꧁ ҳҳıı | ʋıєŋɬıɖơʂ

Start from the beginning
                                    

Para itong isinusulat gamit ang pluma at tinta. Ang dikit-dikit na paraan ng pagsulat ay kawangis nang gawi ng pagsulat ng binata.

Sa pagsulat ng isang salita na siyang nasa wikang Espanyol ay parang may mahikang nagbabalasa sa mga letra upang maging wikang Filipino ito.

Bagamat nasisindak ay namamangha na si Yuan sa nasasaksihan. Para siyang nananaginip at napupuno ng hiwaga ang kanyang panaginip.

"Natatangi ang aking sisero datapwa't siya ang may hawak sa kapalaran ng mga tala ng kanyang nakaraan. Ikaw, na siyang bumibigkas sa nalimot naming nakalipas ang..." hindi na naituloy ni Yuan ang binabasa dahil sa lubusang kaba.

Nakaramdam ang binata ng takot dahil para bang may mata ang libro at nalalaman nitong nagbabasa siya. Ilang sandali siyang huminto upang titignan ang nilalaman ng pahina. Nanginginig man ang mga kamay ay nagpasya siyang magpatuloy.

"Ikaw, na siyang bumibigkas sa nalimot naming nakalipas ang gagabay sa mga bituing naliligaw sa kalangitan. Isang himala ng santinakpan ang ibababa. Sa iyong tinig ang oras ay tatalima..." natigil ang pagbabasa ni Yuan sapagkat ang huling pangungusap ay nanatili sa wikang Espanyol.

"Yo soy el unico. En mi voz, la verdad volvera," nahihirapang basa ni Yuan sa wikang Espanyol.

Bagamat nasa lengwaheng lubos na niyang maiintindihan ay walang nahinuha si Yuan sa nabasa. Binalikan pa uli niya ang unang salita upang simulang basahin nang mas maigi.

Ngunit agad siyang nakaramdam ng antok na hindi niya mawaglit. Biglang bumigat ang mga talukap ng mata ni Yuan. Kahit anong pilit niyang padilatin ang kanyang mga mata ay unti-unti na siyang nilamon ng dilim at nawalan ng malay.

Agad napadilat ng mata si Yuan nang may maramdaman siyang haplos sa kanyang pisngi. Isang nakakasilaw na liwanag ang bumungad sa kanyang mga mata kaya agad na napapikit at napatakip ng mata ang binata.

Marahan siyang bumangon mula sa pagkakahiga dahil hindi pa tuluyang nagigising ang kanyang diwa. Pagkababa ni Yuan sa kanyang kamay ay agad niyang napansin na hindi siya nag-iisa sa loob ng silid.

"Roanne?" malalim na bigkas ni Yuan sa pangalan ng kanyang kaibigan. Dahil kagigising pa lamang ay may kalaliman pa ang kanyang boses.

Nakatayo sa gilid ng kama ang tila kinakabahang si Roanne habang magkasaklop ang dalawang kamay sa kanyang dibdib.

"Roanne, anong ginagawa mo rito?" tanong ni Yuan nang makabawi siya mula sa pagkakagising.

Hindi napansin ng binata ang mahinang pagsinghap ni Roanne at ang malikot nitong mga mata.

"Ano... Umaga na kasi at hindi ka pa nababa. Nag-aalala si Levy kaya pinapunta niya ako rito para gisingin ka," malumanay na sagot ni Roanne matapos ipako ang tingin kay Yuan.

Natigilan sandali si Yuan at napatingin kay Roanne. Maya-maya'y impit itong tumawa at nag-iwas ng tingin sa dalaga.

"Sino? Si Levy? Hindi ako naniniwala," magkahalong biro at katotohanang pagtanggi ni Yuan sa sinabi ng kaibigan.

Wala man siyang sama ng loob sa kapatid ni Aria, alam ni Yuan sa sariling hindi na sila tulad ng dati. Nakakapanghinayang pero tanggap na niya na may malaking lamat na sa pagkakaibigan nila ni Levy.

"I don't even know if he still sees me as a friend," Yuan whispered. His anguished eyes were glistening under the sunlight.

When Roanne saw this, her heart wrenched in pain. Their past still hunts Yuan even though years had passed. Her friend is hurting and even though Roanne is the one who's by his side, she knows that the sole woman who will ever be Yuan's solace is Aria.

Estrella Cruzada  ⋮ ᴏɴɢᴏɪɴɢ ⋮Where stories live. Discover now