountaineers ay dali-dali ng bumaba ng bundok. Walang tao ang may matinong kaisipan ang mananatili dito para makipagsapalaran. Anong saysay ng pag-akyat kung mamamatay ka din lang?

Sa kaso ko, iyon ang hanap niya. That's the whole reason kung bakit gusto niyang ituloy ang pag-akyat. Gusto niyang mamatay, para matapos na rin ang lahat ng ito.

Maybe he is being unreasonable. Bakit niya nga naman nanaisin ang mamatay? Gayong napakasarap mabuhay. He doesn't know, sa totoo lang gusto niya lang na matapos na ang lahat ng to.

But everytime he try to end his life, maraming nagpa-flashback sa isipan niya. Do he really want to? Hindi niya pa nasasagot ang greatest mystery sa buhay ng tao nag-eemote na siya at nagpa-planong magpakamatay. Kidding aside, hindi niya alam sa sarili niya kung bakit hindi niya din kayang gawin ang pagpapakamatay. Marahil ay dahil sa napili niyang propesyon. He's a doctor. He saves lives not end it. Same principles applied sa sarili, di ba? 

Siguro dahil naiisip niya ang mga taong natulungan niya noon. Hindi ba't madalas nilang sabihin sa kanya? 'Pag-palain ka nawa ng Diyos, Sana marami ka pang matulungan'. Hindi iyon ang dahilan kung bakit pinili niya ang magligtas ng buhay. Dahil alam niya na marami ang nangangailan ng tulong medikal. Gusto niyang suklian ang kabutihan ng mga Alcantara sa pamamagitan ng pagbibigay ng libreng tulong sa mga nangangailangang kapus-palad. 

Marami siyang dapat ipagpasalamat sa mga Alcantara, sa lahat ng tulong at pagtanggap ng mga ito sa kanya. Sa pagkupkop at pagbibigay puwang sa kanya upang maging kasapi ng pamilya. Pero natatakot siyang makulong sa pangako ng pagbabalik ng tulong na iyon. Hindi niya alam kung hanggang saan ang kaya niyang ibigay upang masuklian ang pagmamahal ng mga Alcantara. Natatakot siyang magbigay kahihiyan sa mga ito. Kaya nga't ginawa niya ang lahat upang maging pinakamahusay sa klase noong nag-aaral siya. 

Ginawa niya ang lahat ng nais ng matandang Alcantara dahil ayaw niyang makaramdam ito ng kabiguan sa kanya. He was doing fine. Nag-eenjoy din naman siya sa mga ginagawa niya. Pangarap niya din naman ang maging manggagamot. Ngunit hindi niya nais ang mabuhay ng nakikita ng publiko ang lahat ng ginagawa niya. He was adopted. He carries the name of an Alcantara. Hindi niya alam kung biyaya o isang sumpa ang pagkakaroon ng ganitong pangalan. Kadikit nila ang media, kabi-kabila ang mga paparazzi. Lahat naghahanap ng pwedeng idikit na isyu lalong lalo na sa kanya na isang sampid sa pamamahay ng mga tunay na Alcantara. Napakabigat na responsiblidad ang maging isang Alcantara para sa isang tulad niya.

Mas lalo pang bumigat ang kanyang loob noong i-anunsyo ng matandang Alcantara na siya ang napili nitong tagapag-mana. Labag man sa kanyang kagustuhan tinanggap niya iyon dahil iyon ang tama pero ramdam niya sa sarili niya na hindi pa siya handa at kailanman ay hindi magiging handa para sa ganoong kalaking responsibilidad. 

Ngunit ang makita ang labis na tiwala sa kanya ng matandang Alcantara ang nagpatibay ng loob, hindi man siya handa, pipilitin niyang gampanan ang tungkulin sa abot ng kanyang makakaya. 

Akala niya ganoon iyon kadali, dahil sa paghahandang iyon hindi niya nabantayan ang puso niya. Umibig siya. Ang masaklap sa isang babaeng hindi niya dapat mahalin, Si Elisha. 

Nang dumating siya sa tahanan ng mga Alcantara, nakilala niya ng noong tatlong taong gulang na si Angel Elisha. Tahimik sa umpisa pero habang tumatagal nagiging makulit. Palaging naka-ngiti ang maamo nitong mukha, tulad sa isang anghel. Subalit hindi maihahalintulad sa isang anghel ang kanyang ugali sa oras na mag-init ang ulo. Eli-girl ang tawag niya dito. Si Elisha na nais alagaan ang lahat ng tao sa paligid niya. Si Elisha na pilit sumasalo sa mga problema kahit hindi naman ito ang may kasalanan. 

Its her selflessness that made him fall in love with her. Sa simula akala niya, isang simpleng paghanga lamang ang nararamdaman nalaman niya lamang na hindi simpleng pagtingin iyon ng sabihin nito sa kanya na may napupusuan na ito. 

Elisha was his first love and first heartache. 

He tried to fight it. Ngunit sadyang hindi natuturuan ang puso kung sino ang dapat mahalin. He tried dating other girls but he felt like he's cheating. Not cheating on Elisha but cheating on himself. Alam niya sa sarili na hindi magagawang palitan ng kahit na sino si Elisha sa puso niya. 

He tried to leave. Nilisan niya ang ancestral house. Bumukod siya at tumira sa isang condo upang kahit sandali ay makaiwas dito, pero sadyang pinaparusahan ata siya ng langit dahil kahit hindi na siya nakatira sa main house, hindi lumiliban ang dalaga sa pagbisita sa kanya tulad ng isang maaalahaning kapatid.

Hindi miminsang sinubukan niyang sabihin dito ang tunay na damdamin, hindi para humingi ng kapalit kung hindi para lamang ipaalam dito na hindi sa isang kapatid ang pagtingin niya dito. Subalit ang imahe ng magandang mukha nito na naka-ngiti sa kanya, ang kislap ng mga mata na punong-puno ng respeto, paggalang at paghanga para sa kanya ang palaging pumipigil sa kanya. Hindi niya kayang alisin ang imahe ng kanyang pagkatao bilang nakatatandang kapatid na hinahangaan sa mga mata nito.  He doesn't want her looking at her with disgust and mistrust, the look of betrayal is more he can handle. 

He'd rather be her older brother than a man. All he wanted is for her to be happy and if he is not the right man for the job he will gladly take his leave and make way for the right one. Elisha will always be special for him, no matter what happens. 

But a man can only take so much. His heart hurts every time he sees them. He hurt every time he sees her laugh with the other man. He knows she's happy and for that he's thankful. He can only hope that Lawrence will love her unconditionally without end. 

Ngayon, heto siya naghahanda para sa kanyang pamamaalam. He knows its a cowardly act pero hindi niya kayang humarap ngayon. Katulad nga ng sinabi niya, hindi pa siya handa. Nagiging makasarili siya, alam niya ang bagay na iyon pero sa pagkakataong ito gusto niyang gawin ang nais niya. Ang maging malaya. 

Freedom from pain. Freedom from responsibilities. Freedom from the glittering world of fame and fortune. Freedom from everything. 

Hawak ang strap ng kanyang backpack, tumayo siya sa gilid ng bangin and then... he let it go.



RayeWhere stories live. Discover now